Andy's (POV)
Kriiinggg!!!
Tunog ng school bell namin.
Hudyat ng uwian na. Nagmamadaling kaming magkakaibigan na lumabas ng classroom at dali daling pumunta sa tambayan namin.
Ang GYM. Nakapagitan ito sa mga school buildings, lahat ng mga estudyante na pauwi dito dumadaan. Sa gawing kanan nito ang school Canteen, sa bandang kaliwa naman ang regristrar at sa gawing dulo ay ang stage, kung saan madalas may nagpapraktis ng sayaw. At dito. dito ang aming favorite tambayan kasama ng iba pang estudyantea habang naghihintay ng kanya kanyang sundo. Dito kami nagpapalipas ng oras, kung hindi nag-gigitara , nagbibidahan kami ng kung ano-ano.
Well actually sa aming, anim kami ni Genie ang madalas na nakatanga at nakatingin sa gitnang daanan. Inaantay na dumaan yung kanya kanya naming crush.
Hindi nga nagtagal at nakita na namin si Ashley. Papunta ng stage, mukhang may praktis na naman ito ng sayaw dahil bukod sa nakapagpalit na ito ng damit makikita din na may bitbit itong compact disc na maliit. Kung sabagay malapit ng Intrams namin isang lingo na lang to be exact. Malamang nagpe-prepare na sila ng intermission number nila.
"mukhang magpe-perform na naman lovey duvs mo sa intrams ah" sabi ko ke Genie
"oo nga eh, makikita ko na naman kung gaano sya kagaling sumayaw" ngiting ngiti na sabi nito
"excited ka naman jan" asar ko sakanya
"aba'y syempre naman, bibihira lang yun hano"
"pero dude! grabe noh?, ang ganda niya talaga noh? " pagpapatuloy nya habang hindi inaalis yung mga mata niya kay Ashley. na nuon ay nasa taas na ng stage at nagseset-up.
"oo maganda nga siya" sang-ayon ko
"pero mas maganda yun oh" nguso ko kay Jamie na kasalukuyang naglalakad sa gitna ng gym at mukhang pauwi na.
Tumingin ako sa relo ko. 5:30 pm pa lang ah, ang aga naman nyang lumabas. Karaniwan kasi 6 pm ito umuuwi dahil palaging may student council meeting. Matalino kasi si Jamie, member siya ng student council since first year. Kaya madalas busy siya, dahil bukod sa pagiging estudyante, may mga extra curricular activities pa.
Nakakabilib di ba?
Hindi lang basta maganda, matalino pa at sabi nila mabait din daw. Hindi nako magtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya at nagkakandarapang manligaw.
"aga niyang umuwi ngaun , wala kaya silang meeting?" puna ko
"wala ata dude.. parang nadinig ko yung si Janna kanina nung nakasabay ko sa CR. na cancel daw. May seminar daw si Mrs. De leon sa ibang school" paliwanag ni Genie. Si Mrs. De leon ang head ng student council nila.
Tahimik naming sinusundan ng tingin si Jamie ng may marinig kaming kumakanta sa bandang likuran.
"Pasulyap sulyap pa kunwari, patingin tingin sa kin ¶♯¶
Di maintindihan ang ibig mong sabihin ¶♯¶
Kung mayrong pagibig ay., ipagtapat mo na sa akin ¶♯¶
Si Mean lang pala, hayan at nagsimula na namang mang-asar, papikit-pikit pa habang kumakanta at papalapit sa amin.
Inismiran lang namin si Mean at hinayaan lang na pumagitna sa aming dalawa. Tiningnan ulit namin si Jamie na hayun at malapit na sa gate palabas.
"paalam ka na dude! paalis na sya oh" kantiyaw ni Genie.
"as if naman na makakapagpaalam ko" sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/54229251-288-k392271.jpg)
BINABASA MO ANG
For Keeps (GxG) : (Slow Update)
RomanceKailangan bang tama ang pagmamahal na maramdaman mo pag dumating si "First Love?" Paano kung nagmahal ka nga, pero naramdaman mo ito sa maling tao at sa maling pagkakataon?susugal ka ba at posible bang pagbigyan ang puso kahit mali na sa mata ng iba...