C2-GONE AND ALIVE

56 2 0
                                    

~·~·~·~·~·~♡♥♡·~·~·~·~·~·~·

| THEA |

I am Thea Aldama.

I am the only daugter of Prosecutor Thimoty Aldama. And a finest Dr. Jenny Aldama.

Sabi nila lahat daw ng bagay dito sa mundo nasa akin na.

Well, totoo.

Mayaman ako, maganda, popular, matalino at kinaiinggitan.

Pero lahat ng yan.

Kaya kong ipagpalit sa isang taong gustong-gusto ko.

Si Hendrix Chan.

Kababata ko. Mula elementary ay sya lang ang nag-iisang taong hinangad kong maging akin.

Pero hanggang kaibigan lang ang turing nya sakin.

Alam mo kung bakit?

Dahil may gusto sya sa isang babaeng kinaiinisan ko sa lahat.

Si Trina Marquez.

Mula ng maging kaklase ko sya noong grade two ay inagaw na nya ang lahat na dapat ay sakin.

Mga kaibigan, atensyon, medalya at si Hendrix.

Matalino daw kasi sya. Mabait, magalang, mapagmahal at maamo ang mukha.

Kaya ko namang ipaubaya ang mga bagay na gusto nyang makuha. Pero wag lang si Hendrix.

Pero dumating ang point na halos mabaliw na si Hendrix sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang pagka gusto ni Hendrix kay Trina. Siguro ay ginayuma nya ito.

Hindi ako ang naging valedictorian nang grumaduate kami ng elementary dahil napunta iyon kay Trina.

Pinagalitan ako ng parents ko pero hindi ko dinibdib dahil nasa tabi ko naman si Hendrix at inaalo ako. Kaso wala na yatang ibang alam ang utak nya at bibig kundi si Trina. Mas lalong nadagdagan ang mga dahilan para mainis ako sa hampas lupang iyon.

Nang mag freshmen kami sa high school ay mas naging showy si Hendrix kay Trina sa damdamin nya. Na lalong nag papa-kulo ng dugo ko.

Minsang kinompronta ko si Trina sa loob ng restroom.

"Do you have feelings for Hendrix?" Mataray kong tanong.

Nakita ko ang takot sa mata nya kaya napa smirck ako. Sino nga naman bang gustong banggain ang isang Thea Aldama?

"Wala" mahina nyang sagot.

"Good. Don't you dare, you know what can I able to do right?"

Naging mas mailap si Trina kay Hendrix pagkatapos ng pagbabanta ko sa kanya. Pero mas naging dahilan iyon para mas maging masugid si Hendrix sa kanya.

Lalo akong nainis ng mag organize ng isang surprise si Hendrix para kay Trina, nang mag valentines.

"Hendrix what the hell are you doing?" Kumpontra ko sa kanya.

Nginitian nya lang ako at niyakap.
"This is the right day Thea! I will prupose to Trina to be my girlfriend. Cheer me up bestfriend!"

Para akong nanlumo sa sinabi nya.
"You can't Hendrix. Wag mong gawin 'to" halos gusto ko nang magmakaawa sa kanya ng panahong iyon.

"Why?" Taka nyang tanong. "Oh wait! Nandyan na sya!"

Dumating nga si Trina na gula't na gulat. Gusto ko syang sabunutan sa mga oras na iyon at ingudngod sa kanal. Lahat nalang Trina! Lahat nalang!

Para akong nawawalan ng hininga ng lumuhod na si Hendrix kay Trina at tanungin ito ng..

"Trina Marquez. Can you please be my girlfriend?"

HIGHSCHOOL REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon