·~·~·~·~·~·~·♡♥♡~·~·~·~·~·~·~·|DANIELLA|
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ang message tone nito.
[From: Toby ]
Napasimangot ako bigla ng mabasa ko kung kanino galing ang text.
[...ang pangit ng mukha mo pag naka side view. :-P. Tingin ka sa kanan mo -> ]
Kahit na kailan talaga. Tsk!
Lumingon nga ako sa kanan ko at doon ko sya nakita.
Ang isang isip batang lalaki na blond ang buhok na may kinakaing ice cream at nakangisi ng nakakaloko habang nang-iingit sa kinakain nya.
I just rolled my eyes.
Natawa ito at tumakbo papunta sa pwesto ko.
"Ang sarap talaga ng vanilla ice cream..yum! Yum!" Sinamaan ko sya ng tingin kaya nag pout sya na parang bata.
Napangiti ako sa ginawa nya.
"Alam mo bang hindi dapat pinaghihintay ang isang babae?" Masungit kong wika sa kanya.
"Talaga? Bakit babae ka ba?"
Aba!
Ngumisi sya sakin at agad na lumayo ng akmang babatukan ko sya.
"O di ba! Hindi ka naman babae eh! Haha..amasona ka eh." Asar nya sakin.
"Amasona pala ah!"
Tumakbo sya papalayo kaya hinabol ko sya. Napaka isip bata kasi, mapang-asar at napaka mapanlait. Nakakabwisit na nakakaloko talaga ang isang Toby Ramirez.
Halos dalawang taon narin ang nakalipas mula ng matagpuan ako ni mama sa kalsada ng walang malay at dinala sa ospital.
Hindi parin ako makapaniwalang sa ganoong paraan kami magkikita ni mama.
Anim na taong gulang ako noon ng mahiwalay ako sa kanila ng dahil sa nangyaring aksidente sa sinasakyan naming barko. Galing kaming Cebu noon para magbakasyon sa mga magulang ni papa. Papauwi na kami sa maynila noong panahong iyon. Nagkaroon ng pagsabog sa kusina ng barko. Nagkagulo ang mga tao kaya nahiwalay ako sa parents ko. Hanggang ngayon ay naaalala ko parin kung gano ako katakot ng sandaling iyon. May isang trabahador sa barko ang tumulong sakin at kinarga ako. Sinuotan nya ako ng life vest at sumakay kami sa isang parang bangka. Kaso pagkatapos naming makasakay ay may sumabog ulit sa isang bahagi ng barko na malapit samin kaya tumalsik ang sinasakyan namin. Pagkatapos nun ay di ko na maalala ang kasunod.
Wala na akong maalalang kahit na ano. Maliban sa mga panahon at pangyayari bago ang aksidente.
Sabi ni mama ay maaaring nagka amnesia ako pagkatapos ng nangyari sa barko at bumalik lamang noong may nangyari sakin , kaya nya ako natagpuan sa kalsada. Ang masaklap ay ang parang nagka amnesia na naman yata ako. Hindi ko kasi maalala ang mga nangyari sakin pagkatapos kong maaksidente sa barko. Kung paano ako nakaligtas? May tumulong ba sakin? San ako lumaki? Sino ang mga naging kasama ko? Bakit ako natagpuan ni mama sa kalsada?Ano nga bang nangyari sakin? Kung nagka amnesia ako matapos ng aksidente noong bata pa ako, ibig sabihin ba nun ay naging ibang tao rin ako? Sino ako ng mga panahong iyon?
Maraming tanong sa isip ko. Para lang akong gumising bilang isang anim na taong gulang na Danielle Fuentes.
At ang pinakamasakit sa pag-gising ko. Ay ang malaman kong nawala na si papa. Hindi nailigtas ang buhay ni papa dahil nagkalayo rin sila ni mama ng hinahanap nila ako. Natagpuan nalang syang walang buhay pagkatapos ng aksidente.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL REVENGE
أدب المراهقين~·~·~·♡♥♡·~·~·~ Si Trina Marquez ay isang ordinaryong high school student lamang. Ordinaryo-means..binubuhusan ng tubig, binabato ng itlog, ni l-lock sa banyo, pinag tatawanan at pinapahiya. Ganyan ang ginagawa sa kanya ng no. 1 bully nya na si Thea...