Pinky Paradise Chapter 11

168 1 1
                                    

A/N: Quick update :) ^^

It's Monday again! So far, may napapansin ako. It' only the first week of school but so many things has happened.

First, may nakilala akong new set of  friends.

Second, it was my first time to get drunk at Jiro's Party.

Third, the past came back to haunt me in the form of that guy who must not be named.

Haissss, I didn't expect such things sa life ko. Gusto ko studies ang e focus ko pero it proved to be hard.

Hahaissssssssss. Nag vibrate yung phone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko.

*Beep*

1 New Message

From: +63905354****

I miss you. -Andy

Reply:

Hindi kita miss.

Sent.

*Beep*

1 new message

From: +63905354****

Do you even understand what I just said?

Reply:

Oo.

*Beep*

1 New Message

From: +63905354****

Really? Anong sinabi ko?

Reply:

I miss you, duh.

Sent.

*Beep*

1 New Message

From: +63905354****

Aww, I miss you too :)

O______________O Bwesit! Naisahan ako nun ah? Hahahaha. Pumasok na ako sa school when I saw Peter na nakasandal sa pader at kausap si Kayla. Mukha namang nagkakatuwaan sila kasi panay ang smile ni Kay pero si Peter eh parang wala lang. O_O Lumapit nalang ako kesa naman daanan ko lang si Kayla. That would be rude.

"Good Morning Guys!" Bati ko, bahala na kung feeling nung Peter na yun na FC ako. (Feeling  Close)

"Hi Kristine! Morning too! And have you guys met before? Peter, this is Kristine. Kristine, this is Peter."

Tumingin lang ako kay Peter pero hindi nag smile. Hindi ko parin nakakalimutan ang atraso niya sa akin.

Tiningnan lang niya ako pero wala namang ginawa kung hindi tumango at tinapik niya si Kyla sa balikat at umalis na. Sungit!

"Anong problema nun?"

"Ewan ko sa kanya. Recently, palagi siyang nasa bad mood. I wonder kung may kinalaman to sa girlfriend niya.

"Eh. It's his own business, wala na tayo diyan." Sabi ko and nag proceed na kami sa classroom namin.

Pumasok na kami sa first subject namin which is English at may nakita akong mga bagong faces na hindi ko pa nakikita for the past meetings. Mga bago ata. Eh. Wait, one of them looks familiar. O_O

OMG! Don't tell me that she's who I think she is? O_O Oh God please hwag naman sana! Maawa po kaayo sa akin!

Lumingon yung babae sa direction namin at napa hide ako sa likuran ni Kyla. Sh*t. Hindi niya pwedeng malaman na ako to.

Since I was wearing my grey beanie and geeky glasses, hindi niya masyadong nakita yung mukha ko but still! Hindi ako pwedeng mag take ng risk!

Ang babaeng tinutukoy ko ay si Erika Santos. The one and only bitch that I hate so much. Mukha parin siyang bruha, wala man lang improvement sa itsura niya. Hmp!

"Huy! Sinong tinataguan mo?" Tanong ni Kyla nung naka upo na kami.

"A certain person from the past that's coming to haunt me again." Sh*t Bakit dito pa siya nag-aral? Fark. Mabuti nalang at Kristine ang tawag sa mga tao sa akin dito, hindi Nina kasi ma bblow na talaga yung cover ko.

"Oh."

"Oh sh*t you mean." Sabi ko sa kanya. Hindi ko talaga feel yung vibes sa classroom nato eh kaya niyaya ko nalang si Kyla na mag skip kasi mahirap na. Sabi ko naman sa kanya na sasabihin ko ang past ko at kung bakit walang pwede maka alam nun. Pumayag naman siya so pumunta kami sa Turf para mag chill.

Pag pasok namin, himala at wala pang tao sa luob. So ayun, kinwento ko kay Kyla yung sad and bitter past ko.

"Wait, mataba ka before? As in fat?" Tanong niya as she strectched her hands as if hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Oo nah. Alam ko, alam ko. Napaka taba ko before na na stuck ako sa theater seats when we were watching movies. Nakakahiya talaga!  And kilala mo naman si Andy diba?"

"Yeah, yung gwapong lalaki na date mo nung lakad natin?" Tanong ni Kyla na naka smile pa. Aba!

"He's not my date. Nagkataon lang na nakita ko siya sa mall. But anyway, we've been friends ever since gradeschool together with one of my friend na si Melissa Beda. We had a rough past. Please don't tell this to anyone okay? Promise me." Sabi ko sa kanya as I held my pinky finger out.

"Asus, may pinky finger pinky finger kapang nalalaman dyan. Ofcourse hindi ko ipagkakalat. Ano na?"

"Siya yung first love ko. Kaya lang palabas lang pala lahat para makasali siya sa pinaka sikat na grupo nung highschool pa kami. Nainsulto talaga ako sa ginawa niya nung nakita ko siyang nakikipag halikan kay Erika sa classroom nila. Si Erika naman ay yung babaeng nasa English class natin kanina. That was why I wanted to avoid her."

"Talaga? Nagawa yun ni Andy? O_O Wala sa mukha niya ang mangloko ng babae." Sabi ni Kyla habang nanlaki yung mata niya. 

"Kaya nga sabi nila na looks can be deceiving right?"

"Pagkatapos anong nangyari?"

"Ayun, naging masaya yung mga tao sa break-up namin kasi they never wanted me to be together with Andy in the first place."

"I'm sorry sis. Hindi ko talaga alam na ganyan pala kalalim ang nakaraan mo. Pero atleast bagong buhay ka na ngayon. Yung mga taong katulad ni Erika, they are only going to help you in reaching the top. Hinihila ka nila pababa pero ma ch-challenge mo rin yung sarili mo to be the best that you can be."

"Tama ka diyan. Kaya nga nagpapayat ako eh. Nagsawa na ako sa mga pinagsasabi ng mga tao."

Tinapik ako ni Kyla sa balikat at hinug ako.

"Mahirap ang buhay pero all you need is to be strong." sabi niya sa akin,

"Salamat talaga kyla ha? Ikaw pa ang nakaka alam nito sa MIU. Aasahan ko ang promise mo na hindi mo ipagkakalat."

"Syempre naman."

We were still hugging when may pumasok sa room.

"Whoa! Ano tong nakikita ko? Some girl on girl action? Sige e continue niyo lang yan…" Sabi ni Jiro habang pumasok na siya.

"Tange! Nag hug lang kami!" Sabi ni Kyla. Napatawa naman ako sa sinabi ni Jiro.

"Long time no see bro!" Sabi ko sa kanya.

"Oo nga eh. Mustamus?" Tanong niya as he sat beside me.

"Okay lang! You?"

"Mas magiging okay siya pag e hug mu rin ako." Pabiro niyang sabi.

"Talaga lang ha? Haha. Oh sige." Sabi ko as I hugged him. He wrapped his arms around me naman at tumawa lang bago namin pinakawalang ang isa't-isa sa hug.

"Ahhhh. I feel much better." Sabi ni Jiro.

"Syempre! Power hug ata yun ni Kristine!" Sabi naman ni Kyla at nagsitawanan kaming lahat.

Ah, friends. What would I do without them? :) 

Pinky ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon