Chapter 17 : " Selos? "

2.2K 79 3
                                    

Andy's (POV)

One...

Two....

Three....

Four....

Five....

Six....

Sev--

"Ehem!.. "

"Ehem!..Ehem!..Ehem!... "

Halos magkakapanabay na pagtikhim ang nagbalik sa kamalayan namin ni Jamie.

Napapikit ako ng mariin kasabay ng marahas na buntonghininga.

Shi*t!! Malapit na eh, halos andun na nga... Konting – konti na lang... hindi pa natapos ang 7 seconds..

Naman kasi! Istorbo talaga itong mga kumag na to' ..reklamo ng utak ko

Kunot noo akong lumingon sa paligid at nakita ko ang ilang pares ng mga mata na nakatingin sa amin.

Halos lahat ng kaibigan ko pati si Janna ay ngini-ngisihan kami ng nakakalokong ngiti.

"EhEM!.. " si Thina. Pinanlakihan ako ng mata at inginuso yung kamay ko.

Nalilitong sinundan ko ang direksyon ng mata nya. Bahagya akong nagulat sa nakita ko.

Awkward alert!!!

Hawak ko pa pala ang kamay ni Jamie , hindi ko pala ito nagawang bitawan kanina.

Nahihiya akong yumuko at na nalilito dahil  hindi ko alam kung papaano bibitawan ang kamay nya. Ni hindi ko kayang mag-angat ng tingin, natatakot ako..

baka kung ano ang makita kong reaction sa mga mata nya at masaktan lang ako.

baka iniisip nya nagsasamantala ako..

baka naiilang sya sa pang-aasar na ginagawa ng barkada...

baka.. 

Kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko, at puro iyon pangamba. Napalis lang ang alalahanin ko ng marahan nyang pinisil ang kamay ko. Awtomatiko akong nag-angat ng tingin.

And then there she was smiling at me.

Walang awkwardness, walang pagtataka at walang anumang mababakas na reaction kundi ang masayang mukha nya. Ang kaninang maligalig na pagtibok ng puso ko dahil sa pangamba ay nagbalik sa dati nitong ritmo. Isang familiar na pagkabog na nararamdaman ko lang kapag anjan si Jamie.

"i-im sorry " hingi ko ng paumanhin sa kanya kasabay ng kiming ngiti.

Kahit naguumalpas ang kalooban ko sa pagtutol  dahan-dahan kong binitawan yung kamay.

"i-its okay.. " sabi nya kasabay ng kiming pagngiti

Ang ganda na sana ulit ng moment namin ng biglang may humiyaw na nanggaling sa kung saan.

"Dude!... Isa ka ng ganap na HOKAGE!! " boses ni Genie.

Bumunghalit ng pagtawa ang buong tropa. Humirit na naman ang makulit kong kaibigan. Lumingon ako para hanapin sya . Agad ko naman itong nakita sa may gawing sulok ng stage. tatawa-tawa na naka-peace sign. Alam kong sinadya nyang lumayo sa akin, marahil alam nyang makakatikim sya ng malakas lakas na dagok kung sakaling kaya ko siyang abutin.

Gusto ko sanang batuhin ito ng kahit na ano para maibsan yung inis ko, ang kaso wala akong madampot na bagay na aabot sa kanya kapag inihagis ko.

Kaya para makaiwas sa panandaliang pagkakapahiya. Niyaya ko si Jamie na magpunta sa canteen at bumili ng maiinom. Hindi naman sya tumanggi at dagliang binitawan ang hawak para sumama sa akin.

For Keeps (GxG) : (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon