C8-THE SUSPECT?

30 1 0
                                    

·~·~·~·~·~·~♡♥♡·~·~·~·~·~·~

| 3rd person's POV |

Makikita sa monitor ang isang kuha ng cctv. Bandang 4:33 ng hapon ay pumasok si Thea sa IT laboratory room. After five minutes ay tyaka ito lumabas.

Nagkatinginan si Mr. Rafael Chavez, ang homeroom teacher ng senior 2-A at si Ms. Gabbyniel Dizon-ang IT teacher.

"So, Ms. Aldama?" Seryosong tanong ni Gabby habang nakatingin kay Rafael.

Silang dalawa nalang at ang isang guard ang naiwan sa control room ng eskwelahan. Pang limang beses na nilang pinanood ang kuha ng cctv pero wala pa ring kahit na anong salita ang lumalabas kay Rafael.

Napahawak si Rafael sa sintido nya. Sa tatlong taon nya mula ng sya ay magturo ay ipinagpapasalamat nya na never syang nagkaroon ng ganto kalaking problema sa kahit na sinong estudyante nya. Pero mukhang dumarating talaga ang gantong pag-kakataon kahit na kanino. Naiipit sya sa isang problema at sitwasyon na di nya alam ang gagawin. Malaking kaso bilang estudyante ang maakusahan ng pangengealam sa files ng isang teacher na walang pahintulot, bad record ito na maaring magpa kick-out sa estudyante. Mabuti nga kung kick-out lang pero ang grades, records at dignidad nya ay masisira rin. Nag transfer si Thea Aldama na may malinis na records at magagandang grades, maganda rin ang mga naging performance nito sa halos lahat ng subject kaya bat naman nya iyon gagawain?. Isa pa, sa pagkaka-alam nya ay isang prosecutor ang ama nito at may koneksyon sa mismong president ng academy. Siguradong isa itong eskandalo.

"Sa ngayon ay wala munang dapat na maka-alam nitong mga estudyante hanggat hindi pa malinaw ang lahat. We'll discuss this tommorow kasama ang ibang faculty at ang Dean" Baling ni Rafael kay Gabby na ngayon ay tila inip na inip na.

Tumayo si Gabby sa pagkaka-upo at sinaksak ang flashdrive nya sa usb ng computer. "Kailangan natin ng copy nito, pag-aaralan ko"

Tumango si Rafael. "Ok, kung gusto mong mauna pwede ka nang umalis. Magpapa-iwan lang ako sandali" tinaasan sya ng isang kilay ni Gab kaya napa-ngiti sya.

"Hindi ka pa rin nag-babago, gagawa at gagawa ka talaga ng paraan para mahanap ang pinaka maliit na butas at anggulo" di makapaniwalang wika ni Gabby habang umiiling, kilala nya si Rafael mula pa ng college. Mag ka-block silang dalawa noong first year college sila sa isang university sa kursong criminology. Nauna syang nag shift ng course to IT dahil palaging inaaltapresyon ang nanay nya sa tuwing makikita syang naka unuporme. Uniform pa nga lang daw ng isang criminology student ang suot nya pero tila aatakihin na sa puso at tumataas ang dugo ng nanay nya sa kaba. Kaya napilitan syang mag-iba ng kurso. Nagulat na nga lang din syang makita si Rafael sa education building ng university nila at nag-shift din pala pagka-thrid year nito. Kumuha din kasi sya ng education unit pagkatapos nyang maka graduate para makapag-turo sa k to 12.

"Yeah, way back during criminology days. Nakaka miss din"
Kinuha ni Gabby ang flashdrive pagkatapos ma copy ang cctv video. "Nag tataka talaga ako kung bakit ka nag-shift noon, eh two years nalang ang kulang ga-graduate ka na. Natakot ka sa pistol?" Natatawa nyang wika.

"Ako? Talaga ah. Bata palang nakahawak na ako ng iba't-ibang klase ng baril no. Sundalo ang lolo ko, pulis ang tatay ko at halos lahat yata ng lalaki sa angkan namin kunektado sa arm force, kung hindi pulis, sundalo o navy. Kahit nga guards" depensa kagad ni Rafael sa pang-aasar ng babaeng kaharap. Natawa silang pareho ng lumingon si manong guard sa kanila at nag pogi sign.

"Sadyang iba lang talaga ang passion ko sa pag-tuturo. Ganun" patuloy ni Rafael. Gabby just shrug her shoulder bago tumalikod at kunin ang bag nya para umalis.

"Pero Chavez, tandaan mo na kung totoong may kinalaman ang estudyante mo dito ay wala kang magagawa kundi ang isuko sya. They must be know their wrong at early age para matuto." Wika ni Gabby bago umalis at i-tap ang shoulder ni Rafael.

HIGHSCHOOL REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon