Chapter 1 : " Panyo "

12.3K 172 6
                                    

Andy's (POV)

Cabanatuan City

"Si Ashley ba may syota na?" pabulong na tanong nya sa akin

"huh? sinong Ashley " balik kong tanong sa kanya habang busy ako sa pagkopya ng lecture sa board.

"Si Ashley, yung magandang babae jan sa kabilang section. Yung cute na chinita girl na member ng School dance troup natin" sagot nya sa tanong ko.

"ah, yung madalas na pinaguusapan nila Arnold..." Si Arnold yung isa sa mga kaklase kong kumag na miyembro ng Bubuli gang.. mga bully sa section namin.

"ewan ko.. " sabi ko sa kanya...habang nakafocus pa din ako sa pagkopya ng lecture

"anong ewan? " tanong ulit ni Genie na humarap pa sa akin

"ewan ko, as in hindi ko alam kung may syota na..teka lang ha, bakit mo ba tinatanong? " huminto na rin ako sa pagsusulat at humarap sa kanya..

"type mo noh?" pabulong kong panunukso sa kanya..

"hi-hindi noh, porque ba nagtanong kung may syota na, type agad? hindi ba pwedeng curious lang? " depensang sagot nya, sabay iwas ng tingin sa akin, at ibinaling na ang atensyon nya sa pagsusulat.

"naku,,,naku,,naku,,!

Alam na alam ko yang ganyang galawan mo eh.. Umamin ka, may gusto ka sa kanya noh? Crush mo? " pangungulit ko pero tila nagbibingi-bingihan ito at hindi ako pinapansin.

"alam mo, bestfriend mo ako kaya okay lang na sabihin mo sa akin, promise hindi ko ipagkakalat na.... "  nahinto ako sa sasabihin ko ng marinig ko yung boses ng teacher namin.

"Ms. Anderson at Ms. Dela Cruz! Ano bang ingay yan.." Si Mrs. Marcelo, teacher namin sa Chemistry.

Galit na tanong nito nadidinig na pala nila ang kaingayan ko habang kinukulit ko yung kaibigan ko.

"ahm..wala po Ma'am" napapahiyang sagot ko at napatingin ako ke Genie na nuoy ngingisi-ngisi.

"daldal mo kasi hayan tuloy.. hehehe" sabi pa nyang nakangisi pa din.

"Ikaw nga itong..." muling naputol ang sasabihin ko ng makita ko si Jami at ang bestfriend niyang si Janna na kasalukuyang dumadaan sa tapat ng room namin, tila ba slow motion ag pag-galaw nito, nakangiti na kitang kita ang pantay-pantay at mapuputing ipin, mga buhok nyang tinatangay ng hangin at ang mga mata niya---ang maaamo niyang mga mata.

Hayst! <buntong hininga> 

Ang ganda ganda talaga nya, kumpleto na naman ang araw ko, nakita ko na siya. Nakita ko na naman ang "Anghel ko".. 

"ano na naman.." inis na sagot ni Genie. Nagreact pala ito sa sinabi ko.Naputol ang sasabihin nya ng makita nya akong nakatulala sa labas . Sinundan nya ang tingin ko at nakita din nya sila Jamie.

"hayan tayo eh!..natutulala kapag nakakasilay. ...oh...ito dude pamunas, baka tumulo..."   pang-aalaska nya sabay abot sa hawak na panyo.

"wag ka nga, ikaw itong pinag-uusapan natin eh.." baling ko sa kanya nung nakalagpas na sila Jamie sa room namin.

"Quiet!!!" sigaw ng teacher namin at pinukol kame ni Genie ng masamang tingin.

Tumahimik na kameng pareho at nagfocus na lang sa pagkopya ng lecture sa board.

Ako nga pala si Alessandra Marie Gomez Anderson.. haba ng name ko noh? but my friends call me Andy, i have 2 siblings and their name is Lara & Ella. Pang-gitna ako sa aming tatlo, the Eldest is Ate Lara who is a College Graduate. She took up BS Management in one of the famous school in Manila. Siya ngayon ang katu-katulong ng mother ko sa business naming Mini Grocery Store sa Central Market. 

For Keeps (GxG) : (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon