Chapter 25 :

1.1K 34 12
                                    

A/N

And so ayun nga... after 10 years naka-pag update din .....

Sana lang may nagbabasa pa nito... hahaha!

********
In love, everything is possible.
********

Andy's (POV)

Kinabukasan ay halos magkakasunod kaming nagsi-pag-gising pero tanghali na kami nagsipag-bangon.

As soon as we went out from Miggz Room ay kaagad kaming inasikaso ng nanay at kapatid nito . Naghain sila ng mga alanganing agahan at tanghalian at kapagdaka’y  isa-isa kaming iginiya sa hapag-kainan.

As usual nagtabi kami ni Jamie habang abot-abot ang naging kantyaw nila sa amin maliban kay Mean na bagamat pangiti-ngiti ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito. Imbes na makisawsaw sa pangaalaska ng grupo ay mas pinili nito ang pag kalikot sa kanyang telepono kasabay ng manaka-nakang pagsubo ng pagkain.

“hoy kayong dalawa" pagpansin sa amin ni Miggz ng nakangiti "uso ang magsalita ha... para kayong tinapyasan ng dila diyan “

Kanina pa pala kami nito pinapakiramdaman kung kaya't ang pagpapalitan namin ng malagkit na tinginan ay hindi nakaligtas sa aming kaibigan.


Hindi namin makuhang kumibo at waring hindi makapaniwala sa mga nangyari ng mga nagdaang gabi. I in particular ay animo nananaginip pa rin ng mga oras na iyon at paulit-ulit na umuukilkil sa isipan ang pag-amin na namagitan sa aming dalawa. And of course, the kiss… the kiss that we’ve shared.


Nakakaadik pala talagang mahalikan ang taong mahal mo.

Iyong tipong hahanap-hanapin mo.

“sus, naging mag-on lang ay naging pipi na?” susog ni Thina na pinanlakihan ko ng mga mata “talandi din kayong dalawa eh noh?” dugtong nito.

Pasimple ko itong sinaway na ginantihan lang niya ng pag-irap habang ngumunguya ng pagkain.

“hoy ikaw taba, pakikuha mo nga ako ng isang tasa duon” pagbaling nito kay Genie na kakalabas lang ng toilet.

“maka-taba ka jan ha” sita ng kanyang inutusan habang sapo-sapo ang ulo at hindi maipinta ang pag-mumukha.

Sumunod naman ito sa kabila ng pagrereklamo at halos pabalagbag na inilapag ang tasa ni Thina.

“anong nangyari sayo?” tanong ni Lynette ng makaupo ito.

“may hang-over iyan, dami ng nilaklak na alak eh” kantyaw ko habang abala sa paglalagay ng pagkain sa plato ng kasintahan.

“ito gusto mo?” malambing kong pagbaling kay Jamie habang hawak-hawak ang platong kinalalagyan ng isang putahe ng ulam.

Ngumiti ang kausap ko at tumango ng kimi. Sinalinan ko ng pagkain ang plato nito atsaka inilapag sa lamesa ang ulam when someone cleared her throat.

Nag-angat ako ng tingin only to see my friends staring at us intently.

Si Thina ay nakataas pa ang paa habang hinahalo ang kanyang kape, Si Miggz and Lynette ay nakatitig habang ngumunguya, while Me-an is busy scrolling her phone kahit na alam ko namang nakikiramdam din sya sa paligid. Ang kumag ko namang kaibigan na si Genie ay halos hindi kumukurap at bahagya pang ikiniling ang kanyang ulo na animo pinag-aaralan ang galaw naming magkasintahan.

For Keeps (GxG) : (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon