·~·~·~·~·~·~♡♥♡·~·~·~·~·~·~| Terrance |
"36 seconds!"
Napasandal ako sa tiles ng pool ng marinig ko ang sigaw ni coach. Tinanggal ko ang gogles ko pagkatapos. Kahit na hingal na hingal pa ako ay di ko maiwasang mapangiti.
"Good, just be consistent Terrance. Umahon ka na dyan, tapos na ang practice" tumalikod agad sakin si coach pagkatapos nyang magsalita.
Pang labinlimang laps ko na iyon. Nakakahingal pero nasanay narin ako kaya normal lang ang pagod. Umahon na ako matapos nang ilang sandali at dumeretso sa shower room.
I'm Terrance Lopez. Mula pagka-bata ay pangarap ko na ang maging isang swimmer. Gusto ko kasing maging katulad ng tatay ko.
"Mauna na ko sayo. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo mamaya" wika ni coach habang inaayos ang bag nya.
"Opo tay"
Tinapik nya muna ako sa likod bago sya umalis.
Si coach Ronald Lopez ang tatay ko. Dating national athlete swimmer. Sya ang dahilan at inspirasyon ko sa karerang pinagsisikapan ko.
Pagkabukas ko ng locker ko ay tumambad ang litrato ko kasama si tatay noong nakaraang buwan sa isang national competition kung saan ako nanalo. 'Yung gold medal na napalanunan ko ay matagal rin ang panahong pinangarap ko iyon. Madami narin naman akong nasalihang kompetisyon. At sa bawat langoy ko ay isang hakbang para sa mga pangarap ko.
Napatingin rin ako sa isa pang litrato. Ang family picture namin ng ako ay anim na taong gulang palang. Si tatay, ako at si nanay.
Nakaka lungkot isiping maaga syang nawala samin ni tatay. At sa pagkawala nyang iyon, maraming bagay din ang nawala samin.
Namatay si nanay dahil sa isang trahedya. Matagal na pero sariwa parin ang alaala ng bangungot na iyon.
Isang national swimmer athlete noon si tatay. Nag c-compete din sya sa ibang bansa, pero madalas ay sa asia lang. Nung taong iyon, nakatakdang sumali si tatay sa isang competition sa Amerika. Sobrang saya naming lahat. Lalo na kami ni nanay. Alam kasi namin ang pagod at hirap ni tatay para lang makasali sa ganoong kompetisyon.
Isang araw bago ang nakatakdang pag-alis ni tatay para lumipad ng Amerika, binalitang may malakas raw na bagyong paparating. Hindi namin inaasahang kahit na wala sa lugar namin ang mata ng bagyo ay magiging napakalakas pala nito. Mabilis kasi ang pag-baha at halos nahirapan kaming lahat kung saan o kung paano kami makakalikas. Nasira rin ang linya ng kuryente kaya napakadilim ng paligid, may balita pang umapaw ang isang dam na malapit samin. Lumubog ang bahay namin kasama ng iba kaya mas lalo kaming nahirapang lumikas. Tumuntong nalang kami sa bubong ng bahay namin at doon naabutan ng gabi. Sobrang lamig dahil ilang oras narin kaming basa. Kahit naka rain coat ako noon ay dama ko parin ang lamig, paano pa kaya sina nanay at tatay na wala? Sobrang natatakot ako ng panahong iyon. Lalo na ng may tumamang kidlat sa bubong ng kapit-bahay namin. Nabigla kami dahil kitang-kita ng mga mata namin kung paanong natamaan ang isa naming kapit-bahay na nasa bubong din ng bahay nya. Kasabay pa non ng dahil sa takot at pagka-bigla ay nadulas si nanay sa bubong.
Pinilit ni tatay na abutin ang kamay ni nanay pero hindi kinaya kaya napasama si nanay sa baha ng tubig. Marunong lumangoy si nanay ngunit napakalakas ng agos ng baha. Takot na takot at iyak ako ng iyak. Wala akong magawa. Sinabihan ako ni tatay na wag gumalaw sa kinatatayuan ko at manalangin ako. Pagkatapos non ay lumangoy sya sa baha para iligtas si nanay.
Napakasakit na pangyayari. Nagising nalang ako sa isang evacuation center noon dahil nawalan pala ako ng malay. Kahit na mataas ang lagnat ko ay pilit kong hinanap sina tatay at nanay dahil wala sila sa tabi ko. Hanggang sa ilang saglit ay dumating nga si tatay, naka arm rest ang kanang braso ni tatay at mukhang pagod na pagod sya't namumula ang mata. At hindi nya kasama si nanay.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL REVENGE
Teen Fiction~·~·~·♡♥♡·~·~·~ Si Trina Marquez ay isang ordinaryong high school student lamang. Ordinaryo-means..binubuhusan ng tubig, binabato ng itlog, ni l-lock sa banyo, pinag tatawanan at pinapahiya. Ganyan ang ginagawa sa kanya ng no. 1 bully nya na si Thea...