C17-AGAIN

23 1 0
                                    

·~·~·~·~·~·~·~♡♥♡·~·~·~·~·~·~·

|Thea PoV |

I stop scrolling my phone ng malapit na kami sa gate ng house.

I contacted someone para malaman ko ang background ni Lucas Sevilla. If I am right, no I'm always right. May alam sya sa pag h-hacking. Konektado sya sa mga nangyari two weeks ago sa IT subject namin.

"I will make sure, na lahat ng babangga sakin ay talagang may kalalagyan. Lets just see"

"Nandyan na naman ang batang 'yan" tumaas ang isa kong kilay kay Manong na driver ko.

Tumingin ako sa labas kung san sya nakatingin. May isang lalaki na tila kaedad ko lamang ang nakatayo sa labas ng gate namin. Ilang araw ko na ring napapansin ang pabalik-balik nya sa tapat ng gate namin.

Bumukas na ang automatic gate namin kaya muling pinaandar ni manong ang sasakyan papasok. Tumabi yung lalaki habang naka tingin sa tinted car namin. Bigla pa akong napa-atras ng lumapit sya sa bintana na katapat ko. Parang may isinisigaw sya na di ko marinig habang pinapalo ang salamin.

"What the hell!? Pano nakapasok yan sa subdivision?" Sigaw ko kay manong.

"Pasensya na ho ma'am. Hindi ko rin ho alam"

Agad akong lumabas ng kotse at di na hinintay na pagbuksan pa nang makapasok na kami sa garahe ng bahay.

"Parang awa nyo na! Gusto ko pong maka usap ang judge! Parang awa nyo na po!"

Naningkit ang mata ko sa mga katulong at gwardya namin na parang di yata alam kung pano patatahimikin ang bwisit na pulubing iyon.

Tsk!

Nasa dining area kami ngayong tatlo at sabay-sabay na nag d-dinner. Ngumiti ako kay mommy, minsan lang kasing mangyaring nandito kaming lahat at kumakain.

"Hows the first case honey?"malambing na tanong ni mom kay dad.

Umangat ako ng tingin kay daddy para alamin ang sagot. Isa na ngayong judge si daddy at mukhang may bagong kaso na sya.

"Masyadong madali ang kaso na pinapahirap lang ng mga lawyers." Sagot ni dad.

"'Yung batang lalaki po ba na laging nasa labas ng gate ay isa sa mga kaanak ng akusado?" Tumingin sakin si dad bago tumango.

"Ang tatay nya ang akusado. Isa syang janitor sa isang condo building. Nagnakaw sya at pumatay ng tao"

Napakagat ako ng ibabang labi. Iniiwasan kong mapangiti. Baka kasi kung anong isipin ni dad. I'm just really happy na nag k-kwentuhan na kami ng ganito. Konting tiis nalang, makukuha ko na ulit ang loob ni dad.

Monday.

Maaga akong umalis sa bahay sakay ng bmw namin. Kakalabas palang namin mula sa gate ng exclusive subdivision ng may matanggap akong txt mula sa source ko. I grin ng mabasa na mayroon na kagad syang personal background ng kakaklse kong si Sevilla. I se-send nalang daw nya ito sa e-mail ko. I replied na gusto kong lahat-lahat ng impormasyon tungkol sa lalaking iyon ang dapat na ibigay nya sakin. Hindi ako kumikilos na kulang sa information sa mga taong pinagpaplanuhan ko. I'm smarter than what people may think of me. And I always make sure na walang sasangkot na pangalan ko sa pagkaka taong ito. I already learned my lesson.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan para tingnan ang nasa unahan. Psh! Wala naman kami sa edsa pero traffic na kagad ang bubungad, hindi pa nga kami nakakalayo sa subdivision.

Lumingon ako sa kaliwa ko ng matigilan ako sa nakikita. Lumapit pa ako ng mas maigi at binuksan ang bintana ng sasakyan.

'Yung batang lalaki kahapon na laging nasa labas ng gate namin para hintayin si dad. Nasa harapan sya ng bakod ng subdivision. Palinga-linga sya sa paligid. Tumingala rin sya sa may kataasang pader ng subdivision.

HIGHSCHOOL REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon