Turf
"Turf?" Anong Turf? Ngayon ko pa ata yan narinig.
"Turf, as in hang out area ng mga katulad kong weirdo. Joke lang! Ang Turf ay isang hang-out para sa mga cosplayers. Sama ka saken. Masaya dun. Tiyak magugustuhan ka nila dun, cute mo eh. Haha."
Turf? Mukhang maganda pakinggan yung name. May pagka mysterious. Hehe. Hindi ko alam na mahilig palang mag cosplay si Momo. Oh well.
"Sige, sama ako! Pero wag mo kong iwan sa sulok ha? Baka ma out of place ako dun."
"Nako, hindi naman pero medyo mahigpit sila sa hindi mga cosplayers pero mabait naman ang mga tao dun. Haha."
"Okayyy, ikaw nagsabi eh."
At ayun, pumunta kami sa so called "Turf". Nag taxi kami papunta dun kasi medyo malayo siya sa school namin. Nag stop kami sa isang parang abandoned house na malapit sa isang mall. Parang out of place ata tong bahay na to? :O
Bumaba na kami sa taxi at nasa harap ko ngayon ang abandoned house.
"Eto yung Turf?" pagtataka kung sabi. Parang wala namang tao dito eh!
"Yeap. Wag kang mag-alala. It's just the outer appearance. I promise na maganda sa loob." At kinuha niya yung kamay ko at pumunta sa may gate. Akalain mo ba na may security camera pa pala dito? High-tech itech!
May isang touch screen pad sa may gilid ng gate at may pinindot si Kayla dun at biglang bumukas yung gate.
"Hanep to ah! Ang ganda naman!" Napa gush ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito sa Pilipinas.
"Haha, ganito talaga dito. Mga techie kasi kami. Parang boudoir na din namin to or second home. Actually, pagmamay-ari to ng isang sikat na fellow cosplayer. Hehe. Wag mong sabihin ang sasabihin ko ngayon ha? Ang may-ari nito ay pinsan ko."
"Waaaahh! Ang ganda naman! Swerte mo." Sabi ko at nasa loob na kami ng abondoned house or Turf at nag close automatically yung gate. Ayos.
Pumunta kami sa may wooden door at may parang touchpad sa gilid pareho nung nasa labas at nakita ko na may security camera sa taas nun. Hanep to ah.
Bigla nalang may boses na galing sa touchpad at sabi nun ay, "Please type password." at may pinindot si Kayla na mga numero sa touchpad at bumukas yung door. Na a-amaze na talaga ako O_O hahaha, alam ko, ang baba ng kaligayahan ko.
Anywayyyy, nung pumasok na kami na shock ako sa nakita ko sa luob.
Teka, bakit parang high-tech lahat ng gamit sa loob ng bahay na to samantalang sa labas parang wala namang nakatira? :O
"OMG." Napanganga talaga ako dahil ang luob sa haunted house na bahay ay isang modern styled house. Ang ceilings ay white at may isang sosyal na chandelier sa gitna at ang walls naman ay painted white and may drawings ng cherry trees with cherry blossoms blooming sa walls. Ang ganda ng bahay O_____O May naka surround pang tatlong flat screen TV's na naka mount sa walls. And the house isn't surrounded with sunlight, there's an artificial red light that gives a cozy feel to the house. There's also a lounging area sa what I think is the living room. Haha. Ang ganda talaga. Sa walls naman may mga pictures ng iba't-ibang Anime characters. Hindi ko naman alam kung sino yung mga characters ang nandun at kung anong series yun dahil hindi naman ako otaku. [otaku-anime addict]
"Welcome to Turf Kristine!" Sabi ni Kyla and then she grabbed my hand and led me to one of the rooms upstairs. (2 story house kasi yung bahay.)
Yung door na papasukin sana namin ay may naka lagay na sign na ang sabi ay: RESTRICTED AREA.
"Pasok tayo dito. Ito nga pala yung lounging area namin. Hindi ako sure kung may tao dito pero palagi naman meron eh. Hahahaha."
At pumasok nga kami and guess what? May atleast 6 people na nasa loob. Akalain mo ba na may Xbox ang lounging area nila? Parang arcade at may Dance Revolution pa! May dalawang babaeng nanonood ng TV at masasabi ko talaga na may pagka weird yung style nila kasi yung buhok ng isang girl ay mahaba at kulot sa dulo PERO hati yung color ng buhok niya.
BINABASA MO ANG
Pinky Paradise
Teen FictionIsang babae na may masakit na nakaraan. During the summer, she lost weight and vowed to change her life into 360 degrees. New school, new friends, new people. Will her past catch up with her present?