Chapter 1: Welcome Back!

8.5K 191 0
                                    




Nasa eroplano ako pauwi ng Pilipinas kasama si Gabby na anak ko. Pinapauwi na kami ni kuya at hindi ko alam ang dahilan. Siya at si ate ang magsusundo sa amin. Malapit ng lumapag ang eroplano na kinalululanan namin.

Tinignan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog. Bumuntong hininga ako at tsaka hinaplos ang kaniyang pisngi. Sa walong taon na nasa ibang bansa kami. Lagi niyang tinatanong ang kaniyang ama. At sa 'twing magtatanong siya lagi kong sagot sa kanya ang mga salitang ito "You will meet him soon, baby."

Nga pala, bago ko ituloy ang kwento hayaan niyo muna akong magpakilala. I'm Lois Lane Flourite, 27 years old. May isa akong kapatid at yun ay si Yexel Flourite. Wala na kaming mga magulang. Pero kahit ulila na kami hindi kami mahirap dahil sa iniwang pera ng magulang namin para sa amin na pinalago ng kuya ko. May isa akong anak at yun ay si Gabrielle Flourite. Eight years old pa lang siya at oo sa akin siya naka apelyido. Malalaman niyo rin ang dahilan kung bakit.

Tinitigan ko siyang maigi habang hinahaplos-haplos ko pa rin ang kanyang pisngi. Halos namana niya ang lahat sa kaniyang ama. Ang mata niya na kulay brown na may mahabang pilik mata. Ang kahabaan ng kaniyang pilik mata ay namana niya sa akin. Ang ilong niyang matangos na kapareho ng kanyang ama at ang medyo may kanipisan niyang labi na katulad din ng kanyang ama.

Napabuntong hininga ako ng pumasok ang imahe niya sa aking isipan. Kumusta na kaya siya?

Kasalukuyan akong nasa malalim na pag iisip ng may humawak sa aking kamay na humahaplos sa kanya. Gising na pala ang anak ko.

Ngumiti ako sa kanya. "How's your sleep, baby?" She smiled back at me.

"It was good, mom, and you know what? Napanaginipan ko si daddy, mommy. He hugged me tight in my dream." aniya na may pangingislap sa kanyang mga mata.

Bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi. Senyales ba ito na malapit na kaming magkita? Nakaramdam ako ng pananabik ngunit naipilig ko agad ng bahagya ang aking ulo. Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin na sa harapan.

Nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin. Nagsisilabasan na ang mga tao at kami ay nakaupo pa rin. Mas gusto kong mahuli kami, ayokong makipag siksikan sa mga tao lalo na at kasama ko ang anak ko. Inalis ko ang parehong belt namin ni Gab. Inayos ko muna siya bago kami tumayo.

Papalabas na kami ng airport at hinahanap ng mga mata ko si kuya. Nasa di kalayuan lang siya kasama ang girlfriend niya na si ate Linein. Lumapit kami sa kanya at humalik ako sa pisngi ng dalawa, ganuon rin si Gab at nagmano sa tito at tita niya.

"Kumusta, bunso?" -Kuya.

"Okay naman, kuya, haha miss na miss na kita!" Tumawa siya at niyakap ako.

"Miss na miss din kita, bunso." aniya sabay gulo ng buhok ko. Sumakay na kami sa sasakyan. Nag dadaldal ang anak ko sa dalawa. Sabik na sabik siyang makita ang kanyang tito, palibhasa kaming dalawa lang sa bahay at yung kasambahay namin.

-----

Hinatid kami ni kuya sa bagong condo na titirahan namin ni Gab. Yung dati kong condo pinabenta ko na, iisa lang kasi ang kwarto nun at medyo maliit. Mag isa lang kasi ako nun na nakatira doon. Pero ngayon dalawa na kami ni Gab kaya malaking condo ang binili ni kuya para sa amin.

Medyo malaki din ang sala, nasa di kalayuan ang dinning table at ang pinaka kusina. Tatlo ang kwarto, isa para sakin ang isa para kay Gab at isa para sa magiging kasambahay namin. Kumpleto ang lahat, ultimo kama na para kay Gab. Pero katabi ko natutulog si Gab, mas panatag ako.

Magkasama si ate Linein at Gab sa sala habang kami ni kuya ay nasa kwarto ni Gab para ilagay doon ang mga gamit niya. Nakasandal si kuya sa may pintuan habang ako inaayos ang mga damit ni Gab sa cabinet.

"Masaya ako at pumayag kang umuwi na kayo dito."

Ngumiti ako ng tipid. "May balak na din naman akong umuwi, kuya. Kailangan kong harapin ang buhay dito at hindi habang buhay na nasa ibang bansa kami ni Gab."

Tumango tango siya. "Hmm, including him, bunso? Handa ka na bang makita siya ulit?"

Natigil ako sa ginagawa ko at pagkunway pinagpatuloy ang pag aayos ng mga damit ni Gab. "Hindi ko alam kung handa na ba akong makita at harapin siya, kuya."

"Alam mong darating ang araw na kailangan mo siyang harapin at ipakilala si Gabby sa kaniya." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Bunso, kailangan maging handa ka na lalo na sa mga susunod pang mga araw. Isang beses lang siyang lumapit sa 'kin, at 'yun ay noong pitong buwan kang buntis kay Gab. Tinanong ka niya sa akin at bakit bigla ka daw nawala at hindi na nagpakita pa sa kaniya."

"S-sinabi mo ba sa kanya ang dahilan ko, kuya? And don't tell me, kuya, 'yan ang rason mo kung bakit mo kami pinauwi dito?" kinakabahan kong tanong.

Huminga siya ng malalim at tumingin sakin. "Hindi. Wala akong sinabi sa kaniya at hindi rin yun ang dahilan kung bakit ko kayo pinauwi dito." Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. "Pero.. Kailangan mong makipagkita at aminin sa kaniya. Wala akong balita tungkol sa kaniya, pero alam ko. Magkikita at magkikita rin kayo sa ayaw at sa gusto mo. 'wag mong ipagkait sa anak mo na makilala ang kanyang ama, bunso." Ginulo niya ang buhok ko tsaka lumabas ng kuwarto.

Nanghihina akong napaupo sa sahig. Iniisip ko kung paano kung.. Paano kung hindi niya matanggap si Gab? At paano ko ba siya haharapin? Paano kung may sarili na siyang pamilya? Ayokong guluhin ang buhay niya. Napapikit ako ng mariin ng biglang mag beep ang cellphone ko. Napakunot noo ako. Bago lang ang sim ko binigay ni kuya kanina kaya sino ang mag ttxt sa 'kin? Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang txt.

*Unknown*
Message: Oy beh, grabe nkauwi kna pala hnd k man lng nagpasabi! Nkkatampo k psh! Tinext lng sakin ng kuya mo n nandto kna daw. Si Prys 'to.

Biglang gumuhit ang ngiti sa labi ko. Si Prys ang isa sa pinaka matalik na kaibigan ko. Alam niya ang lahat ng tungkol sa nangyari. Nagkakausap din kami kahit nung nasa NY ako pero hindi ko sinabi na uuwi na ako dito. Paniguradong nanghahaba na ang nguso nun pfft.

Reply: Opo nandto n ako, haha. Pasensiya na kung hnd ako nagsabi. Balak sna kitang surpresahin kaya wg k ng magtampo beh :)

Sinend ko na ang text at tinapos ang pag aayos ng mga gamit ni Gab. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ang tatlo na nagkukulitan.

"Pakasal na kasi kayo ng magkaroon na din kayo ng baby! " natatawang kantiyaw ko sa dalawa.

"Naku, Lois, saka na lang siguro, haha, at tsaka mag propose muna 'tong kuya mo sa 'kin." Ani Ate Linein sabay kindat kay kuya.

"Kuya, narinig mo ba 'yun ha?" Nang aasar kong tanong sa kanya.

"Narinig ko, bunso, pero gawa muna kami ng baby para sigurado na hindi baog ate Linein mo, pfft!" Pilyong saad ni kuya. Kinurot ni ate sa tagiliran si kuya.

"Loko ka ah! Kung baog nga ako hihiwalayan mo ako ganun?" Pinanlakihan siya ng mata ni ate.

"Hani, biro lang naman 'yun at tsaka isa pa, ikaw ang baby ko." nakangiting saad ni kuya at inilagay ang kamay niya sa bewang ni ate. Nailing na lang ako sa kanilang dalawa habang nakangiti.

Matapos mag hapunan umalis na din si kuya kasama si ate. Bukas na lang daw namin pag-uusapan kung bakit pinauwi kami dito ni kuya. Kaming dalawa na lamang ni Gab dito sa bahay, bukas pa daw darating yung makakasama namin dito sabi ni kuya. Pinaliguan ko muna si Gab at saka na rin ako naligo para makatulog na kami. Nahiga na ako sa kama at pipikit na sana ng tumunog ang cellphone ko.

From Prys:
Beh sa Linggo birthday ni Nate nag aaya siya. Nakwento ko na nakauwi kna kaya gusto niya pumunta k daw. At hnd daw siya papayag n umayaw k! Sama mo daw si Gab gusto nila makita eh.

Reply:
Sige beh pupunta ako kasama si Gab tulog na ako gdnyt.

From Prys: Okay beh gdnyt din, see u soon :)

Inilapag ko na ang cellphone ko at pumikit. Pero bago ako hilahin ng antok, naisip ko siya.

Pupunta din kaya siya? Kaibigan din niya si Nate kaya hindi malayong hindi siya pumunta dun. Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni kuya kanina, "Magkikita at magkikita rin kayo sa ayaw at sa gusto mo."

My Daughter's Father (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon