C20-TROUBLE

19 1 2
                                    


~·~·~·~·~·~♡♥♡~·~·~·~·~·~·~

Mia POv

Grabe ang sakit. Alam mo 'yung pakiramdam na nag-iisa ka lang sa mundo? Iniwan ka lahat ng taong akala mo nag-mamahal sayo? 'Yung pakiramdam na di ka makahinga sa sobrang sakit? Ang sakit-sakit!!!!!!

Halos maubos na ang isang box ng klenex sa kakapahid ng pisngi kong tiyak na namumula na ngayon sa kaka-punas ko.

I just can't really stop my overflowing emotions right now! It badly hurts, really hurts. Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu...argkfnajsnshzgbsxj! Boogsh!

Parang gripong naputulan ng Meralco at biglang tumigang ang mata ko sa kakatulo. May kung anong bagay ang tumama sa ulo ko dahilan upang mapayuko ako at mapatigil sa pag-luha.

"You look so stupid, Mia Lin" wika ng isang kutong lupang may kasing laking utak ni jimmy neutron, na walang paalam na pumasok ng kwarto ko.

"And by the way, its Nawasa  not Meralco. Dinner time" walang gana parin nitong wika.

"Oo na! Ikaw na matalino! Kainis, hish!" Kapag talaga nagkaroon ng pagkakataon, gagawa ako ng worth it na ending ng isang drama! Hindi 'yung may pinapatay o na-aaksidenteng 2nd leading man! Itaga nyo yan sa poste ng Nawasa! At oo! May second leading man syndrome ako! Sa mga gets yan, apir tayo.

"Namamaga na naman ang mga mata mo" disappointed na wika ni Dan. Alam na nya kasi kagad ang dahilan, automatic na!

Napa-pout lang ako. Nahihiya ako kay Dan, magka-chat pa kasi kami kagabi bago ako manood ng kdrama, pinaalala nya ang mga dapat ireview para sa exams. Hay! Kahit ano kasing gawin ko ay inaantok talaga ako pag nakaharap na sa kahit na anong textbook o reviewer. Tapos pag-humiga naman ako sa kama para matulog ng maaga para magising ako ng maaga, at sa morning nalang mag basa ay tsaka naman ako di aantukin. Tas, para antukin papagurin ko nalang ang mga mata ko. Dapat hanggang two to three episodes lang ang papanoorin ko kaso..waahh!! Bitin talaga! Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko! It was entirely my fault! And those fucking amazing kdramas!

"Don't bother Mia, I mean Dan. Kahit na kailan naman ay di na bother yang si Mia lin pag exams na ang pinag-uusapan. Don't be hurt beh ah" Bea suddenly interfere with us kahit di pa nya nalalapag sa upuan nya ang bitbit na bag. Dumeretso talaga samin para maki-realtalk.

Sinimangutan ko lang sya sa bluntness nya, sanay narin naman ako. Isa pa, totoo naman!

"Kasi, babes. The exam was already moved next week"

My God! Yung nanliliit kong mata dahil sa antok ay tila lumaki at nakakita ng K-pop idol true to life. Hihi. Humarap ako Kay Bea at ngumisi na parang ewan.

"Wow bes! Katakot yang ngisi mo ah...Dan tingnan mo nga si Mia parang timang. Kadiri..Ew!"  Maarteng wika ni Bea na kala mo nakakita ng psycho na murdurer.

Samantalang si Dan naman ay nakayuko lang at tila malalim ang iniisip. Na pa pout tuloy ako. Lam, mo yun. Yang mga gaya ni Dan talaga ang pinaka unang nalulungkot kapag may ganyang balita. Mga genius. Hmp. Kelan kaya ako magiging ganyan? Nge. Never yata. Huhuhu.

~°~°~°~°~°~°~

DAN POV

So it was moved. Hmm..ano kaya ang aksyong ginagawa ng faculty sa problemang to?

"At ano naman daw ang dahilan at na move ang exam?" Tanong ni Analyn sa kabilang mesa.

Napalabi si Bea pagkatingin ko sa kanya.

"I dunno, it was not actually clear guys. Kasi di ba like never pang nangyaring na na moved ang exams, as in never"

Sumang-ayon ang mga classmate kong nakarinig sa sinabi ni Bea.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIGHSCHOOL REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon