Pinky Paradise Chapter 6

232 2 0
                                    

A/N: Hi there! Seems gloomy? Few readers only >.O But it's okay! I'll keep writing anyway so blehh. Anyway, here's chapter 6! Have fun! Listen to S & M by Rihanna :)

Ang taas ng linya! Over talaga! Busy pala talaga dito sa McDonalds pag school days. Hmmph. Buti at naka hanap si Kyla ng upuan. Ako nalang ang nag line para mabantayan niya yung table.

"Psst."

Huh? Sino yun? Tumingin ako sa kaliwa, wala namang naninitsit. Guni guni ko lang siguro yun.

"Psssssssttttt!" Amp naman! Sino ba yang naninitsit?!

"Oi Kristine!" May tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanan at dun ko nakita si Beanie guy! Ano nga yung pangalan niya? :O

"Oh, ikaw pala yung naninitsit! Kumusta kana?" Tanong ko sakanya. Nasa kabilang linya siya.

"Okay lang. Sino kasama mo?" Tanong niya.

"Ah si Kyla."

"Ganun bah? E lilibre ko na lang kayo ng lunch para masaya!" Sabi niya.

"Naku! Hwag nah! Magastos at may pera naman kami eh," Nakakahiya kayang siya ang bibili. Sayang yung pera niya.

"Ano kaba, okay lang. Plus, treat this as my birthday blow out!" He said at siya na yung next sa counter at nakapag order na siya ng tatlong Chicken fillet at coke float kaya wala na akong nagawa kung hindi sumabay nalang sa kanya,

"Saan ba naka upo si Kyla?" Sabi niya while holding the tray of food.

"Dun near sa window. Ayun oh, yung nag-iisang pink hair niya." natawa ako sa sinabi ko at nagulat naman si Kyla nung makita niya si Jiro. Jiro ata yung name niya eh. Hehe. Sorry kung nakalimutan ko.

"Oh, jiro, ano ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Kyla.

"Ouch, hindi mo na natatandaan?" Kunwaring acting siya na nasaktan siya sabay hawak sa heart niya.

"Seriously, what's up?" Sabi ni Kyla. Mukhang clueless talaga tong babaeng tong eh.

"Kyla, birthday ni Jiro ngayon!"Sabi ko sakanya sabay niligay yung food naa nasa tray sa table. Nanlaki lang yung mata ni Kayla.

"OMG, talaga?! Haha. Happy Birthday! Libre mo ba to?" Naka smile si Kyla kay Jiro sabay tingin sa food na nilagay ko sa table.

"Siyempre naman. Punta kayo sa Turf. Pupunta silang lahat mamaya."

"Sure! Sasama ka ba Kristine?" Tanong ni Kyla sa akin.

Hmm. Wala naman akong gagawin so go na ng go!

"Kung okay lang." Pahiya kong sabi.

"Ofcourse okay lang. ano ka ba. Cge, kain na tayo."

And so ayun. We ate and chatted. Akalain mo bang 18 na pala si Jiro? Pero hindi naman big deal yan sa mga guys kasi ang debut nila ay at age 21, the age of enlightenment kasi dun na nila ma rerealize na ang tanda na nila. but it's still an occasion worth celebrating for.

After lunch, pumunta muna kami sa isang store na puro Hello Kitty yung binebenta. Over talaga, para siyang pink explosion. At si Kyla naman, nakakita ng wig na half blonde at half pink yung kulay ng buhok. It was shoulder length at wavy sa baba. Ang cute tingnan, as in. At nagulat ako kasi nung ni try na niya yung wig, naging mas cute siya! Nakakainggit! Haha. Sinabi nung sales lady na 50% discount raw yun at original pala galing from Japan. Since magbabago na daw sila ng stocks, sale na daw lahat ng binebenta nila.

So ayun, from P1,500 pesos naging P750 nalang. Eh may kaya naman tong kasama ko, edi binili niya. Hahaisss. Akalain mo ba na sinuot niya to palabas ng store? Kaloka! Haha. Tawa naman kami ng tawa kapag tumitingin yung mga tao sa amin pero okay na rin, masaya naman kasama si Kyla eh. Haha

Pinky ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon