·~·~·~·~·~·~♡♥♡·~·~·~·~·~·~| 3rd person POV |
Nasa loob ng IT laboratory si Ms. Dizon at nagpaiwan mag-isa pagkatapos ng klase nya. Naka-upo sya't naka tutok sa monitor ng main computer ng lab. Pinag-iisipan nyang mabuti kung pano ba talaga nangyaring na hack ang account nya.
Sa ngayon, matapos umamim ni Thea kaninang umaga ay pakiramdam nya'y nag sasabi naman ito ng totoo. Natatakot lang siguro ang estudyante na mapahiya at pagalitan ng parents nya kaya tila balisa ito. Pero sino nga ba ang pwede pang ibang suspect? Estudyante nga ba? Masyadong malinis ang pagakaka pasok sa account nya.
Kinalikot nyang muli ang keyboard at tiningnan ang software settings at history ng website nila at ng mismong computer.
Napatigil sya sa ginagawa ng may maalala.
Sa natatandaan nya noong friday matapos nyang i-dismiss ang senior 2-A ay naiwan syang mag-isa sa lab. Mayamaya ay may natanggap syang isang e-mail. Ngunit di nya matandaan kung binuksan nga ba nya ito o hindi. Hindi nya napatay ang mga computers dahil sa pagmamadali ng makita kung anong oras na. At pagbalik nya sa room ay naka log-out naman ang account nya, pero wala na syang mahagilap na files ng senior 2-A.
"Ahh!!" Nasabunot sya sa ulo nya. "Nakaka stress, so ano to? A highschool student hacker? Pero sino? Who's the second suspect?"
| THEA |
Naglalakad akong mag-isa sa hallway papuntang locker, nagpa-huli talaga ako para wala akong makasabay na kahit na sino sa mga classmates ko. P. E time na kasi at kelangang magpalit ng p.e uniform.
Na b-bwisit parin ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko sa pesteng paaralang 'to! Para akong na t-trauma at bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari sa St. Paul academy noon at sa iba pang paaralang nilipatan ko. They are all sucks! This school is sucks! I am totally fuck up! Wala na yatang masasabing maganda sa buhay ko ngayon! At dahil itong lahat sa Trinang iyon!
Hindi ako makapaniwala sa multo ni Trinang si Daniella, alam na alam nya kung pano maglaro ng sitwasyon. Masasabing mautak nga sya at dahil don' ay bwisit na bwisit ako ng mas matindi sa kanya. Hindi nya lang basta kamukha si Trina kundi katulad at isa rin syang peste sa buhay ko!
Napatigil ako at napasandig bigla sa pader ng hallway ng ma-out of balance dahil may sumagi sakin. Mula ng kausapin ako nila Sir. Chavez sa detention room kahapon ay nagsimula na rin sila sa mga pasimple nilang pam b-bully. Mukhang gumaganti sila sakin dahil akala nila ay ako ang may kasalan sa nawawalang pesteng files! E, ano naman bang alam ko sa hacking?! They are all such an ignorant and stupid!
"Oops! Paraharang-harang ka kasi, e" ani ng isang babae na painosente kasama ng isa pang ka level nyang pangit!
Mukhang classmate ko yata sila na ka tropa ng feelingerang bruhang, kamukhang kamukha ng pangit na version ng kapangalan nyang si Fiona.Umalis sila agad na mukhang tuwang-tuwa na hindi ko sila ginantihan.
Tumayo ako ng tuwid at nag umpisa muling maglakad. "Poor, bitch!" Mga walang kwenta, patulak-tulak? Ako pa talaga ang ginaganyan nila ah? Sabagay, walang kahit na sino sa kanila ang nakakakilala sa tunay na Thea Aldama. But I will make sure, mag hintay lang sila. Malapit na nilang maranasan ang tunay na pag-ganti.
Nakarating ako sa locker area na mukhang tahimik. Nakapag bihis na siguro silang lahat at nasa gym na, buti naman.
Ina-unlock ko ang susi sa locker ko ngunit pagka bukas ko nito ay biglang-
Napanganga ako at nagulat dahil sa basang naramdaman ko. Inangat ko ang braso ko at nakita ang malagkit na kulay violet na liquid na sobra ring baho.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL REVENGE
Novela Juvenil~·~·~·♡♥♡·~·~·~ Si Trina Marquez ay isang ordinaryong high school student lamang. Ordinaryo-means..binubuhusan ng tubig, binabato ng itlog, ni l-lock sa banyo, pinag tatawanan at pinapahiya. Ganyan ang ginagawa sa kanya ng no. 1 bully nya na si Thea...