>>>>>>>
Shirley's pov.
Bilis nang araw valentines na bukas.. Andito kami sa school ngayon kasama ko si drake as usual. Pero tulog siya. Hawak ko ang phone niya & sa kabilang kamay ko hawak ko ang buhok niya binibilang ko kung ilan. XD jk. Maya maya tumayo siya and.."Shie, anong pwede kong iregalo kay pearl?" Aba effort ha? Hahahaha.
"Magkano ba budget mo?" I asked him and pinakita niya yung ipon niya. "Hmm teddy bear? Flower? Chocolates? Diba ganun ang mga binibigay pag valentines?" Sabi ko skanaya.
"Yes pero ang common masyado." Sabi niya habang inaayos ung pera niya.
"Ikaw bahala. Ikaw naman gagastos eh." Sabi ko sakanya. Habang naguusap kami may lumapit..
"Hi ate and kuya pwede po ba kayong ma-interview?" Tanong nung babae, I think elem palang to. Sguro grade 5.
"Oh sure." Sabi ni drake kaya um-oo nadin ako.
"Ilang taon na po kayong mag bfgf?" Nagulat ako sa tanong nang bata na to. Kanina naka ganto ang muka ko -> ^_^ pero nung tinanong niya yan naging ganto -> o.O hahaha.
"Hindi kami noh." Sabay naming sagot ni drake. Tapos nagkatinginan kami and tumawa.
"Eh? Mag-ano po kayo?"
"Magasawa na kami." Sabi ni drake. Hahaha loko talaga to eh. "Joke lang magbestfriend lang kami." Yon! Yun yon eh. MAGBESTFRIEND LANG KAMI. Mejo masakit no? XD
"Sus eh bakit kayo po ang magkasama? Lagi nga po kayong magkasama ni ate eh." Aba ano tong batang to? Spy?
"Teka? Pano mo naman yan nasabi?" Tanong ko sa bata.
"Kasi po pinagmamanman kami nang teacher namin, maghanap daw po kami nang babae at lalaki na laging magkasama dito sa school at interviewhin namin para sa article namin ngayong valentines. Eh kayo po ung madalas kong makita so yun akala ko mag jowa kayo." Sabi nung bata sabay tawa.
"Hahaha. Porket magkasama lagi mag jowa na agad?" Sagot ni drake..
Andami pang tinanong samin. At sinagot naman namin. Okay lang daw kahit hindi kami mag jowa basta lagi kaming magkasama pasado daw un sa interview nila. Hahaha. Sanay nako sa ganun, andami na kasing nagtanong sakin dati kung kami ba ni drake. Kaya okay lang sakin ung kanina. Ewan ko lang kay drake pero mukang okay naman sakanya kasi ang saya niya kanina habang iniinterview kami eh.
Drake's pov.
Kakahiwalay lang namin ni shirley kasi kelangan na naming pumasok sa kanya kanya naming classroom. Pero natatawa padin ako sa interview kanina eh hahaha. Oo madami nang nagsabi non samin pero hindi ako naiinis sa mga nagsasabi non kahit na parang ang bilis nilang magisip nang kung ano samin. Pero jusme ano bang ibibigay ko kay pearl bukas?---
Valentines day.Yanie's pov.
Araw nanaman nang patay. Ang daming bulaklak sa lansangan. Tss. Okay hahaha sorry bitter ko ba masyado? XD pano ba naman andaming sweet dito sa school excuse me school po to hindi park. Kung magholding hands akala mo di na magkakahiwalay eh. Nako, if I know magbe-break din yan. Ganyan na ganyan din ung ex ko sakin. Kung makahawak akala mo di niya na talaga ko bibitawan tapos at the end binitawan din ako. Kaya sus magbebreak din yang mga yan. Lahat nang bagay nagbabago.Pagdating ko sa room tinabihan ko si shirley..
"Shieee ano? May binigay na ba sayo ung ka-mu mo?" Tanong ko skanya..
"Wala. Ni hindi nga ako kinakausap eh magbigay pa kaya nang kahit ano." Ay bad mood ang lola niyo mg beh.
Hindi nako nagsalita at lumipat ako nang upuan dahil dumating ung teacher namin. Katabi ko si kenzo pag Ap subject kaya nagkausap kami.
"Hoy may ibibigay ka ba sa kaibigan ko?" Tanong ko.
"Wala eh. Di ko naman kasi alam na kailangan nang mga ganyan." Ano? Hindi alam? Eh wala ka palang silbi eh. Nakakainis to!
"Baliw ka ba? Alam mo bang importante na mabigyan mo nang kahit ano manlang ang taong mahal mo kapag valentines. At kaming mga babae nageexpect kami lagi nang ganun sa boyfriend namin or sa ka-mu namin." Panenermon ko kay kenzo.
"Ganun ba yun? Tss." Sabi niya sabay kamot sa ulo. Hay jusko sabi ko na nga ba eh walang alam sa mundo tong jeje na to. XD di naman siya jeje ewan ko pag kausap niya kasi si shirley dati may jeje words siyaa. Part siguro nang pagpaparamdam niya yun kay shirley.
Shirley's pov.
Alam mo ung nagiintay ka? Nagiintay ka na babatiin ka niya ng happy valentines? Kahit yun lang, hindi ko naman gusto nang mga materyal na bagay eh o ng chocolates or bulaklak. Oo nakakatuwa ang mabigyan ng ganun pero anong silbi ng mga yon kung di mo din naman nakakausap ang taong mahal mo? Kahit kausapin niya nga lang ako masaya na ko eh.Break time na namin, pagkalabas ko nang buildinh namin ang daming nagbigay sakin. Puro heart na lobo na maliit tapos chocolates and tatlong bulaklak. Yes ganun dito kahit sinong gusto mong bigyan pwede kaya ako, tangap lang nang tangap.
Pagbalik ko nang room..
"Aww kenzo may mga nagbigay na." Sigaw nung isa kong kaklase. Hindi ko lang sila pinansin kahit nagsisigawan na sila. At inaasar si kenzo pati ako. Diretcho lang akong naupo sa upuan ko at sinalpak ko ang earphones ko habang wala pang teacher. Hindi ko ginagawi ung paningin ko kay kenzo, ayoko lang..
Natapos ang araw nang hindi manlang kami nagkausap ni kenzo. Sadlyf ba? Tss. Mas okay sguro kung si drake ang ka-mu ko. :( bakit ba ganyan ka shirley? May ka-mu kana pero puro ka parin drake? Ganun ata talaga pag mahal mo.
Kenzo's pov.
Natapos ang valentines nang hindi ko manlang nabigyan nang kahit ano si shirley. :( nakakaasar ngang pakingan ung mga sinasabi nang classmates ko kahapon. Ang lalo pang nakakainis madaming nagbigay sakanya pero ako hindi manlang nakapagbigay kahit isa lang. Ang selfish selfish mo kenzo di mo manlang naisip na pag nabigyan mo siya non magiging masaya siya? Hayyy :(((----
Yay sorry tagal huhu. :'( nabusy kasi eh, sa church & sa school. So yeah subaybayan nyo pa po sana ^_^

BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Fiksi Remaja"Mag bestfriend? Babae at lalaki? Weh? Mag bestfriend lang ba talaga kayo?" Yan, yan ang kadalasang naririnig ni shirley sa iba. Gusto mong malaman kung bakit? Tara samahan mo akong matuklas ito at kiligin. :")