When I arrived home, naka park na yung sasakyan ni papa sa garage. Hmm, I guess he's getting ready na for Lisa and Suzy's arrival tomorrow. Hehe. Pumasok na ako sa bahay at si Papa naman nandun sa living room, nanonood ng news.
"Magandang gabi po papa." Bati ko habang nag mano ako sa kanya.
"Oh, ba't ngayon ka lang nakauwi? Kumusta ang lessons mo?"
"Okay lang po. Tumawag nga pala si Suzy sa akin kanina, sinabi niya na pupunta na daw sila dito bukas?"
"Ah, oo. Bukas nga pala sila dadating dito. Pinalagyan ko na ng extra bed ang room mo tutal malaki naman ang kwarto mo. Maglinis ka na rin para hindi makalat tingnan."
"Okay dad. Kumain na po ba kayo?" Tanong ko kasi sobrang workaholic talaga ng dad kong ito kaya minsan nakakalimutan na pati pag kain. Pero kahit na ganito ang papa ko, I still love him very much :)
"Oo, tapos na ako. Kanina pa, ikaw anak?"
"Tapos na po. Sige akyat na ako sa room ko pa." At umakyat na ako sa room ko and true to what dad said, may isang extra bed nga.
Tiningnan ko ang kwarto ko at malinis naman kasi sobrang neat freak ako. Let me describe my room for you. The walls are color beige and may pink and white stripe patterns sa wall. I have my own CR naman kasi mas convenient and a hella big walk-in closet na pinadagdag ko 6 months ago kasi hindi na kumakasya ang mga gamit ko sa small closet ko. If there's one thing you should know about me, it's me being a shopaholic. Specifically on shoes and accessories.
So anyway, may isang big window ako sa left na part ng room ko at dun may nakatayong typical na big mango tree. Ang saya nga eh kasi minsan doon ako umaakyat para makapasok sa room ko kung tumatakas ako ng bahay.
So, pinapalitan ko nalang yung bedsheets sa kama ko at sa magiging kama ni Suzy at pinalinis. Hehe. I know, I know. Dapat ako ang mag linis pero nakakatamad eh. :p and plus, what are maids for, diba?
Nagpalit na ako ng pambahay at kinuha ko yung pink na lappie ko. Matagal na rin akong hindi nakakapag net. :D
Habang hinihintay kung mag load yung laptop ko, tumunog yung phone ko and guess who?
Yeah, that's right. Si Andy. Hmp, ano nanaman kaya ang kailangan nito? Kung nagtataka kayo kung anong nangyari sa kanya at kung bakit hindi siya nagpaparamdam ay may inaasikaso daw siya. Kung ano yun, hindi ko alam and I'm not going to pry.
"Hello?"
"Uy Nina." Sabi niya ng masayang voice pero parang may mali eh. Ano kayang nangyari sa mokong na to?
"Oh, bakit ka napatawag?"
"Wala lang. I just miss your voice." Sabi niya pero seryosong seryoso yung tone niya eh.
Ehhhh? O_O Anong problema nito? Hindi naman siya ganito dati ah?
"Hey, anong problema? Bakit parang detached ka sa sarili mo?" He's acting really weird.
"Wala to. Tagal na kitang hindi nakita ngayong week nato. Magkita tayo ngayon? Sige nah. One week na kitang hindi nakakasama and it makes mefeel weak."
"Asus! Ang dami mong excuses te! Haha. Saan nman? Eh gabi na ah!" sabi ko.
"Kita nalang tayo sa park playground. See you there! Sya nga pala, kumain ka na?" tanong niya.
Ang weird talaga ng mood swings nang taong to! One minute he's sad, the other he's serious at ngayon parang back to normal nanaman. Ang labo ng taong to. Wait, hindi nga pala siya tao, alien nga pala siya! Haha
"Tapos na po, KUYA." pabiro kong sabi.
"Hindi pa ako kumakain eh. Bilhan mo ako ng makakain ha? Salamat! Hehe. Kitakits." At yun, binaba na niya. Sira ulo talaga to. At ginawa pa akong delivery guy! Tsk.
Bumangon na ako sa kama kasi nakahiga ako while we were talking at kumuha ako ng grey na cardigan sweater kasi naka shirt lang ako at sweatpants. Oh well, magbibihis nalang ako sa jeans ko at pink converse, hindi ko papalitan yung shirt since bago ko pa naman naisuot. I still look legit. Haha xD
Nagpa alam ako kay Papa na lalabas muna ako sandali at babalik ako before 10, mabuti naman at pumayag.
Sa park playground pala ha? I stopped by some fastfood chain at nag order ng burger at fries. Eto talagang lalaking to, ang dilim dilim na ng daan at marami pa namang addict, natatakot na ako para sa sarili ko. Tsk.
Bakit nga ba ako pumayag?!
Lumiko na ako sa isang alley para maka abot na ako sa playground pero may isang lalaking nakasandal sa pader at nagyoyosi. He looks like he's in his 20's pero hindi ko makita yung mukha niya kasi naka cap pero pamilyar yung aura niya eh. Hindi ko nalang pinansin at lumakad na ulit.
"Psssttt…"
Huh? Sino yun? My goddd. T_T ito yung kinakatakutan ko eh. Oh my god. I'm going to die! Lumingon ako dahan dahan at nakita ko yung lalaki kanina sa pader.
"Hindi dapat lumalakad mag-isa ang babaeng katulad mo sa ganitong lugar…" sabi nung lalaki at nakakatakot siyang tingnan.
Omg.
This is really it. Hanggang dito lang talaga ang buhay ko. Sorry po sa mga kasalanang nagawa ko Lord at salamat po sa mga biyaya. Pinapaubaya ko na po ang kaluluwa ko sayo. Sana hindi niya ako gahasain!
Hindi ko na pinansin yung lalaki kahit na pawis na pawis na ako sa takot. On the count of three, tumakbo ako ng napakabilis pero hinahabol niya parin ako at ngayon parang galit na galit siya. Fuckkk!
Tumakbo lang ako ng tumakbo kaya hindi ko na alam kung saan yung tinatakbuhan ko kasi sobrang takot na talaga ako. Lord help me! Pumasok ako sa isa nanamang alley and to my greatest horror, nasa isang dead end na pala ako. OMG. Wala na to. Mamatay na talaga ako! T_T
"Akala mo matatakbuhan mo ako?" Galit na sabi nung lalaki habang papunta sa akin. Ako naman ay nakadikit na sa dead end. Wala na talaga akong choice.
"S-sino ka ba ha? Anong kailangan mo sa akin?!" Sigaw ko at hindi ko na napansin na may luha na palang tumutulo sa mukha ko.
"Ano sa tingin mo? Haha. Totoo nga yung sinasabi nila, mas maganda ka sa personal…" at tumawa siya ng napaka demonyong tawa. Nanginginig na ako sa takot at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
May kinuha siya sa bulsa niya at nakita ko na may maliit na kutsilyo siyang hawak. Lord, wag naman sana!
Maawa po kayo sa akin!
"Hahaha, natatakot ka ba? Wag kanang matakot, hindi naman kita sasaktan eh…" Hindi niya ako sasaktan? Eh ano tong ginagawa niya ngayon? Mamatay na sana tong putang inang lalaking to!!! Bigla niyang nilagay yung kutsilyo sa leeg ko and I swear that my heart stopped beating for a second.
"Kung susunod ka sa gagawin ko, hindi kita sasaktan pero kung matigas ang ulo mo, gagawin ko tong pamputol ng leeg mo." sabi niya at binaba niya yung mukha niya sa leeg ko at sinumulan niya itong halikan. Umiiyak na talaga ako sa oras na to pero hindi ako pwedeng sumigaw kasi nasa leeg ko pa rin yung kutsilyo. Hinahalikan parin ako ng lalaki ng biglang may humampas sa lalaking humahalik sa leeg ko at natumba sa lupa.
Napa tingin lang ako habang nakatunganga sa tumulong sa akin dahil sa takot. I felt scared shitless and I couldn't believe na nangyyaari to. Umiiyak ako kanina pero ngayon, humahagulhol na. Bakit ako?!
Tumayo ulit yung maniac sa lupa at nagsuntukan na sila nung saviour ko. Ako naman, takot na takot na kaya umiyak nalang ako ng umiyak habang nag susuntukan parin sila.
MY phone was ringing and vibrating at si Andy pala. I shakily answered the call kahit na yung boses ko was still quivering sa takot.
"Nina? Hello? Nina? Nasan ka na? Anong nangyayari dyan, bakit may naririnig akong suntukan?!" Nababahalang tanong ni Andy sa phone.
"A-aa-andy… Heelllpp me! 79th street. BILIS!" Sabi ko at pagkatapos nun nawala na lahat sa paningin ko dahil at that very moment, hinimatay ako.
BINABASA MO ANG
Pinky Paradise
Подростковая литератураIsang babae na may masakit na nakaraan. During the summer, she lost weight and vowed to change her life into 360 degrees. New school, new friends, new people. Will her past catch up with her present?