A/N: OMG. IT'S BEEN 2 YEARS SINCE I LAST UPDATED. DAMN. Anyway, I've decided to finish this project. Hope you guys like this chapter!
Magandang umaga! How was your sleep last night? Was it good? Because I woke up feeling the opposite. Parang nasa impyerno ako pag gising ko. Ang sakit ng ulo ko pucha! I didn’t even drink last night so why do I feel like this?
Dahil nga madaling araw na kami nakauwi ni Suzy sa parehong kama nalang kami natulog <3
Time check: 6:20 am
Alright! Time to get my ass out of bed and take a shower. I dread the idea of going to school pero wala na akong magagawa kaya go lang ng go!
Tulog parin si Suzy after ko mag bihis kaya una na akong bumaba para mag tanghalian. I smell bacon ang eggs. Sarap naman!
I saw Lisa and Dad on the dining table and Lisa was eating her croissants with hot chocolate habang si Dad naman ay nagbabasa ng diyaryo sabay uminom ng kape.
“Morning!” Bati ko with a smile. pareho silang tumingin sakin at niyaya na akong kumain.
“Oh, tulog pa si Suzy? San ba kayo galing kagabi?” Tanong ni Papa. Himala at hindi siya nagalit! He usually reprimands me whenever I go home later than midnight but I guess now that Lisa’s here hindi na masayadongg mahigpit yung kapit niya sa akin. Hehe ^__^V
“Secret na po namin yun ni Suzy pa.” Tumawa ako ng konti at nag bleh before eating and he just rolled his eyes at me habang nag smile naman si Lisa.
“Gagamitin ko po yung Range Rover pa. Bye Dad, bye Lisa! Text niyo lang ako mamaya after school.” I said as I got my bag and snatched the car keys on top of the piano.
“Oh sige. Ingat ka.” Sabi ni Dad. “Have a good day Nina!” sabi naman ni Lisa. I waved and smiled at them before going out of the house.
Once I arrived at school everyone was looking at me weirdly. Ehhhh? Bakit? Anong meron? May dumi bas a mukha ko? Wala naman ah! Yung damit ko, okay naman. Bakit sila tumitingin sa akin? Hindi lang yung normal na tingin/ Nagbubulungan pa sila!
I just shook it off and went to the canteen para bumili ng tubig. Since napaaga yung dating ko, may 30 minutes pa akong natitira before class starts. Puno yung canteen ng mga tao ofcourse pero parang lahat ata sila tumitingin sa akin ng patago. Ang weird talaga. Bakit ganun?
I found an empty table at dun na ako umupo. Mag babasa sana ako ng libro ng may narinig akong isang grupo ng mga babae sa likod ng table ko na nag-uusap.
“Sino kaya ang kumalat ng mga posters nato?”
“I can’t believe she used to be this fat!”
“She even looks uglier than me!”
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang tatlong babae na nag-uusap and they immediately shut up once they realized na ako pala yung nasa harapan nila. I gracefully stood up and felt annoyed.
“What were you guys talking about just now?” I asked in annoyance. Anong posters yung sinasabi nila?
“Sorry, hindi naming sinasadya kaya lang may posters kasi na nakakalat sa buong school tungkol sayo.” Sabi nung isang babaeng maikli yung buhok at sabay niyang inabot yung hawak niyang poster.
I felt cold once nakita ko yung laman ng poster. I wanted to cry so bad. Sino ang may pakana nito?! Ang sama sama niya! Ang laman lang naman ng poster ay isang picture ko nung mataba pa ako at sa ilalim ng pic may nakasulat ng “Have you seen this girl?She’s Kristine Hugh!”
Nabitawan ko yung poster sa halong galit at hiya. Tumulo yung luha ko and ran away from the crowd.
Ano bang ginawa ko to deserve this kind of treatment?! Kasalan bang maging mataba? Bakit ba napaka big deal kung mataba ako nung una? Does it even matter? I thought while crying. Hindi ko alam kung san ako pupunta basta tumakbo lang ako hanggang sa may nabangga akong isang lalaki but instead of letting me go, he held my hand and took me away with him. I was covering my tear-stained eyes with my right hand. Ni hindi ko nga alam kung sino tong lalaking to pero at this point wala na akong pakialam. Gusto ko lang lumayo sa isang lugar na walang tao.
BINABASA MO ANG
Pinky Paradise
Teen FictionIsang babae na may masakit na nakaraan. During the summer, she lost weight and vowed to change her life into 360 degrees. New school, new friends, new people. Will her past catch up with her present?