[A/N: sa taas ay ang itsura ni Erik.]Sinndria Skye's POV
Hi. Sinndria Skye N. Del Fierro here. Asawa ko si Abraham Del Fierro na kaibigan ng mga kuya ko. May isa na kaming anak at ang pangalan niya ay Samantha Del Fierro. She just turned two years old a few months ago, kaya lang nasa bahay siya ng lola niya ngayon dahil ibinilin nila Nate na wala muna daw bata ngayon.Kumpleto na kaming lahat at kasalakuyan na kumakain ng tanghalian. Nasa may gilid kaming banda ng pool pero medyo malayo ng kaunti. Paano ko ba ieexplain? Ang magkabilang side nitong kinaroronan namin ay bakante. Nasa may pinakagilid ang mga tanim na halaman. Bale nasa may pinakagitna itong parte ng gilid at may bubong pero open siya. Nasa kanan ang swimming pool. Nasusundan niyo? Sorry parang ang gulo ata. Pero basta 'yon na yun. May medyo malaki na flat screen tv na nakadikit sa pader at malaking speaker sa magkabilang side. Sa ibaba nung flat screen ay may dvd. Dito kami nanunuod pag kasama mga kaibigan namin o kung ganito na okasyon na maliit na pagsasalo-salo. Panigurado pagkatapos namin kumain ay alak ang sunod at kantahan. Pwede rin kasing kumanta dito. Iyon talaga ang purpose nitong mga gamit na nandirito.
"Nakakamiss talaga ang ganitong pagsasama-sama natin." Si Nate na kanina pa tuwang-tuwa na kumpleto kami ngayon.
"Hmm, agree ako d'yan." Pagsang-ayon naman ni Huilen bago ininom ang juice sa baso niya.
"Pwede naman nating gawin ito tuwing sabado, 'yun ay kung gusto niyo." Suhestiyon naman ni kuya Grae na agad naming sinang-ayunan.
"Maganda 'yang idea na 'yan pre, nang mapahinga naman kayo sa panchichix niyo!" Saad ng asawa ko na ikinatawa namin.
"Oo nga naman kuya!" Pagsang-ayon ko. "Bukod sa trabaho, wala na kayong ginawa kundi ang magpapalit-palit lagi ng nobya. O--" pabitin na saad ko. "Nobya nga ba ang turing niyo sa mga babae na nakakarelasyon niyo?" Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko.
"Ah, ang sarap talaga ng luto ni manang, 'no?" Biglang pag-iiba ni kuya Ryu na sinang-ayunan naman ni kuya Grae. Halatang ayaw nila pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon. Napailing na lang ako at napabuntong-hininga.
"Oy, kayong dalawa," biglang salita ni kuya Cade na ang tinutukoy ay si kuya Grae at kuya Ryu. "Kailan niyo balak magseryoso at tumigil d'yan sa mga kalokohan niyo?"
"Hayaan mo sila 'tol," sabat naman ni kuya Erik. "Nang mahanap nila ang katapat nila. Ewan ko na lang kung hindi magtino 'yang dalawang 'yan pag nangyari 'yon." Nakangising saad ni kuya.
"Sabagay 'tol, tama ka. Dahil ganun ang nangyari sa akin." Si kuya Cade sabay tingin kay ate Francine at hawak sa kamay nito.
"Langya! Tigil mo nga 'yan Cade. Umay ampota." Turan ni kuya Grae at umastang kinikilabutan kay kuya na ikinatawa naming muli.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Father (Slow Update)
RomanceWalong taon na ang nakalipas at ngayon, handa na akong harapin siyang muli..