Author's Note :
I know right?....
Inabot na naman po ng Part 3 itong Chapter nato' . Sorry guys, pinilit ko namang pagkasyahin sa isang Chapter kaso hindi kaya....
Anyways! Highway!.... Enjoy reading repapips!
Stay Happy.. :-)
******************************************
Jamie's (POV)
Matinding sinag ng araw ang gumising sa akin kinabukasan. Nakalimutan ko palang isara yung kurtina bago ako matulog kagabi.
Unti unti akong dumilat. Sandaling tumitig sa kisame ng kwarto. Waring inalala yung nangyari kagabi. Magkatxt ulit kami ni Andy. Hindi nya maipaliwanag pero may sayang dulot sa kanya yun. Actually gustong gusto nga nya tong' kulitin kahapon. Ang kaso mo, si Kuya nagpasama kung saan saan. Hanggang sa ginabi na kami ng uwe. Sa kagustuhan kong maitext sya kaagad, pagdating ko sa bahay nagmessage ako sa kanya. Nagreply naman agad to' at nagsimula na kming magkulitan hanggang gabi.
Naginat-inat ako at ng mahimasmasan kinuha ang cp na nasa gilid ng unan ko. May 2 messages ako galing kay Andy. Nangiti ako. Siguro babatiin lang ako ng good morning.
Binuksan ko ito. Nagtataka ako sa message nya.
Ano daw?
"bakit po Ms.Tingin?" yan yung message nya at yung isa pa
"para sa akin po ba yun? "
Tiningnan ko kung anong oras nya isi-nend. 11:15 at 11 : 17pm. Halos kakatulog ko lang nito ah.
Muli kong binalikan yung ung conversation namin kagabi. Wala naman akong makita dun na kakaiba. Sinilip ko din yung mga sent items ko.
Pagbasa ko dun sa pinaka latest napatigil ako.
Hala! Bakit tinawag ko syang Ms. Tingin?? Kaya pala ganun na lang yung mga text nya.
Napapikit ako ng mariin. Kung hindi ako nagkakamali. Yung pinaka huling text ko sa kanya, yan yung medyo wala nako sa huwisyo dahil sa sobrang antok.
Pano kaya to? Ano kayang inisip nya??
Baka inakala nyang ibang tao yung katext ko at na wrong send lang ako sa kanya.
Baka nagalit sya kaya hindi man lang nagtext ng good morning sa akin ngayon.
Tumingin ako sa orasan. 9:00 am pa lang nman. Baka naman tulog pa? Pero hindi, nabanggit nga pala nya sa akin na maaga sya gigising dahil magbabantay ng tindahan nila.
Nalilito akong napaupo mula sa pagkakahiga. Ano ng gagawin ko?
Magtetext ba ako sa kanya?
Magpapaliwanag ba ako na oo para sa kanya nga yung message dahil sya nga yung tinutukoy kong Ms. Tingin.
O
Hindi na lang muna ko magtetext at mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kanya pag nagkita kami?
Teka? Bakit ba nagwo worry ka? Eh ano naman sayo kung anong isipin nya?
Oo nga naman bakit ba ako ng-aalala.
Nalilito na lang akong napailing kasabay ng mabining buntong hininga.
Bahala na nga mamya!
Ayan na naman yang si bahala na . The last time na sinabi mo yan, muntik ka ng mapahamak kay mamang pulis.
Ah ewan! Basta!
Nagugulumihan akong tumayo at hinanap ang tsinelas sa lapag.
Madalian kong inayos ang pinaghigaan at pumunta sa toilet para makapaghilamos.
BINABASA MO ANG
For Keeps (GxG) : (Slow Update)
RomansKailangan bang tama ang pagmamahal na maramdaman mo pag dumating si "First Love?" Paano kung nagmahal ka nga, pero naramdaman mo ito sa maling tao at sa maling pagkakataon?susugal ka ba at posible bang pagbigyan ang puso kahit mali na sa mata ng iba...