Chapter 14: Bestfriend vs. Love

18 3 0
                                    

Halaaaa chapter 14 na & look binabasa niyo padin hays sana napapasaya ko kayo. Lalo na ung mga in love sa bestfriend nila. Hahaha. Nako mga b3h mahirap yan! XD di totoo ang fairytales hahaha jk.

Chapter 14..

Drake's pov.
"Mahal kita eh" Wait did I just said that? O.o pero di naman siya nagreact so sguro di niya naman nadinig! Sana nga hayyy.

So, yeah totoo nga ung mga balita na may something na nga sila ni kenzo. Wala naman akong magagawa dun yun na ung desisyon niya eh. Kaso ayoko lang nang ganun parang worried padin siya, hindi sila nagkakausap dito sa school? Tapos ayaw nung lalaki na ipaalam sa mga tao na may something sila? Tama ba yun? Dapat nga pinangangalandakan niya yun kasi napakabait, napakatalino at maasikaso nang bestfriend ko eh. Dapat proud siya. Gusto ko tuloy kausapin yung lalaki na yon pero wala din naman akong karapatan para gawin yun, isa lamang akong hamak na bestfriend ni shirley. Siguro dapat nga ituloy ko na ung samin ni pearl tutal gusto niya naman ako at dati ko pa siyang gusto. Pero iniisip ko si shirley, hindi ko na siya mababantayan gaya nang dati if ever maging kami ni drake. Mababawasan ung oras ko kay shirley kung sakali. Bestfriend o love?

After one month..

Shirley's pov.
Yay febuary na!! ^_^ nagpapansinan na kami ni kenzo sa room. Yun nga lang sa room lang, kapag sa labas nang room parang hangin lang ako sakanya. Pero okay lang sakin wala eh love ko eh. Break time ngayon and lumabas ako nang building. Nagpunta ako sa isang bench then nagulat ako sa nadatnan ko.. it was my bestfriend. Si drake and she is.. she is.. she's holding pearl's hand. Nararamdaman ko ung selos ung inggit and ung lungkot. But when he saw me bigla akong ngumiti para di siya magisip nang kung ano. Linapitan ko nalang sila..

"Uy ha? Ano yan? Yieee." I said while pointing their hands. DEEP INSIDE NAIIYAK NAKO KASI UNG BESTFRIEND KO NA MAHAL KO MAY KAHAWAK NA IBANG BABAE AND IT REALLY HURTS BRUH.

"Hahaha. Sira ka panget." Sabi ni drake and ngumiti lang si pearl sakin then nagtakip nang panyo sa bibig. She maybe shy. WHATTTT? SHE'S SHY? TALAGA LANG SHIRLEY HA? LOKA LOKA KA NABA? okay staph ang bitter mo konsensya. Tama na lets be happy for them.

"Sige dito nako nakakastorbo pako eh." Then tinapik ko ung legs ni pearl and umalis na.

Pare ang sakit! Ang sakit lang kasi mahal ko si drake. Alam niyo naman yun diba? Na may lihim akong pagtingin sakanya? :( oo may kenzo ako, oo MU kami pero di naman nawawala ung pagmamahal ko kay drake. Pero since masaya siya kanina nung nakita ko siya sguro dapat ko nang kalimutan na love ko ang bestfriend ko. Kelangan ko lang tangapin na may kenzo nako at may pearl siya at bestfriends lang kami. Cheer up shirley, kaya mo yan!

Uwian na..

Drake's pov.
Nakita kami ni shirley kanina, I think natuwa naman siya kasi nakangiti siya kanina and nangasar pa siya so I think tama nga tong ginawa ko. Hindi talaga ako dapat mafall sa bestfriend ko. Habang nagiisip ako neto.. I saw her walking, it was my bestfriend. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Hey panget I missed you." Sabi ko sakanya habang nakayakap sakanya at ginugulo ang buhok niya.

"Im fine, ikaw? Kayo ni pearl? Yieee." Sabi niya then nilapag niya ung gamit niya sa may damuhan at naupo siya kaya umupo din ako.

"mu na shie pero pareho sainyo awkward din kami lalo na pag anjan ang mga kaibigan niya."

"Hmm ganyan lang talaga, kahit kami ganun padin eh pero atleast pag nasa room okay na kami andun ung sweetness." Sabi niya. Well mukang masaya na nga siya kay kenzo. I am so happy for you shirley.

"Naks naman hahaha. So alam na ba yan nang mga kaibigan niya? Diba last time nasabi mo sakin na ayaw niyang ipaalam sa mga kaibigan niya?" I asked her.

"Hindi parin nga eh." Mahinang sabi niya habanh naka yuko. Ayan ayan ang ayaw ko! Ang nakikita ko siyang malungkot. -_-

"Dapat sabihin mo na, nakausap ko isa sa mga kaibigan niya eh. Naghihinala na sila sainyo alam mo shie? Mas maganda if alam nang lahat na MU kayo para free kayo na maging sweet kahit nasa labas kayo nang room."

"Alam ko naman yun drake, and I know na alam mong ganun ang gusto ko. Ayoko nang secret's right?" Sabi niya, tinignan ko siya and then hinawakan ko kamay.

"Then tell him, tell kenzo na yan ang gusto mong mangyari. Look, ayokong malungkot ka cause you're my bestfriend." Sabi ko sakanya habang hawak ang kamay niya.

"Titignan ko drake. Basta alam ko magiging okay din ang lahat kung hindi man ngayon, baka bukas, sa susunod na bukas. Basta sa tamang panahon." Eto gusto ko dito eh, andun ung fighting spirit niya. Kaya ko minahal tong bestfriend ko eh. "Teka may ipapasa muna ako. Diyan ka lang." Sabi niya then I hugged her. At agad naman siyang tumakbo. Wala talagang ka-artehan tong si shirley eh. HAhaha. Walang paki kung may makakita sakanya na haggard na siya..

Shirley's pov.
Naiiyak nako kanina habang naguusap kami ni drake kaya nagkunwari akong may ipapasa ako at agad akong tumakbo after niya kong yakapin. Hayy buti nalang anjan ang bestfriend ko para sa mga iniisip ko about sa love ko. And I am so blessed to have drake kasi napaka caring niya sakin. Kaya ko nga yan nagustuhan diba? Pero balik tayo kay kenzo. Ano nga bang gagawin ko? Para matangal ung hiya niya. San ba siya nahihiya? Nahihiya ba siya na MU lang kami o baka naman ako ung kinahihiya niya? Gusto kong sabihin yan kay kenzo pero paano? Baka magaway lang kami. At ayoko mangyari yon..

"Shirleyyy!!" Hinanap ko kung sini ung sumigaw pagtingin ko sa likod ko si jed pala, kaibigan ni kenzo. Huminto ako at nang makalapit na siya sakin..

"Oh bakit?" Tanong ko..

"Kayo na ba ni kenzo?" Sabi niya at ngumiti nang ngiting pang asar.

"MU lang."

"Hahaha alam ko! Alam mo ba nagseselos yun kay drake. Ex mo ba yun?" Jusko?! Ex? Kunh naging kami ni drake di ko napapakawalan yun noh!

"Hindi noh! Bestfriend ko yun. Tss selos siya? Pero pag siya ang close close sa ibang babae wala lang sakin." Yes sinabi ko lang kay drake na okay kami ganun na ang problema lang is ayaw niyang ipaalam sa iba pero madami akong problema about kay kenzo kasi minamahal ko na talaga siya and nagseselos na ko sa mga babaeng super close niya ung feeling na pag ako ayaw niyang lapitan lagi kasi ayaw niyang malaman nang iba pero ung mga kaibigan niya dinaig pako eh. Excuse me ka-MU moko hoy. -_-

"Nahihiya lang talaga yun shie, pagpasensyahan mo na." Eh ano pa nga ba? Mahal ko na yun eh. Ginusto ko to. Kaya pinagpapasensyahan ko na.

"Ano pa bang ginagawa ko? Ganun naman talaga eh." Sabi ko sakanya nang may galit na tono.

"Alis nako jed baka hinahanap nako nang service ko." Pagpapaalam ko sakanya. Then we said our goodbye's tapos umalis nako.

Hayyy. Alam niyo ba ung feeling na ganto? Alam niyo ba na si pearl ang pinakaclose ni kenzo sa room ngayon? Jusko nakakainis lang, dat naging sila nalang dati pa eh para di nako nagkagusto kay kenzo tapos walang namagitan kay pearl at drake. Para kami nalang sana. Para hindi ko sana pinipigilan at nililihim tong nararamdaman ko sa bestfriend ko. Pero hindi rin, dahil wala namang gusto sakin ung bestfriend ko.

>>>>>>

End of chapter 14...

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon