Jamie's (POV)
" Girl, huwag mo masyadong isipin yun,.. don't you worry,sure ako na mahal ka rin nya " nanunuksong sabi ni Janna sa akin.
May sa pusa yata itong kaibigan ko at nakalapit sa pwesto ko ng hindi man lang namamalayan dahilan kung bakit napukaw nya ang atensyon ko.
I ignore her kasunod ng pagyuko at nagkunwaring abala sa paglalabas ng mga decoration na gagamitin. Kasalukuyan kaming nasa stage at nag-pe-prepare maglagay ng decoration para sa victory party na gaganapin bukas ng gabi.
Hindi pa rin ako umiimik habang ang lukaret kong kaibigan ay tinatapunan ako ng nanunuksong ngiti. Kung bakit naman kasi nahuli pa ako nitong nakatulala at nakangiti sa kawalan.
Oh well, hindi ko rin naman kasi yuon naiwasan ng biglang pinatugtog ni si Mr. DJ ang isang pamilyar na kanta.
" catchy right?? " pukaw ni Janna
"what??" kunot noong tanong ko na animo hindi nadinig ang sinabi nya.
" yung kanta.. ang ganda di ba? " nakangiting biro nito. Nang-aasar ang itsura at pataas-taas ang kilay na nakatingin sa akin habang sinasabayan ang kanta.
Dito ka lang sa puso ko ¶♯¶
'Wag mangamba ikaw lang ang narito ¶♯¶
Umasa kang 'di magbabago ¶♯¶
Damdaming para sa'yo ¶♯¶
Hindi pa ito nakuntento at ngayon ay sumasayaw sayaw na rin, papikit-pikit pa na manaka-nakang napapahawak sa dibdib habang kumakanta. Feel na feel ng loka-loka kong kaibigan ang ginagawa nya.
Dito ka lang sa buhay ko ¶♯¶
Tanging ikaw sigaw ng pusong ito ¶♯¶
Hindi ka na luluha pang muli ¶♯¶
"baliw!" tangi ko na lang nasabi ng wala pa ring balak tumigil sa ginagawa nyang pang-aasar. Iiling-iling akong tumalikod at binuhat ang decoration sa gilid ng stage.
"kunwari ka pa girl, .. alam ko naman na kaya natulala dahil sa kanta na yan.. hulaan ko.. may naalala ka bigla noh?? " sabi nya ng makasunod sa akin
"m-mukha mo may naalala!" supla ko sa kanya.
"wushu!.. wag ka ng mag-deny jan.. ramdam ko naman eh.. aminin mo na kasi " patuloy na pang-aalaska nya.
"wag ka nga jan!.." sawata ko kahit halos sumungaw na ang pigil na ngiti.
Pero teka ... Halatado na ba ako masyado?
I mean alam kong napapansin na ni Janna kung anong nararamdaman ko at base na rin sa panunukso nya, mukhang kilala nya yung taong involve.
Pero kung totoo ngang nakakatunog na ito.
Is it possible na pati ang mga tao na nakakasalamuha ko ng madalas ay nakakahalata na rin?
Oh my! Is it really obvious ??
Medyo nag-worry ako sa isiping iyon. I swear, pinipilit ko namang itago ang nararamdaman ko.It's just that, my mga oras na hindi ko napipigilan. Kagaya na lang ngayon. When I heard that song, iisang tao lang ang pumasok sa isip ko and It was - Andy.
Paano ba naman kasi, that was the song na kinakanta nya kaninang umaga when I caught her playing the guitar kasama ng mga kaibigan nya. Tumigil nga lang agad ito ng makita akong papalapit sa kanila. Nahihiya itong ipanasa ang gitara kay Genie at tumanggi na uling tumugtog ng pilitin sya ng barkada.
BINABASA MO ANG
For Keeps (GxG) : (Slow Update)
RomanceKailangan bang tama ang pagmamahal na maramdaman mo pag dumating si "First Love?" Paano kung nagmahal ka nga, pero naramdaman mo ito sa maling tao at sa maling pagkakataon?susugal ka ba at posible bang pagbigyan ang puso kahit mali na sa mata ng iba...