·~·~·~·~·~·~·~♡♥♡·~·~·~·~·~·~·~| Daniella ♡ |
*dingdong*
Napahinto ako sa pagbabasa ng isang old novel book na nabili
ko kahapon ng madaan ako sa bookstore. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa L-shape naming sofa para puntahan ang nag d-doorbell. Nasalubong ko pa si Manang Berta ng malapit na ako sa pinto. Sya ang kasamabahay namin, hindi sya stay in at tuwing umaga lang nandito o kaya pag may mga panahong kelangan sya."Ako nalang po ang magbubukas nang, mukhang mga kaklase ko po yata ang nag doorbell" pigil ko kay Manang.
Ngumiti sya sakin at tumango. "A, sige Daniella. Itutuloy ko nalang ang pagluluto" umalis nga sya at bumalik sa kusina.
Tumingin muna ako sa wall clock na malapit sa sala bago binuksan ang pinto. Ang usapan namin ay eleven o' clock sila pumunta dito pero twelve fifteen na. Mga filipino time talaga.
"Daniella!" Matinis na sigaw ng pangalan ko ni Bea at Mia pagkabukas ko sa kanila sa gate.
Niyakap nila ako ng sabay kaya medyo napa-atras ako.
"Parang hindi kayo nagkita ng ilang taon ah, ang o-oa nyo talaga" relamo ni Toby na inirapan lang ni Bea.
"Inggit ka lang! Hindi ka kasi nya pinapansin" asar ni Bea kay Toby.
Natigilan si Toby sa sinabi ni Bea, kahit nga ako. Pano, halos ilang araw ko na syang ini-snob at hindi iniimik. Hindi naman sya nagtatanong kung ba't ganun ako sa kanya, na mas ok sakin dahil di ko rin alam ang isasagot ko sakali mang mag tanong sya. Bakit nga ba? Basta!
Naunang pumasok sa loob si Toby na akala mo ay syang may-ari ng bahay.Napansin kong nakatayo sa isang gilid si Lucas habang nakahawak sa strap ng bagpack nya. Kagrupo ko nga rin pala sya.
"It's so mainit na here Dan, pasok na tayo sa loob" reklamo ni Bea habang nagpapaypay sa sarili.
"Vitamin D din yan Bea, tingnan mo skin ko. Medyo tan na, bagay ba sakin?" Mia giggled.
"Vitamin D ka dyan! Ultra..ultra..basta UV rays! Nakakasira yan ng skin! At hindi bagay sayo no" sagot naman ni Bea na tila ika-iiyak yata ni Mia.
Napangiti lang ako. Ganyan talaga ang tunay na kaibigan, kahit masakit pero totoo at honest.
"Tara na nga, pasok na tayo. Deretso lunch na rin tayo, ang tagal nyo e" yaya ko sa kanila. Bumaling ako kay Lucas na nakamasid lang samin. "Glad you came, pasok na tayo sa loob" tumango sya sakin at bahagyang ngumiti.
Habang papasok kami ay may tila sasakyang tumigil sa harapan ng gate. Napalingon ako't napahinto.
Lumabas sa isang black bmw na sasakyan ang isang maputing babae na naka pink dress and butterfly sunglasses. Tila naging anghel ang mga ngiti nya ng masikatan sya ng araw.
"Wow! Ang bongga ng entrance ni Thea" malakas na wika ni Bea sa likod ko.
Nakalimutan kong ka member ko rin pala sya sa grupo.
Bumalik ako sa gate para pag-buksan ang bagong dating. Tinanggal nit Thea ang salamin nya habang nakangiting bumungad sakin. Tiningnan nya muna ang kabuuan ng bahay namin na ikinataas ng kilay ko.
"Is this your house?" Mahinhin nyang tanong.
"Pasok" sagot ko na bahagyang ikinatanggal ng ngiti nya.
Pinauna ko muna syang pumasok para ma sara ko ang gate. Sinalubong ni Bea at Mia si Thea na tila nanunuri parin ng paligid.
Medyo may kalakihan ang bahay namin at puno ng halaman na mga tanim namin ni mama ang labas. Kulay puti at mint green ang kabuuang kulay ng pintura na mas nag paaliwalas ng tanawin nito.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL REVENGE
Teen Fiction~·~·~·♡♥♡·~·~·~ Si Trina Marquez ay isang ordinaryong high school student lamang. Ordinaryo-means..binubuhusan ng tubig, binabato ng itlog, ni l-lock sa banyo, pinag tatawanan at pinapahiya. Ganyan ang ginagawa sa kanya ng no. 1 bully nya na si Thea...