Chapter 22 : Ignite

1.8K 78 9
                                    

Jamie's (POV)

"Hindi pa ba kayo nagkaka-ayos?" pukaw na tanong ni Janna mula sa likuran ko.

Dagli akong nagulat sa presensya niya dahil hindi ko naman akalain na bigla na lang ito susulpot gayong alam kong kasa-kasama nya si Genie kaninang lumabas.

Heto kami ngayon at nakatanghod sa mga Varsity player na nagpa-practice ng volleyball at Isa na nga duon ay si Andy. Pormal na syang kinuha ng eskuwelahan para maglaro sa Varsity team.

"ano ba kasing nangyari sa inyo ni Andy?" muling tanong ng katabi "after ng Victory party ay hindi na kayo nag-kibuan" dugtong nito ng hindi ako kumibo.

Maka-ilang beses na rin nya akong kinulit tungkol sa bagay na ito pero sa tuwina ay hindi ako kumikibo. .

Salungat sa pagpipigil na nararamdaman ko nuon, pakiramdam ko ngayon ay kailangan ko ng sabihin ang tunay na salooobin dahil ako mismo ay nahihirapan na sa sitwasyon.

Yumuko ako at bumuntong-hininga para paalpasin ang namumuong kirot sa aking puso Atsaka dahan-dahang hinarap ang kaibigan na kanina pa nag-aantay sa itutugon ko.

"crush ni Andy si Ashley" ang walang kagatol-gatol kong sabi habang matamang pinagmasdan ang kaharap para makita ang magiging reaction nito.

Nanlaki ang mga mata ni Janna kasabay ng bahagyang pag-awang ng bibig na tila hindi makapaniwala sa narinig.

"it can't be" komento nito ng makabawi kasunod ng pag-kunot ng noo.

I stared at her for a while at nag-antay na madugtungan ng paliwanag ang sinabi nya pero hindi na ito nagsalita. Naiiling akong yumuko at kinuha ang sariling gamit ng muli itong kumibo.

"hindi totoo yang sinasabi mo" tanggi nito na animo siguradong sigurado sa mga katagang binitawan.

Marahan muna akong tumayo bitbit ang mga gamit at muli itong kinausap.

"totoo, dahil ipinabasa ni Ashley sa akin yung love letter na galing daw sa admirer nya. and guess what?" then i pause.

Janna ceased her eyebrow and impatiently waiting sa mga sasabihin ko" ...yung penmanship na nanduon? it was Andy's" paliwanag ko dito sa kabila ng pagwawala ng sariling puso dahil sa pagsungaw ng hindi matawarang sakit.

"baka naman nagkakamali ka lang friend. pwede bang huwag ka na munang mag-overthinking lalo na at wala pang confirmation yan from Andy" react nito.

"ano bang confirmation ang kelangan kong manggaling sa kanya? hindi pa ba sapat yan?" sabay turo kila Andy na ngayon ay katabi si Ashley sa bleachers habang animo masayang-masaya na nag-uusap.

Kagyat na kumirot ang puso ko sa eksenang natunghayan, animo nilukaban ako ng hindi mawaring lungkot ng makita ang taong pumukaw ng damdamin ko na kapiling ang kaibigan kong kulang na lang ay kumandong sa kanya dahil sa paglapit ng katawan nito.

Tila napipilan naman ang katabi ko ng mapansin din nya kung gaano ka-sweet yung dalawa. Akala ko magsasawalang kibo na lang ito senyales na sumasang-ayon sya sa sinabi ko, pero nagkamali ako.

"you can't judge Andy by seeing them like that. alam ko napapansin mo na si Ashley lang naman ang lapit ng lapit duon sa tao. and knowing Andy, she's just being nice to her. alam mong hindi sya snob at kahit na nga sinong lumapit at mag-approach sa kanya ng maayos ay papansinin nya hindi ba?"

My point naman ang kaibigan ko, tama naman sya na isa yan sa traits ni Andy at Isa rin yan sa dahilan kung bakit napamahal sya sa akin. Pero masyado syang mabait at naiinis ako dahil hindi man lang sya umaalma sa harap-harapang panglalandi ni Ashley.

For Keeps (GxG) : (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon