Andy's (POV)
Mataman kong pinagmamasdan ang sariling reflection sa salamin. Ilang minuto na rin ng makatapos akong maligo. Medyo natagalan ako ngayon kumpara sa dati kong pagligo, dahil siguro nahirapan ako gawa ng sugat ko sa noo. Tuwing tinatamaan kasi to ng tubig galing sa shower napapangiwi ako sa sakit.
Tinitigan ko yung sugat ko,bahagya pang nakabuka ito at mukhang malalim nga gaya ng sabi ni coach kahapon. Napansin ko din ang pamamaga ng kanang bahaging ng noo ko. Sa totoo lang hindi ayos ang pakiramdam ko, kaninang pagbangon ko medyo mabigat ang pakiramdam ko.
Tok!
Tok!
Tok!
May kumatok sa pintuan at sigurado akong so Ella yun. Kami lang naman kasi ang gumagayak ng ganito kaaga.
"ate, tapos ka naba? dalian mo naman kasi sumasakit na ang tiyan ko"
"sandali na lang matatapos na ako" sagot ko
Agad akong kumuha ng gamot at gasa sa first aid box na nakasabit malapit sa pintuan. Madalian kong nilagyan ng gamot at tinapalan ng gasa ang sugat ko.
Paglabas ko ng banyo dumiretso na ako sa kwarto at tatamad tamad na nagbihis ng pamasok. Pagtapos nun lumabas na ko at naupo na sa dining table. Nanduon na si ate sa kabisera at nagbabasa ng diyaryo.
"si Mama?" tanong ko sa kanya
"tulog pa....kumain ka na jan" utos nitong hindi lumilingon sa akin. Abala ito sa pagbabasa ng diyaryo.
Nagsisimula na akong kumain ng makita kong sumulyap si ate sa akin. Sandali itong tumigil at ibinaba ang diyaryong binabasa. Hinawakan ang mukha ko at bahagyang ipinihit patagilid.
"anong nangyare jan? Bakit may sugat ka?" nakakunot ang noong sita niya
Naalala ko, wala pala siya kagabi ng mapansin din ni mama ang sugat ko.
"ahm.. na-aksidente po kahapon nung ngpa-practice kami ng volleyball" pagdadahilan ko.
Binitawan na ni Ate yung mukha ko.
"hindi kaya!" si Ella biglang nagsalita sa may gawing likuran. Hindi ko siya napansing lumabas ng banyo kanina. Naka school uniform na rin ito.
"Sabi ni Chacha, naghaharutan daw kayo kahapon ni ate Genie malapit sa bleacher tapos nakita niya nahulog ka dun sa hagdan" tuloy na kwento niya.
"totoo ba yun Andy?" baling na tanong sa akin ni Ate Lara pagkatapos niyang pakinggan ang sumbong ni Ella.
"h-hindi po yun totoo, naaksidente lang po talaga ako sa practice kahapon" pagmamatigas ko.
Lihim kong sinulyapan si Ella na nuoy nakaupo na at pinanlakihan ko ng mga mata. Waring nakaintindi naman ito at tahimik na lang na kumain.
Matiim lang akong pinagmasdan ni Ate at waring tinatantiya kung papaniwalaan yung sinabi ko.
"o siya, sige na, kumain na kayo at baka mahuli kayo sa klase" pamaya mayang sabi niya. Tila nakumbinsi ko ito at muli ng ibinaling ang atensyon sa binabasang diyaryo.
Buti na lang at hindi na ito nakipag diskusyon pa.
Masama man ang pakiramdam ko, hindi ko yun ipinahalata sa kanila dahi kapag dumaing ako, malamang hindi na ako papasukan nito. Siyempre ayokong mangyare yun dahil sa kabila ng nararamdaman ko na eexcite pa rin akong pumasok. Yun ay dahil magkikita kami ni Jamie ngayon. Isosoli ko yung cellphone niya na napulot ko.
BINABASA MO ANG
For Keeps (GxG) : (Slow Update)
Любовные романыKailangan bang tama ang pagmamahal na maramdaman mo pag dumating si "First Love?" Paano kung nagmahal ka nga, pero naramdaman mo ito sa maling tao at sa maling pagkakataon?susugal ka ba at posible bang pagbigyan ang puso kahit mali na sa mata ng iba...