Nate's POVKasalukuyan kaming nandito sa loob ng opisina ni 'tol Erik, pero wala ang gago. Ang sabi nung seksitary niya nag leave daw ang ungas ng isang linggo. Ang kasama ko na nandito ay sina 'tol Ryu, Grae, si Prys at yung bagong sisiw ni Grae.
"Pambihira 'yon, ano kaya ang nakain at biglang nag leave? Tawagan mo nga 'tol." Saad ni Ryu habang nakaupo doon sa pang-isahan na sofa ng naka de kwatro.
"Ako na," prisinta ko. Curious din ako sa biglaang pag leave ni 'tol. Ito ang unang beses na magpapahinga siya sa trabaho, at ganoon pa katagal. Pero may nabubuo ng idea sa isipan ko.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at medyo lumayo sa kanila bago idinial ang numero ni 'tol. Ilang ring lang ng sagutin niya ito.
"Pre," Bungad ko agad.
"Oh pre?"
"Na kila Lois ka ba?" Tanong ko agad.
"Oo nandito nga ako, bakit?" Sagot niya.
'Sabi na nga ba, tama ang hinala ko.'
"Nandito kami sa opisina mo pre. Pwede ba kami pumunta d'yan? Kasama ko sila Ryu."
"Malamang kasama niyan si Trix at gumagawa ng milagro, hahaha," medyo mahinang saad ni Ryu.
"Ano pa nga ba? Tigang siguro ang gago kaya isang linggo ang pahinga." Segunda ni Grae sabay hagalpak. Nailing na lang ako at medyo natawa. Hindi rinig ni 'tol Erik dahil mayayari ang mga 'to lalo na hindi naman si Trix ang kasama niya.
"Sige," sagot ni 'tol Erik. "Pero kayo lang dalawa ni Prys ang pupunta dito, 'wag mo na isama 'yung iba."
"Ge, papunta na kami."
"Ge pre."
Ibinaba ko agad ang tawag at naglakad pabalik sa kanila.
"Ano sabi?" Tanong ni Prys.
"Nasaan daw ang gago?" - Grae.
"May narinig kang umuungol, pre?" Tanong naman ni 'tol Ryu kaya nagsipagtawanan kaming lahat.
"Haha, gago 'tol. Nando'n siya kila Lois." Sagot ko.
Biglang tumigil sa pagtawa ang dalawang ungas at tumahimik.
"Oo nga pala nandito na si Lois." Parang wala sa sarili na sambit ni Grae.
"Narinig niyo lang pangalan ni Lois, natigil kayo," biglang asar ni Prys sa dalawa.
"Ibang usapan na 'yon. Baka biglang manapak si 'tol pag narinig tayo, pfft!" Saad ni Ryu.
"Ulol, haha. Kayo lang, 'wag niyo na kami idamay." Sagot ko.
Biglang tumayo si 'tol Grae sabay tayo din ng tatlo.
"Ano, tara? Bulabugin natin tirahan ni Lois. Hindi pa ako nagagawi do'n e."
BINABASA MO ANG
My Daughter's Father (Slow Update)
Storie d'amoreWalong taon na ang nakalipas at ngayon, handa na akong harapin siyang muli..