Jamie's (POV)
Lunchbreak
Nagmamadali kong isinara yung libro ko pagkadinig ko sa school bell. Tatayo nko' ng madinig kong nagsalita si Janna
"Hey Jamie!.. hindi mo ba ako hihintayin? " nagtatakang tanong nito. nakaupo pa rin ito at nagaayos ng gamit.
"Friend, una na'ko.. may daanan lang ako saglit. kita na lang tayo mamya" paalam ko.
Hindi ko na inintay ang sasabihin nya at dire-diretso na kong' lumabas ng classroom.
"sana naman po lord totoong isosoli nya yung cellphone ko" mahinang panalangin ko habang naglalakad. . kasi po 'pag nalaman ni kuya na naiwala ko yun, lagot talaga ako.
Kinakabahan man natutuwa pa rin ako kahit papaano dahil maisosoli yun cellphone ko.
Sa panahon ngayon na madaming nagkalat na masasamang tao, swerte pa rin ako kung tutuusin dahil yung nakapulot ng nito ay willing itong ibalik.
Sabi nung taong nakapulot , dito daw kami sa school magkita.
Ibig lang sabihin, dito nya napulot yung cellphone ko.
Naglalakad na ako sa bandang gitna ng gym ng matanaw ko ang tapat ng registrar. Napansin ko wala namang tao na naktambay. Malamang wala pa sya.
Ng makarating ako sa tapat nito. Nagpalinga-linga ako sa mga estudyanteng dumadaan para sana tingnan kung sino sa kanila ang lalapit at magsosoli ng cellphone ko.
Tumingin ako sa relo 12:10 pa lang naman. Napaaga lang siguro ang dating ko.
Hindi bale, maghihintay na lang ako.
Habang nag-hihintay. Naalala ko kagabi bago matulog.Ilang beses kong binalik balikan yung nangyari sa akin kahapon, para kahit papaano maalala ko naman kung saan ko nailaglag or naiwan yung cp ko.
Pero mantakin ko mang isipin, wala talaga akong maalala.
I-try ko nga ulit alalahanin ngayon tutal wala pa yung kausap ko.
Flashback
Umaga ng maibigay sa akin ni kuya yun. That was after nya akong maihatid. Iniabot nya sa akin yung fon, na agad ko namang inilagay sa loob ng bag ko.
Pagdating ko sa classroom, natatandaan kong kinuha ko yun sa bag ko. Sandaling ini-explore at pagkatapos isinoli ko ulit ng dumating si teacher.
Buong klase ko sa umaga nanduon lang yun sa loob ng bag. Ng mag lunchbreak na. kinuha ko ulit ito. Tinawagan ko pa yung luma kong number para maisave yung bago kong number sa luma kong cellphone. Ngtransfer din ako ng mga number buhat dun sa luma kong cellphone. Pagkatapos itinabi ko na.
Buong maghapon na hindi ko na ito inilabas, kahit nung mag meeting kami sa student council.
After ng meeting namin, naalala ko bumalik ako sa classroom kasi naiwan ko yung chemistry book ko.
Nakababa na ako ng classroom ng maalala kong tawagan si kuya.. inilabas ko yung luma kong cellphone.... tapos ....
Tapos .. nadinig ko si kuya na tinawag ako...Andun na sya sa gate nagaabang...
Pero hindi eh...
Teka,.. nalilitong tanong ko sa sarili ko.
May nangyari pa bago dumating si kuya..
Sandali akong nagisip ng malalim
Ah! Naalala ko na...
inilabas ko nga yung luma kong cellphone , para sana tawagan si kuya...
BINABASA MO ANG
For Keeps (GxG) : (Slow Update)
RomanceKailangan bang tama ang pagmamahal na maramdaman mo pag dumating si "First Love?" Paano kung nagmahal ka nga, pero naramdaman mo ito sa maling tao at sa maling pagkakataon?susugal ka ba at posible bang pagbigyan ang puso kahit mali na sa mata ng iba...