·~·~·~·~·~·~·♡♥♡·~·~·~·~·~·~·~| LUCAS |
Nakasakay ako ngayon sa tricycle pauwi. Nilabas ko ang perang napalanunan ko sa pustahan sa dota kanina. Napangiti ako sa instant 300 pesos na hawak ko.
"Mga weak" wika ko sa sarili ko. Ang yayabang kasi ng mga humamon sakin kanina sa computer shop, e weak naman pala. Napakadaling pasukin ng account nila at lagasan ng kill.
Nag-bayad ako sa tricycle driver at bumaba. Pagpasok ko palang ng gate ng bahay ay rinig na rinig ko na ang boses ng mama ko.
"Hindi mo na sana kasi pinatulan! Alam mo namang kapitan ang tatay ng batang 'yon! Tapos ano pa? Pamangkin ni Mrs. Tapia!"
Naabutan ko sa loob pagka-pasok ko ang nakapamewang kong ina habang nakaharap sa nanonood ng tv kong ama. Nagkakahalo-halo na ang tunog galing sa pinapanood na basketball ni papa sa t.v at ang nagtatalak na si mama.
"Oh! Lucas nandyan ka na pala" nagmano ako kay papa.
"Bakit ngayon ka lang? Ala' sais na ah, ala's kwatro ang uwi nyo di ba?" Tanong kagad ni mama paglapit ko sa kanya para mag mano.
"Library" sagot ko ng maikli.
Umalis kagad ako sa harapan nila at dumeretso sa kwarto. Siguradong magtatalak na naman kasi si mama pag nagtagal pa ako sa harapan nila.
Ako si Lucas Sevilla. Consistent top 1- honor student mula kinder hanggang junior high. Kaso pagka seniors ay naging top 2 nalang. Parehong public teacher ang mga magulang ko. Si mama na math major at si papa na mapeh teacher. Pinag-aaral nila ako sa private school dahil scholar naman ako at 'yun ang gusto ni mama. Si papa kasi may pagka under de saya minsan, kaya si mama ang laging nasusunod. Palagi rin kasing ini-insist ni mama na math major sya at si papa ay mapeh lang. Hindi ko alam kung saan galing ang ganong theory ni mama sa buhay, pero ganun talaga sya. Only child lang ako kaya tutok sila sakin lalo na si mama. Gusto nya ay lagi akong number one sa academic. Kelangan ay lagi akong top 1 lalo na sa eskwelahan, gayahin ko daw sya. Pero pano ko naman sya gagayahin e, ni hindi naman sya naging top 1. At ang rason nya lagi ay dahil mahirap lang daw sila noon. Wala daw syang pambileng mga projects kaya di sya malagay-lagay sa pinaka unang pwesto sa klase. Kaya dapat ay galingan ko daw at kelangan ako lagi ang nasa unahan dahil nabibigay naman nya ang lahat ng mga bagay na hindi nabibigay nila lolo't lola noon. Mula pagka-bata ay lagi na nyang tinatanim sa utak ko ang mga bagay na yan. Kaya lagi rin akong nag-sisikap, nag-aaral ng doble-doble. Well, masarap naman sa pakiramdam na lagi kang nasa taas. Masarap pero minsan hindi rin masaya. Minsan kasi sa sobrang pag-aalala mo sa grades mo ay mawawalan ka na ng oras sa ibang bagay, kaibigan o kahit sa sarili mo. Darating talaga ang panahon na mag-hahanap ka ng ibang bagay na bago at 'iba sa nakasanayan. 'Yung makakawala ka sa kwartong pinag-kukulungan mo. 'Yung pag ginagawa mo na ay hindi mo na maiisip ang galit at nagtatalak mong nanay dahil hindi ka nag-aaral. 'Yung masaya ka dahil may mga kasama kang tao na noon ay, ni minsan hindi mo aakalaing magiging kaibigan mo. 'Yung masasabi mong nasa high school life ka nga hindi dahil sa hirap ng mga subject nyo kundi dahil sa mga nararanasan mong kalokohan at saya.
Pagkatapos kong mag-bihis ng pam-bahay ay sinigurado ko munang lock ang pinto ko bago humarap sa pc ko.
Napa-iling ako. Hanggang ngayon pala ay hindi pa nila mama nababayaran ang internet bill namin. Last weak pa kami pinutulan ng kumpanya dahil hindi nakapag bayad sina mama.
Nag-scan nalang ako ng wifi connection na pwede kong ma-konekan.
"Nag iba na pala sila ng password?" Ang pinaka malakas kasing wifi na nasasagap ko ay 'yung sa kapit-bahay naming may computer shop.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL REVENGE
Teen Fiction~·~·~·♡♥♡·~·~·~ Si Trina Marquez ay isang ordinaryong high school student lamang. Ordinaryo-means..binubuhusan ng tubig, binabato ng itlog, ni l-lock sa banyo, pinag tatawanan at pinapahiya. Ganyan ang ginagawa sa kanya ng no. 1 bully nya na si Thea...