Jamie's (POV)
" hoy.. okay ka lang?" pukaw ni Janna sa akin ng mapansin na hindi ako mapakali sa upuan ko.
" ang tagal naman ng meeting nato' sabi ni Ma'am saglit lang.. aba!. mag dadalawang oras na oh!" reklamo ko habang nakatingin sa relo
"eh bakit ba nagmamadali ka? May date lang?? " si Janna
Hindi ko ito pinansin abala ang utak ko kung ano na nangyayari sa game nila Andy. Sigurado kasi akong nagsimula na yun.
Pihadong totohanin nun yung sinabi nyang hindi sya maglalaro ng maayos. Wala naman akong kiber kung matalo ang team nila, nagaalala ako kasi baka pinapagalitan na yun ng coach nya.
Hay naku!..
Pana'y pa naman assurance ko sa kanya kanina na manonood ako. Pero heto at andito pa ko sa meeting.
Hindi ko tuloy maiwasang maimagine yung itsura nya kanina na parang batang naglalambing ng pabulong na pinaalala sa akin yung game nila ngayon.
Hindi ko ide-deny na sa tuwing ganoon sya. Kinikilig ako at kusa ko na lang nararamdaman ang urge na gantihan din sya ng ganoong gesture. Hindi ako usual na malambing sa mga kaibigan ko pero sa kanya napapalabas nya yung ugali ko na yun.
Yun nga eh! Hindi naman kasi kaibigan ang tingin mo sa kanya kaya nga malambing ka.
Tse! Tumigil ka nga jan.
May isa pa akong natuklasan na pag-uugali nya. At yun ang pagiging maalaga. Kanina lang nung kumakain kami, sya ang nag-asikaso sa akin, mula sa paglagay ng pagkain sa plato hanggang sa iinumin ko.
Medyo nahihiya nga ako kanina sa harap ng mga barkada nya, baka isipin naman nila inaalila ko yung kaibigan nila.
Pero dagli ko ring binawi yung alalahanin na yun kasi tingin ko hindi naman sila ganuon.
Mababait ang mga ito. Magugulo lang pero masayang kasama. Pati nga si Janna hindi maiwasan na matuwa sa kanila.
Kaninang pabalik kami dito sa school sila ang pinaguusapan namin.
"ang kukulet ng mga kaibigan ni Andy noh? Akala ko yung pagiging magulo nila nakaka offend eh... hindi pala.. lalo na si Genie... ang kulet ng mga hirit" si Janna
"ay oo..sinabi mo pa...sa kwento ni Andy yun talaga ang pinakamakulit sa kanilang anim" sangayon ko
"pero si M-Mean... Mean nga ba yun??yung tahimik. Akala ko suplada eh... pero hindi naman pala.."
"tsaka napansin ko din... panay ang tingin nya kay Andy.." dugtong pa nito.
Pinili kong hindi kumibo. Ayoko na lang magkomento tungkol sa bagay na yan.
Maski ibang tao nahalata rin na may something kay Mean.
Naitanong ko na dati kay Andy, kung anong naging reaction nya ng malaman nya yung tungkol dun. Ang sabi nya wala naman daw. Kaibigan lang kasi talaga ang turing nya dito tsaka may iba daw syang gusto.
May iba syang gusto.
May iba syang gusto.
May iba syang gusto.
May iba syang gusto.
Pauulit-ulit lang?
Eh maano ba?
Sa Hindi ko maiwasang isipin ang bagay na yan. Tska sa totoo lang may kung anong sakit na dala ang alalahanin na yon.
Oh bakit nagseselos ka?

BINABASA MO ANG
For Keeps (GxG) : (Slow Update)
РомантикаKailangan bang tama ang pagmamahal na maramdaman mo pag dumating si "First Love?" Paano kung nagmahal ka nga, pero naramdaman mo ito sa maling tao at sa maling pagkakataon?susugal ka ba at posible bang pagbigyan ang puso kahit mali na sa mata ng iba...