C4-TRANSFEREE

33 1 0
                                    


·~·~·~·~·~·~♡♥♡·~·~·~·~·~·~·~

| DAN  |

"Padating na si Sir.!"

Napatigil sa pagkukulitan at napabalik sa kanya-kanyang upuan nila ang mga classmates ko ng marinig ang anunsyo ng kararating naming classmate galing sa labas.

Agad ko ring tinago ang cellphone ko sa ilalim ng desk.

"Good morning class. Sorry for being late, may inasikaso lang akong impotante" bati ni Sir. Chavez at paliwanag nya.

Siguro nga ay may importanteng ginawa si Sir. Kilala kasi syang masipag at sobrang time concious na tao kaya isa sya sa paborito kong teacher.

Sabay-sabay rin naming binati si Sir.

Nag-taas ng kamay si Bea.

"Yes Ms. Bueno?" Pansin ni Sir sa kanya.

Napalingon din ako kay Bea at ang halos lahat ng tao sa room. Maliban kay Toby na tulog na tulog.

Nahuhulaan ko na rin ang balak nyang sabihin. Exited talaga sya ah!

"Ah kasi Sir...di ba po dapat ngayon ang election? Di na naman po ba matutuloy?" Halata ang panghihinayang ni Bea, ilang araw narin kasing di natutuloy ang class election na commonly ay  dapat na noon pang first week ng abre klase.

Nagreklamo rin ang iba kong classmate na agad ding sinuway ni Sir.

"Actually class, I really planned na today ang class election to give all of you time to know each other more para mas may idea kayo sa kung sino ang dapat na iboto. But the thing is, may bigla akong inasikaso kanina. So, definitely the class election will be happen tommorrow? Is that ok?" Paliwanag ni Sir na tinanguan naming lahat.

"Kahit naman po di ok Sir eh wala naman po kaming magagawa" reklamo ulit ni Bea na naka simangot.

Napa smirck ako sa ka-dramahan ni Bea. Pasimple kong kinuha ang cp ko sa ilalim ng desk.

[To: Bea   ]

[ arte :-P]

Send.

Nakita kong napatingin sya sa phone nyang umilaw na nasa ibabaw lang ng desk nya. Pagkatapos nyang basahin ang text ko ay tumingin rin sya sakin at binelatan ako, kaya tinaasan ko lang sya ng kilay. Well, ganto lang talaga kami.

Nakaramdam ako ng parang may sumipa sa likod, sa ilalim ng upuan ko. Sumandig ako sa sandigan ng upuan ko para marinig ko si Mia.

"Ang daya nyong dalawa di nyo ako sinasali" bulong ni Mia sa likod ko.

"It's nothing " Bulong ko rin.

"Tsk!" Reklamo nya.

"Sir ano po bang inasikaso nyo?" Tanong ng isa kong classmate.

Tumango si Sir. "There's a new transferee kasi-

Hindi pa tapos si Sir ay naghiyawan na ang mga classmates kong lalaki.

"Babae ba Sir?!" Exited nilang tanong.

Napahiyaw ulit sila ng tumango si Sir. Nagreklamo naman sa kaingayan ng mga lalake ang mga babae.

"Ok behave class. Ms. Aldama you can now come in"

Ibabalik ko na sana ang cp ko sa ilalim ng desk ng malaglag ang ballpen ko sa ilalim kasabay ng pag-papapasok ni Sir sa transferee.

Yumuko ako para hanapin ang ballpen.

Saan ba tumalsik 'yon? Hindi ko kasi makita, paborito ko pa naman ang brown pen na 'iyon.

HIGHSCHOOL REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon