C9-HER SIDE

20 1 0
                                    


·~·~·~·~·~··~♡♥♡~·~·~·~·~·~·

| TOBY |

Dere-deretso akong pumasok sa main door ng bahay ng may makasalubong akong kasambahay namin.

Ngumiti sya sakin at yumuko tyaka umalis.

Napa-buntong hininga ako. Kung ganon pala ay nandito sya ngayon.
Ba't ba di ko napansin kanina palang na hindi naka lock ang main door?

Agad syang sumulpot sa harapan ko na mukhang kagagaling lang sa taas. "Oh hijo, kakauwi mo lang?" Masiglang tanong nya sakin.

Ganon parin ang ayos nya at mukha kahit mga..ilang buwan na nga ba mula ng huli ko syang makita?

"Obvious naman tanda, ano pang ginagawa mo dito? Akala ko bumalik ka na sa states ngayon, nung friday ka pa dumating di ba?" Nag-tataka kong tanong sa lolo ko. Dumeretso ako sa sofa ng sala at doon naupo, sumunod rin sya sakin at nagpa abot ng tsaa nya sa maid.

"Tsk. Tsk. Di ba't sinabi ko na sayong pa-itimin mo na yang buhok mo. Mukha kang sanggano, may na bibighani pa bang dalaga nyan sayo?" Halatang natatawa sya sa pinag sasabi nyang saway sakin. Nginiwian ko lang sya. Hanggang ngayon ay wala parin itong pinag-bago.

Sya si Sergio Thomas Ponce. Isang negosyante at may-ari ng pinapasukan kong eskwelahan. Tatay sya ang nanay ko kaya hindi ko sya ka-epilyido. Minsan lang syang umuwi dito, naka base kasi sya sa states dahil nandoon ang main office nya at karamihang negosyo.

Nalaman ko agad na nandito sya't umuwi ng makasalubong ko ang isang kasambahay namin kanina. Weekdays ngayon kaya walang ibang tao dapat sa bahay na 'to kundi ako lang. Every weekend lang kasi ako nagpapa-punta ng kasambahay. Kaya nalaman ko agad na dumating si tanda dahil may maid na dapat na umasikaso sa kanya.

Anim na taong gulang palang ako ng maghiwalay ang parents ko dahil sa kanya-kanya nilang dahilan na wala akong pakealam. Nasa states ngayon ang nanay ko at nagta-trabaho kay lolo. Ang tatay ko naman ay isang chemical engineer na naka base sa mindanao. Matagal na akong mag-isa sa bahay na 'to.

"Kelan ka ba uuwi?" Tanong ko sa kaharap ko na mukhang nag-eenjoy sa tsaa nya.

Hindi naman sa rude ako sa lolo ko. Sabi ko nga, gwapo lang ako pero di ako rude. Ganto lang talaga kaming dalawa mag-usap. Mas prefer ko pa nga na sya ang dumadalaw sakin kesa sa kahit na sino sa mga magulang ko. Palagi kasi nilang ini-insist na sumama ako sa isa sa kanila.

"May mga dala akong bagong video games, nasa kwarto mo na" hindi nya sinagot ang tanong ko.

"Salamat" oh! Di ba, hindi nga ako rude.

"Kamusta ang academy?"

"Nag pa-program ka dun nung friday tas tatanungin mo pa ako" nakakaloko din to' minsang si tanda.

Tumawa sya sa sagot ko. "Ang ibig kong sabihin ay kung makaka graduate ka ba?"

"Depende yun sayo" wika ko. Kaya ko namang grumaduate kung gugustuhin ko. Naisip ko nga na mukhang kelangan ko na nga sigurong mag-aral para makatapos. Ayoko namang maiwan at masabihang repeater. Dose na nga ang taon na gugugulin ko bago mag-college, dadagdagan ko pa.

Inilapag nya ang tsaa nya sa mesa at humawak sa baba nya.

"May problema raw ngayon sa St. Lawrence?"

Siguradong 'yung issue sa IT subject ang tinutukoy nya.

"Ano sa tingin mo?" Baling ulit ni tanda sakin.

"Tsk! Sa tingin ko? Bakit, tinatago parin nila sayo?" Well, siguradong hindi naman nila ipapa abot ang gantong problema sa presidente.

"I'm just thinking kung may magagawa ka ba sa problemang 'to"

HIGHSCHOOL REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon