·~·~·~·~·~·~·~♡♥♡·~·~·~·~·~·~·| DAN |
Maaari bang mainis o makaramdam ka ng di maganda sa isang tao, kahit na wala naman itong ginagawa sayo?
Yung bang di mo talaga sya feel, o makita mo palang sya bad vibes ka na agad at feeling mo ay biglang naging instant bad day na ang araw mo kahit di pa nga tapos.
Kung ganun ang eksplenasyon ko sa nararamdaman ko towards my new classmate Thea, siguro nga ay totoong maari kang mainis sa isang taong wala namang ginagawang masama sayo.
Basta ayaw ko lang sa kanya.
"Saan kang school galing Thea?" Tanong ni Bea sa katabi nya.
"Sa ChinWa high school, chinese school sya sa probinsya namin" sagot niThea na nakangiti. Well, kanina pa sya ngiti ng ngiti. At kanina parin ako naiirita sa mga ngiting iyon. Mukhang anghel si Thea na para bang di gagawa ng kung anong masama, pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya.
Tumango sila Bea at Mia.
"Eh, bat nag transfer ka dito?" Si Mia naman ang nagtanong."Hindi ba halata? Hindi kasi sya chinese" napatingin kaming lahat kay Toby na syang sumabat pero tuloy-tuloy lang ang pagkain nito.
"Napaka corny talaga ng joke mo!" Singhal ni Bea sa kanya.
"Joke pala yun? Di ko kagad na gets" wika ni Mia na seryoso habang nagkakamot sa ulo kaya napangiti ako.
"Haaay! Isa ka pa" naiinis na wika ni Bea kay Mia.
"Hindi naman kasi joke yun. Totoo naman di ba?! Di ka naman chinese?" Baling ni Toby kay Thea.
Napatigil si Thea "ah..oo hindi nga ako chinese-
"O di ba!- nagmamalaking wika ni Toby.
"Aish! Wag ka na ngang sumabat!" Pinandilatan ni Bea ng mata si Toby.
"Ang aarte nyong mga amasona kayo, makaalis na nga" reklamo naman ni Toby sabay tayo.
"Gora na! Hindi ka naman talaga dapat nakikisali sa girls talk" Taboy naman ni Bea.
"Girls talk ah?! Asa" tumingin muna sakin si Toby. "Sayo na yang fries ko, magpataba ka nga"
Tiningnan ko sya "hindi ako kumakain ng tira-tira" . Inaasar ko lang naman sya. Nakita ko naman kanina na hindi nya talaga ginalaw ang frenchfries nya.
"Arte" isnob nya sabay alis na.
"Naku may attitude talaga yang si Toby! Ganyan ba talaga yan since birth?" Tanong kagad sakin ni Bea pagkalayo ni Toby.
Since birth? Ang alam ko kasi noong mga bata pa kami ay makulit na talagang tao si Toby at highper. Madalas na sinusungitan ko sya dahil sa kakulitan nya. Pero masasabi ko na isa si Toby sa mga taong nagkaroon ng malaking parte ng alaala ng childhood ko maliban sa mama't papa ko.
"Mas naging pikon at antukin lang sya ngayon kesa dati but totally, wala namang nagbago sa ugali nya mula nung bata pa kami" paliwanag ko na tinanguan nila Bea.
"Mga bata pa kayo? So..matagal na kayong magkakilala? Sabay kayong lumaki mula noon pa?"
Napatingin ako sa kaharap ko na biglang nagtanong. Tinitigan ko lang sya. Para kasing naninigurado o parang masyado yata syang curious?"Oo" tipid kong sagot.
Ngumiti lang sya sakin na parang napahiya. "Aaahhhh.."
"Eh ikaw Thea, saang lugar ka lumaki?" Baling ni Mia kay Thea.
"Sa Batangas ako lumaki"
Batangas?
"Ma san nyo po ako natagpuan?" Tanong ko kay mama, ilang araw matapos kong magising.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL REVENGE
Ficção Adolescente~·~·~·♡♥♡·~·~·~ Si Trina Marquez ay isang ordinaryong high school student lamang. Ordinaryo-means..binubuhusan ng tubig, binabato ng itlog, ni l-lock sa banyo, pinag tatawanan at pinapahiya. Ganyan ang ginagawa sa kanya ng no. 1 bully nya na si Thea...