A♡N: uy guys! Vote naman kayo at comment! Minsan lang naman ako mag A/N, pa-2016 na din naman. Lol. Sensya na sa mga errors. Tiwala lang! Matatapos ko rin 'to! Smile! Smile!~·~·~·~·~·~·~·♡♥♡·~·~·~·~·~·~·~·
|Daniella ♡ |
Napapahilot ako sa sintido ko habang naka tutok sa loptop na kaharap ko. Nandito kaming pito ngayon sa balcony ng bahay namin. Nag-iisip kung pano o ano ang magiging diskarte namin sa pag-gawa ng isang video commercial sa English, na ang tema ay "move on, but hold on". Ano daw? Move on daw, tapos biglang hold on? Ano 'yun?
"Baka it means na let go all your bad memories but hold on to the good one" ani ni Lucas kaya napatingin ako sa kanya.
He had a point.
Katabi ko si Bea at Mia sa upuan. Katabi naman ni Bea si Thea, then si Terrance-Toby-at Lucas na katabi ni Mia. Pabilog parin ang mesa sa balcony namin. Ngumiti sakin si Terrance. "Ok ka lang?" Tanong nya.
Tumango ako. "Yeah, I'm fine"
Magka-harap lang kami ni Toby kaya kita ko ang matalim nyang tingin sakin at kay Terrance. Problema nito?
Halos thirty minutes na mula ng mag-umpisa kami pero wala paring klaro kung may naumpisahan na ba kami o wala. Medyo di-ni-dicipher pa kasi namin ang meaning ng tema. Move on, but hold on.
Seryoso akong bumaling sa katabi kong si Bea na naka earphone at nakikinig lang ng music. Kinuha ko sa tenga nya ang isang earphone kaya napatingin sya sakin.
"May naisip ka na?"
Ngumiwi sya at nag peace sign.
"Wala pa best, e" malambing nyang wika. Tinarayan ko lang sya.
"Pano ka makakapag-isip kung nagkikinig ka lang ng music dyan" reklamo ni Toby.
Sinimangutan sya ni Bea. "E, sa ganto ako mag-isip! Malay mo, biglang may mag pop-out sa utak ko habang nakikinig kay Justin Bieber! Ayiee! Ahaha! Ang gwapo nya ngayon 'no?" Kinikilig nyang ani.
"Mukha kaya syang adik!" Asik ni Toby.
"But, I prefer his music right now than before" sang ayon ni Terrance.
"Aaayy! Agree..Terrance! Kaya nga bet kita, kesa kay Toby e!"
"Hoy! Bea! Manahinik ka nga! Nakakakilabot ka!"
"Hoy! Toby! Asar ka lang! Bleeh!"
Napatigil sa pag-aasaran sina Bea at Toby nang biglang hampasin ni Mia 'yung mesa gamit ng notebook nya.
Napataas ang kilay ni Thea at napatigil rin sa pag kalikot sa i-phone nya.
"Shut up guys. Nag-iisip ako kaya pwede manahimik kayo" mataray na ani ni Mia na ngayon lang namin nakita.
"Ang taray best! May naisip ka na ba?" Tanong ni Bea.
Biglang nag bago ang ekspresyon ng mukha ni Mia at napakamot sa batok nya. "Yun na nga, ang ingay nyo kasi. Wala tuloy akong ma-isip" nahihiya nyang turan.
Natawa ako pati narin si Terrance. Wala naman naging reaksyon si Thea. Yung tatlo naman kinantyawan si Mia. Lalo na si Lucas. Ngayon ko lang syang nakitang mang-asar. Nakaka panibago. Wala yata kaming matatapos nito.
"Alam nyo guys, dati. Noong elementary ako, palagi akong inaasar na bopols ng mga classmate ko" biglang wika ni Mia. Hindi kami nag react at nakinig lang sa kanya. "Hindi ako nag mana sa parents ko na matatalino. Nakakaiyak nga e. But after kong makilala si Bea at Dan, unti-unti kong nakakalimutan 'yung mga insecurities ko. Nandyan kasi sila lagi para palakasin at i-cheer up ako. But, those bad memories na b-nu-bully ako. Klaro parin sila sa alaala ko. I already moved on, but I hold on the realizations and lessons of those moments." Naiiyak na wika ni Mia. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang ulo nya't hinimas-himas ang buhok nya.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL REVENGE
Teen Fiction~·~·~·♡♥♡·~·~·~ Si Trina Marquez ay isang ordinaryong high school student lamang. Ordinaryo-means..binubuhusan ng tubig, binabato ng itlog, ni l-lock sa banyo, pinag tatawanan at pinapahiya. Ganyan ang ginagawa sa kanya ng no. 1 bully nya na si Thea...