Chapter 16..
Drake's pov.
Woah, nagawa ko yon?*flashback*
"Pearl ayoko na.."
"Ha? Anong ayaw mo na?"
"Nagbago kasi ung pakikitungo mo eh, hindi ka na kagaya dati. Parang ako nalang ung nagpapahalaga sayo. Nagmumuka na akong tanga.."*end of flashback*
Yes tama ka nang basa, wala nang namamagitan samin. Hindi ko na sguro kaya kasi para nakong sira na ako nalang ung sweet sakanya. Nung una siya ung naghahabol pero lately nawala na ung ganun niya. Kung MU pa nga lang kami nanlalamig na siya what if maging kami pa? Diba? Diba? Tama naman ako diba? Pagod nakong magpakatanga sakanya. Kaya kanina tinapos ko na kung ano mang meron samin. Infact naguguluhan ako kahit nung MU kami, hindi ko alam pero si shirley ang naiisip ko kahit si pearl ang kasama ko. Bakit ba ganon shirley? Bakit ka ganyan?
Habang naglalakad ako may nadinig akong babae na sumisigaw sa may damuhan.
"baliw, baliw!" tinignan ko ang direction ng pinangagalingan nung boses.. Parang kilala ko ung bag na yun ah. Teka?? Kay shirley yon ah. Anong nangyari don?? O.o nilapitan ko siya agad..
"Panget anong nangyari?" Tanong ko sakanya habang hinahagod ang likod niya..
"Huhhhhuhhuhh.." pagsisinghot ni shirley..
"Hoy ano ba kasing nangyari sayo?" Pagaalala ko sakanya..
"Ka-kasi-si.." nauutal niyang sagot..
"Ano nga?!" Pasigaw kong sabi sakanya..
"Kasi hindi na kami mu ni kenzo!" Sigaw niya sakin. Aray shirley ah? Nakakabingi ka. DInig na ata nang buong campus yon eh.
Hindi ako makasagot sakanya, gusto, ko siyang tanungin kung anong nangyari pero ayokong mas masaktan pa siya kung maalala niya. Ang tanging nagawa ko lang ay ang yakapin siya...
Niyakap ko siya.. yung mahigpit.. ung nagpapahiwatig na wag na siyang malungkot dahil andito lang ako.. na hindi ko siya iiwan.
Shirley's pov.
"Baliw ka na talaga shirley, baliw, baliw!" Sigaw ko sa may damuhan habang nakayuko.. at habang nagdadrama ako.."Panget anong nangyari?" Sabi sakin tapos hinagod ang likod ko.. alam ko kung kaninong boses to. Alam kong si drake to. Huminga ako habang umiiyak.. at nagsalita siya ulit.. "Hoy ano ba kasing nangyari sayo?" Sabi ni drake nang may mahinahon at mapagalalang boses.
Tanging " Ka-kasi-si.." ang nauutal na sagot ko.
"Ano nga?!" Sigaw ni drake. At alam kong nagaalala na talaga siya.
"Kasi hindi na kami mu ni kenzo!" sigaw ko. Pagkasabi ko nun bigla nalang akong nakaramdam nang mga braso na yumakap sakin, habang tumatagal nagiging mas mahigpit ito.. yung yakap na ayaw mo nang alisin, ung sana habang buhay nalang na nakayakap siya sayo.. umiiyak ako pero hindi ako umiiyak dahil sa hindi na kami MU ni kenzo. Umiiyak ako kasi dapat hindi nalang kami naging mag-mu para hindi ganto ung nararamdaman ko.. Yung mahal ko ung nakayakap sakin at nasasaktan ko ung ka-mu ko dati kasi ako ung tumapos nang dahil lang sa kadahilanang ayaw sakanya nang magulang ko at napaka complikado nang mga sinasabi nang parents niya. Oo nagustuhan ko siya pero hindi katulad nang dito, yung dito sa nakayakap sakin ngayon. Oo nung MU kami ni kenzo si drake parin ang nasaisip ko, kahit alam kong hindi dapat pero hindi ko talaga alam. Siya parin ang naiisip ko.
"Okay ka lang ba?"
Bakit ba kasi hindi ko nalang tinuloy na palalimin ung pagkagusto ko kay kenzo, pero wala kasi eh kahit anong gawin ko ung bestfriend ko padin ang naiisip ko. Itong bestfriend ko na nakayakap sakin. Itong bestfriend ko na talagang mahal ko.
"Hoy shirley okay ka lang ba?" Ngayon ko lang napansin na nagsasalita na pala uli si drake at hindi niya nako yakap kundi hawak niya na ang pisngi ko.. sumagot ako.."Ha? Anong sabi mo?" Sabi ko sabay punas nang luha ko.
"Tinatanong ko kung okay ka lang ba?"
"Ako pa ba?" Sabi ko at ngumiti sakanya.
"Eh bakit ka umiiyak kung okay ka naman pala?"
"Kasi, nagsisisi ako kung bakit naging MU pa kami ni kenzo dapat hindi nalang para hindi ko siya nasaktan." Sana kasi mahal mo nalang din ako para naging tayo nalang para okay sana lahat para wala sana akong nasaktang iba. Para ikaw at ako lang sana.
"Sus hayaan mo na nangyari na eh, saka andto lang ako noh!" Sabi niya sabay akbay at hila sakin. Nagputa kaming canteen. Bumili kami nang pagkain at umupo sa may upuan.
"Oh ayan ikain mo nalang yan." Sabi niya sabay kuha nang kanin at isusubo sana sakin pero kinuha ko ung kutchara at ako ang nagsubo sa sarili ko. "Pabebe pa? Ikaw na nga inaalagaan eh." Sabi niya.
"Eh ano ako? Baby? Kelangan subuan?" Sabi ko sabay irap sakanya.
"Fine." Sabi niya at sumubo nang pagkain niya. "Alam mo bang hindi na din kami MU ni pearl?" ANO? TAMA BA UNG NADINIG KO? OH BAKA PINAPAASA LANG AKO NANG TENGA KO? BAKA IMAGINATION KO LANG YUN? WHATTT?
"A-ano?" Matipid na sagot ko.
"Sabi ko hindi na kami MU ni pearl." Sabi niya at sumubo uli nang pagkain niya.
omg? Is that true? Bakit parang nagtatatalon ata ung puso ko? Ano? Masaya ka shirley? Dahil ano? Dahil wala nang namamagitan sakanila? At pwede na maging kayo? Hays konsensya naman eh, wag ka ngang ganyan.
"Kelan pa?" Matipid na sagot ko.
"Keynana lan" ano rawww?
"Ano?! Ayusin mo nga yang pagsasalita mo." Sigaw ko sakanya.
"Sorry naman." Sabi niya sabay inom nang tubig.. "kanina lang, bago kita makita." Hala edi halos sabay lang kami? What a coincidence.
"Hmm bakit? Anong nangyari?"
"Ayoko na sawa na ko sa kapridan niya." Pride? Wow drake ha? Wala pa nga kayong 1 yr eh. Almost 3 months palang yun tapos nalaman mo agad na mapride siya? Pero sabagay muka naman kasi talaga siyang ganun.
"Hmm so ano namang sabi niya?"
"Inirapan niya ko then umalis sa harapan ko kanina." Sinasabi ko na nga ba eh, may kasamaang taglay yan eh. :3 "bilisan mo ubusin mo na yan baka aalis na tayo." Sabi niya kaya inubos ko agad ung pagkain ko at umalis na kami..
Madami pang kinwento sakin si drake, sobra! Ung parang akala mo ngayon nalang ulit kami nagkita hahaha. Tapos para kaming mga bata na baliw na nagsisigawan habang papunta sa sasakyan.
Drake's pov.
Hayyyy ^_^ ang sarap sa feeling back to normal kami ni shirley ung di ko iniisip na pag kasama ko siya may magagalit or may magseselos. Ang saya lang, kasi ung bestfriend ko na ulit ung kasama ko lagi. And ang saya kasi nalabas ko sakanya ung nga hinain ko kay pearl. Basta ang saya saya ko, makatulog na nga. :")___
Omagash hahaha okay pa ba tong story ko? Sorry kung mejo napapangitan na kayo. May bago kasi akong story na ginagawa eh haha kaya parang naguguluhan ako sa mga isusulat ko kaya natatagalan din ako nang update. ^_^ pero sana subaybayan niyo padin to hanggang sa matapos thankyyyy. -hannah
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen Fiction"Mag bestfriend? Babae at lalaki? Weh? Mag bestfriend lang ba talaga kayo?" Yan, yan ang kadalasang naririnig ni shirley sa iba. Gusto mong malaman kung bakit? Tara samahan mo akong matuklas ito at kiligin. :")