Pagkatapos kong maligo, chineck ko yung phone ko and received two messages again. One from Kyla at yung isa kay Andy.
Okay, so confused and curios na siguro kayo ngayon kung sino yang Andy na yan at bakit hindi ko siya gustong makita, right?
Sa totoo lang, I wasn't completely friendless in Highschool. I had 2 friends. Si Melissa Beda and Andy Lim.
Melissa is a tall beautiful girl and sumali pa nga siya sa mga modelling nung highschool pa kami but she still remained the same and I'm glad for that. Si Andy naman, he's been joining me and Melissa ever since 1st grade. Kaya para na rin kaming magkapatid.
Everything was fine and well until pumasok na sa eksena ang clique nila Erika and Bon. Ericka is the typical popular girl and si Bon naman ang popular guy sa school. So ganun, sinabihan nila si Andy na sumali sa clique nila kasi nababagay daw si Andy dun, hindi sa aming mga 'walang itsurang' babae.
Wala namang comment si Andy. Ang hindi namin alam ay may tinatago na pala si andy sa amin.
At eto pa ang malupit, niligawan ako ni Andy. Nakakatawa at first pero na realize ko na mukhang seryoso siya.
Hindi ko nga ma gets kung bakit palagi niyang sinasabi yun sa akin eh pero nung nalaman ko na yung totoo kay Melissa, nag bago na ang tingin ko sa kanya totally. Ang buong akala ko kasi noon ay walang magkakaagusto sa akin at hindi na ako nangangarap na may magkakagusto pa sa akin at heto naman si Andy, gwapo, chinito, pasaway, pero sobrang bait pagdating sa akin eh may gusto na pala sa akin.
So ano sa tingin niyo ang ginawa ko?
Nope, hindi ako dumistansya sa kanya pero kinilala ko pa siya ng husto. At dahil nagustuhan ko naman yung nakikita kong asal niya sa iba at sa akin, nahulog ang loob ko sa kanya.
Dati rati kasi palagi nalang unrequited love ang ne e-experience ko pero ito ngayon, ibang story na to. And sarap pala ng feeling na may gusto ang isang tao sa iyo. Parang feeling mo ang ganda at safe mo kapag kapiling niyo ang isa't-isa.
Summer yun nung naging kami na ni Andy. Matabang mataba parin ako pero sinikap ko na magpapayat para lang sa kanya. Naging masaya naman ako sa relationship namin, napaka caring niya at ni minsan hindi siya tumitingin sa ibang babae. Naiisp ko nga minsan eh, may problema ba tong lalaking to? May deperensya ba sa pag-iisip niya at nagustuhan niya ang isang tulad ko?
Naaalala ko pa noong una na nagpapasalamat ako sa Lord everyday dahil binigyan niya ako ng isang matinong lalaki.
When we went back to school on Senior year, alam na ng whole school na me and Andy are together at marami ang tumututol dahil ang pangit ko daw. Ano daw ang nagustuhan ni Andy sa akin.
At that time, I felt like the luckiest girl in the world and the unluckiest girl in the world. Lucky kasi may isang Andy ako na nag-aalala at nag aalaga sa akin who loves me for who and what I'am and Unlucky naman because tutol ang mga tao sa relationship namin. Palaging sinasabi sa akin ni andy na wag nalang ilang pansinin pero mahirap gawin yun kasi wherever I go, nandun yung mga tao at nilalait nila ako.
Meron pa ngang one time na nag CR ako sa gym and I overheard one of the girls converstions.
"Ano kaya ang nagustuhan si andy sa baboy na babaeng yun? She's such a poor excuse for a girl!"
"Siguro gusto siya ni Andy kasi libre na yung kutson pag napapagod siya! Haha. Plus, nalaman ko galing nila Ericka na pinag lalaruan lang ni Andy si Nina. You know, a bet. Kung magiging syota niya si Nina, makapasok siya sa team nila Bon. Kawawang Nina."
Nasa cubicle ako that time and when I heard the word laruan and Andy in the same sentence, I felt like someone just squeezed my heart out and I couldn't breath. My tears threatened to spill so I had to cover my mouth to stifle my cries.
Impossible.
How?
Why?
I knew it was too good to be true.
Nung umalis na yung mga babae sa CR, umalis na rin ako papunta kay Andy para malaman ko ang totoo. Sa pagkakaalam ko, may ginagawa siyang project with his groupmates sa classroom nila so umakyat ako sa 4th floor, going sa classroom niya.
When I reached his classroom, I couldn't see anyone at first so I opened the door since hindi naman lock but what I saw made me want to scream out and cry. I wanted to cry.
Ang sakit eh, ang sakit sakit. Paano niya nagawa to sa akin? 9 years of friendship and a 6 months of us being together and ganito lang pala ang mapapala ko?
I saw Andy and Ericka …
… kissing at the farthest end of the classroom.
Nung nakita niya ako, nanlaki yung mgaa mata niya at diretsong inalis yung pagka kapit ni Ericka sa shoulder niya at si Ericka naman, naka smile lang sa akin.
Tumutulo na yung luha ko at lumapit si Andy sa akin.
"Nina, it's not what it looks like! I swear! Hinalikan niya lang ako bigla! Wala akong kasalanan!" Sabi niya. Worried talaga yung mukha niya.
"THEN WHAT DOES IT LOOK LIKE, ANDY? WHAT DOES IT LOOK LIKE? Alam mo, alam ko naman na it was too good to be true eh and this right now just proves it. Salamat ha, for making me feel like I'm the only girl in the world. And… it was fun while it lasted." Sabi ko sa kanya kahit na shaky yung voice ko.
"At para sa iyo Ericka, congratulations. Nagawa mo na rin kaming paghiwalayin at last. Magsama kayo! Mga basura!" At umalis na ako. Hindi ko na matiis ang pagmumukha nila.
Masakit pala maging heart broken ano? Specially kung first love mo. Pero ang mas masakit ay pinaglaruan lang pala niya ako para makasama sila Bon sa iisang grupo. Ang husay mo Andy, ang husay husay mo. Nandidiri siguro siya sa akin nun\g kami pa. Atleast ngayon, hindi na niya kailangang mag acting pa sa harapan ko.
Akala ko talaga mahal niya ko. Potek na buhay to.
It hurts. It hurts so much.
So this is what I get for wanting something unattainable? The exquisite pain of wanting someone unattainable.
Recommended music: 2NE1- It Hurts or the english version by moA.
BINABASA MO ANG
Pinky Paradise
Fiksi RemajaIsang babae na may masakit na nakaraan. During the summer, she lost weight and vowed to change her life into 360 degrees. New school, new friends, new people. Will her past catch up with her present?