Andy's (POV)
Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi ko mahagilap si antok.
Hindi na nga nakaligtas kay Ella ang walang lubay kong pag biling baligtad na ikinairita nito kaya nakapagkomento na ang likot likot ko daw.
Hindi ko sya pinansin. Im not in the mood para makipagtalo sa kanya dahil abala ang utak ko kaiisip kay Jamie.
Kahit anong pilit ko na balewalain yung pinakita nyang attitude kanina hindi ko pa rin maiwasang isipin kung ano ba talaga ang dahilan at nagkakaganun sya.
Nawiwindang akong umupo buhat sa pagkakahiga at pagkuway nagbitiw ng marahas na buntong hininga. Dinampot ang cellphone na nasa gilid ng kama, sinilip kung anong oras na.
Past 10 pm na pala. Gising pa kaya sya?
Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba o hindi. Pero nang bandang huli nangibabaw ang urge na makausap sya dahil hindi ko kayang magsawalang kibo, nag-aalala ako sa kanya. Gusto ko syang makausap at malaman ang dahilan.
Nag-aalangan akong idi-nial ang number nya.
Habang nag ri-ring ito. Nagpasya akong lumabas ng kwarto. Ayokong madinig ng kutong lupa kong kapatid na may kausap ako dahil malamang tutuksuhin ako nito. Tumambay ako sa may porch habang hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya.
Ring lang ng ring ang cellphone nya. Walang sumasagot.
Dalawang bagay lang yan eh. Isip-isip ko. Either ayaw nyang sagutin dahil ayaw nya akong makausap or tulog na sya. Mas gugustuhin ko pa yata yung tulog na lang sya. Ayokong i-entertain sa utak ko yung ayaw nya akong kausapin sumisikip lang yung dibdib ko sa pag-aalala.
Itinigil ko na lang muna ang pag tawag at nag decide na itext sya. I'm about to compose my message ng madinig ko yung tawa ni Ate Lara.
Out of curiousity hinanap ko kung saan nanggagaling yung boses nya. Naglakad ako papunta sa garden ni Mama, nakita ko ito nakaupo dun sa isang wooden chair. Hawak ang Cellphone nya at masayang nakikipag usap.
I pause for a while. Sino kaya ang kausap nya?
Hindi naman usual na laging may kachikahan yan sa cellphone ng ganitong oras at kung meron man hindi ito lalabas at tatambay dito sa garden ni Mama. Lagi kayang nakakulong yan sa loob ng bahay, pagkagaling nyan sa tindahan namin ang madalas atupagin pagbabasa ng libro.
Kaya nitong mga nakaraan araw nagtataka na ako. Alam kong may kakaiba sa kanya eh.
Baka may boyfriend na sya .
Ganitong ganito sya nung sila pa ni Kuya Leo. Parang naka glue sa kamay ang cellphone, laging masaya, energetic, bibihirang magsungit at laging maganda ang mood.
Napailing na lang ako sa isiping yun. Kung sakaling meron na nga syang nobyo. Alam ko naman isang araw ipapakilala din nya sa amin ito. Hindi naman ugali ng Ate ko na magtago ng relasyon lalo pa ngayon nasa tamang edad na naman siya.
Naku naman! eh kung ipagtabuyan na nga yan ni Mama para mag-asawa ganun-ganun na lang.
Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa pag compose ng message para kay Jamie. Sana magreply naman sya – piping dalangin ko habang nagtatype.
Kasabay ng pagpapakawala ng bunting hininga isi-nend ko na din ang message ko.
"hi...stil up?" -----send
Habang nag hihintay ng sagot hindi ako mapakali sa kinalulugaran ko panay ang tayo at upo ko. Wala ring lubay ang pag-lock at unlock ko sa cellphone ko waring dun na lang dinadaan ang pagkainip ko.
BINABASA MO ANG
For Keeps (GxG) : (Slow Update)
RomanceKailangan bang tama ang pagmamahal na maramdaman mo pag dumating si "First Love?" Paano kung nagmahal ka nga, pero naramdaman mo ito sa maling tao at sa maling pagkakataon?susugal ka ba at posible bang pagbigyan ang puso kahit mali na sa mata ng iba...