Andy's (POV)
Lunes
Halos magkandarapa ako pagkuha ng mga gamit nang umagang yun. Na-late ako ng gising at ngayon ay nagkukumahog dahil na sa labas na si Ella at nagaantay. Kanina pa ako nito tinatawag.
"Ate!!..dalian mo kaya late na tayo... sige ka ikaw nga tong' magpapa-rade pa."
"hayan na!... saglit lang!"
Nagmamadaling dinampot ko yung rubber shoes ko at sinusuot ito habang naglalakad.
Nasa pintuan na ako ng naalala ko hindi pa ako nag-gugoodbye kiss kay Mama.
"Sh*t" bulong ko at tumakbon papuntang kusina
".Bye Ma! ...alis napo kami!" nagmamadali akong humalik sa pisngi nya
"o sige.. mag-iingat kayo ha! "
"Nga pala Ma!..yung baked tahong po ni Thina ha? wag nyong kalimutan"
"oo.. ipapadala ko na lang kay Kuya Jorge mo mamyang lunch nyo. "
Pagkasabi nya nun kumaripas nako' ng takbo palabas.
Isa na naming excited na araw ito para sa akin dahil makakasama ko si Ms. Antukin.
Akala mo naman ang tagal ko syang hindi nakita. Eh kahapon lang magkasama kami. Medyo ginabi na nga rin kami ng pag-uwi dahil kumain pa kmi sa labas. Wala naman kaming ibang pinuntahan pagtapos kumain, tumambay lang kami dun at nagkwentuhan.
Ganun yata talaga, pagkasama mo yung taong mahal mo. Hindi mo namamalayan ang oras. Minsan nga pati sa paligid wala kang pakialam, pakiramdam mo kayong dalawa lang ang nag-eexist.
OO na ... Inaamin ko na.
"Mahal ko na si Jamie".
As in
M-A-H-A-L K-O N-A S-I J-A-M-I-E!!
Nung una nag-aalangan pa ako sa nararamdaman ko. Pero ngayon sigurado na ako na hindi nato' simpleng paghanga lang. Bakit?? Papaano??? Well para masigurado nagtanong ako GOOGLE
Ito daw ang mga signs na ikaw ay confirmed ng nabibilang sa nakakabaliw, na mundo ng pag-ibig.
Una : Siya ang una mong inaatupag sa umaga imbis na magtoothbrush o mag-alis ng muta man lang. Basta pag dilat ng mga mata mo sya ang unang pumapasok sa isip mo.Siya rin ang huli mong naiisip sa gabi bago imbis na tapusin ang pag-aaral.
Pangalawa : Habang binabasa ang text niya sayo, mukha kang tanga na ngumingiti kahit na binati ka lang naman nito ng Good Morning!.
Pangatlo : Mabilis kang sumagot ng tawag or text niya. Kung makamadali akala mo end of the world na at kailangan mo ng maghabilin ng mga messages sa mahal sa buhay.
Pang-apat : Kung gaano ka ka-good mood pag nakakasama or nakakausap siya, siya ring bad mood kapag hindi siya nakapagparamdam.
Pang-lima : Totoo ang sinasabi nilang "Basta malalaman mo na lang pag mahal mo na e, yun na yun. Alam mo lang." Kasi mararamdaman mo ng nangangawit na ang panga sa kakangiti.
Pang-anim : Kapag kasama mo siya, ayaw mo na matapos ang buong araw. Parang ang bilis lagi ng oras . Looking forward ka lagi sa next niyong pagkikita.
At ang Pang-pito : Palihim kang naggugoogle ng "How to know if you're in love" "Signs of falling in love" "How to know if she's the one?"
Lahat yan TSEK na TSEK.
![](https://img.wattpad.com/cover/54229251-288-k392271.jpg)
BINABASA MO ANG
For Keeps (GxG) : (Slow Update)
RomanceKailangan bang tama ang pagmamahal na maramdaman mo pag dumating si "First Love?" Paano kung nagmahal ka nga, pero naramdaman mo ito sa maling tao at sa maling pagkakataon?susugal ka ba at posible bang pagbigyan ang puso kahit mali na sa mata ng iba...