Andy's (POV)
"pambihira, kung gaano kabilis makapag-aya ng inuman ay ganuon din kabilis malasing" reklamo ko habang inaalalayan ang kaibigan. "come on Dude! Tsss! Hindi ka magaan ha, can please help your self kung hindi ay pagugulungin na lang kita dito! " angal ko ng maramdaman na ang buong bigat nito ay inaasa na lang sa akin.
Nakaakbay ito sa akin habang iginigiya ko sa kwarto ni Miggz. Mabagal kaming naglalakad patungo duon dahil sa sobrang kalasingan nito.
Iinom-inom hindi naman kaya dalhin ang sarili. Tsk!
Totoong nahihirapan akong alalayan ito dahil bukod sa malaking babae ay animo wala ng pakinabang ang mga paa nito dahil hindi na rin halos makapag-lakad ng maayos.
Hindi na kami makapaglakad ng diretso at kamuntikan pang mahagip ang isang glass display sa dinaanan naming console table kung hindi ko lang naagapan ang pagkahulog niyon. Buti na lamang at ganuon kabilis ang reflexes ko kung kaya kaagad kong napigilan ang akma nitong pagbagsak.
Tumawa pa ang abnormal kong kaibigan sa pangyayaring iyon sanhi kung bakit muli itong nakatikim ng pagsiinghal sa akin.
" sa susunod hindi ka na makakaulit. Sukdulang itago namin ang mga alak, wag' ka lang mabangenge ng ganito" asik ko dito.
Genie still conscious at that time dahil sa patuloy nitong pagdaldal na animo sirang plakang paulit-ulit ang mga sinasabi pero natigil ito at nakuha pang dumaing ng kumag.
"(hik!) anddd-aamme mo namang reekkllamoo (hik!) .. " pautal-utal na puna nito.
"tsss! ayusin mo naman kasi, nakita mo ngang nahihirapan na ako ay nagpapabigat ka pa, buti sana kung-----"
"tulungan na kita, Andy" Jamie cut me off na hindi ko namalayang nasa likuran na pala namin ng mga oras na iyon.
Daglian akong napatigil at pilit na nilingon ito sa kabila ng mahirap na sitwasyon "k-kaya ko na ito, m-malapit naman na sa kwarto ni Miggz eh" tanggi ko kasunod ng pilit na pagngiti.
Kung kanina ay panay ang daing ko sa kaibigan ngayon naman ay tila naman umurong ang sariling dila dahil sa hiyang nangibabaw ng malaman na nanduon si Jamie at nakasunod sa amin.
In an instance ay naging aware ako sa sitwasyon.
Halos nagpipigil pa akong gumawa ng maling kilos at pananalita dahil sa nahihiya ako sa sariling kasintahan. Na-conscious ako kaagad dahil pakiramdam ko ay nakamasid ito ng maigi sa aking ginagawa. Nakatalikod ako pero animo ang mga mata nito ay tumatama sa aking likuran.
Magkagayonman, nag-umalpas ang kagustuhan kong itulak na lang ang kaibigan kung saan, upang maharap si Jamie ng mga oras na iyon at ito na lang ang aking asikasuhin.
Wala sa sariling napangiti ako sa huling salitang naisip at napailing.
God! Sinong makakapagsabi na sa mga oras na ito ay Girlfriend ko na ang taong kay tagal ko ring minahal ng palihim.
I smiled automatically.
Hindi ko napigilang maramdaman kung paanong nagmistulang zoo ang aking tiyan dahil sa pag-rarambulan ng nasa loob nuon.
Cliché it may seem but I also felt there's a butterfly inside my stomach that makes me feel agitated and excited at the same time. You know those feeling na kilig na kilig ka? Na you wanted to express it by shouting or dancing or do any extreme movement pero hindi mo magawa dahil nagpipigil ka? Hanggang kusa ka na lang mapapangiti, iyong tipo ng pagngiti na maeexpress mo ang walang hanggang kasiyahan. Ganuon! Ganuon ang nararamdaman ko. Those feeling never leaves me right from the moment I confessed that I truly love her.

BINABASA MO ANG
For Keeps (GxG) : (Slow Update)
RomanceKailangan bang tama ang pagmamahal na maramdaman mo pag dumating si "First Love?" Paano kung nagmahal ka nga, pero naramdaman mo ito sa maling tao at sa maling pagkakataon?susugal ka ba at posible bang pagbigyan ang puso kahit mali na sa mata ng iba...