Chapter 13 : " Lunch date "

2.2K 73 0
                                    

Andy's (POV)

Halos mag-la lunch na ng matapos ang opening ceremony.

Kanina ko pa idi-na dial yung number ni Jamie pero hindi sya sumasagot. Nang matapos kasi yung program nagkagulo na yung mga estudyante at hindi ko na sya nakita sa bleacher na kinauupuan nya kasama si Janna.

Aayain ko sana itong mag-lunch kasama ng mga kaibigan ko.

"hi,, asan k n? " text ko, ise-send ko na lang ito ng biglang nagregister yung name nya sa fon ko.

Tumatawag sya.agad ko itong sinagot

"hi Andy... sorry hindi ko nasagot tawag mo kanina kausap kami ni Ms. De leon eh" hingi nya ng paumanhin

"ganun ba? okay lang.... ahm.... Mag-la lunch na kasi,,aayain sana kitang sumabay sa akin?? Okay lang ba? "

" ok lang..... inaantay nga kita eh... kasi di ba sabi ko sayo kanina sasamahan kitang kumain?"

Nangiti ako dahil naalala nya. Sinubukan ko lang naman sya yayain dahil baka mamaya nakalimutan nya yung pangako nya kanina.

"teka nasaang gawi ka ba?" tanong nya

"andito sa tapat ng registrar" sagot ko

"ok wait puntahan kita jan"

"ok.. bye" yun lang at naputol na yung linya

Pamaya-maya natanaw ko na siyang naglalakad sa may gitna ng gym pero hindi sya nag-iisa kasama nya si Janna

"hi... sorry bigla kaming nawala kanina.?" nakangiting paumanhin nya

"okay lang.. "

Si Janna tahimik lang na nakatingin sa amin at nakangiti.

"oo nga pala ...Andy.... meet Janna.. friend ko" si Jamie

" Janna si Andy"

" hello , nice to meet you.." sabi ko sabay lahad ng kamay ko

"same here" sagot nya habang nakikipagkamay sa akin.

Kagaya ng kaibigan nya may itsura rin si Janna. Yun nga lang magkaiba sila ng ganda. Si Janna yung tipikal na gandang pilipina. Pati sa kutis magkasalungat sila..kung si Jamie maputi sya naman kayumanggi. Ang pagkakapareho lang nila na napansin ko ay yung pagiging mahinhin.. babaeng babae kung kumilos.

"hope you dont mind pero isinama ko na si Janna.. wala kasi syang kasabay kumain" paumanhin ni Jamie

"naku.. ok lang.. ano ka ba.. ayos nga yun makikilala nya ang tropa" nakangiting baling ko kay Janna

"nasaan si Genie?" tanong ni Jami ng mapansin na wala yung kaibigan kong makuiit

"sinundo yung barkada dun sa backstage kanina.. pero baka andun na yun sa kakainan natin" sagot ko

" ano tara na? Dami ko ng gutom eh " yaya ko sa kanilang dalawa..

"tara... " si Jamie

Sabay sabay na kaming naglakad palabas ng gate

"san ba tayo magla-lunch ?" si Jamie ulit

"sa canteen nila Genie.. yung nagiisang canteen jan sa labas na halos tapat lng nitong school natin"

"ah.. kila Genie pala yun? "

"yup... yung mother nya ang cook dun " sagot ko

Bago tumawid ng kalsada nagsenyas muna ko sa mga sasakyan ng stop tska ko inalalayan sila Jami.

For Keeps (GxG) : (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon