Chapter 5: Party Part 1

5.7K 198 6
                                    

[A/N: sorry kung ngayon lang nakapag update medyo busy po. Salamat sa nagbabasa po nito. Medyo mahaba po ito. Hahabaan ko pa sana kaso sa chapter 6 ko na lang po itutuloy. ]

Lois Lane's POV

NAGISING ako sa tunog ng alarm clock. Inabot ko ito at pinatay agad. Ayoko magising si Gab tutal maaga pa naman. Hinaplos ko ang noo niya at dinampian ng magaan na halik bago ako dumiretso sa banyo. Nag toothbrush muna ako at nag hilamos ng mukha at saka lumabas ng kwarto.

Nadatnan kong nagluluto si manang sa kusina. Napatingin ito sa gawi ko.

"Good morning, hija," bati nito sa'kin.

"Good morning din po, manang." Nakangiti kong bati sa kanya.

"Gusto mo ba ng kape, Lois?" tanong nito sa'kin.

"Hindi na po, manang. Ako na lang po ang gagawa, kaya ko naman po eh."

"Oh sige. Teka, baka may gusto ka na ipadagdag para sa agahan? Sabihin mo lang."

"Hmm, ano po ba mga niluto niyo manang?" Tanong ko habang gumagawa ng kape.

"Sinangag, ham, hotdog, tsaka scramble egg hija."

"Ahhh.. Eh manang pakidagdagan na lang po ng tuyo. Gustong gusto ko po kasi yun eh lalo na sa sinangag," natatawa kong saad sa kanya.

"Haha, o sige magluluto ako ng tuyo para sayo teka." Sagot niya sabay kinuha ang pack ng tuyo at nagsimulang magluto.

Kahapon wala kami gaanong ginawa ni Prys. Pinanggigilan niya si Gab na anak ko habang walang humpay ang kwentuhan namin. Bumili din ako ng regalo kay Nate. Necktie ang napili ko para sa kaniya. Binilhan ko siya ng apat. Ang hirap pumili talaga ng ireregalo lalo na sa lalaki. Si Prys hindi ko napansin kung ano ba ang binili niyang regalo para dito. Masyado ako naging busy sa pagtingin tingin ng mga bagay sa mall kahapon. Binilhan ko ng damit si Gab at kung ano ano pa.

Napag-usapan din namin ang mga buhay-buhay namin sa loob ng nagdaan na walong taon. Wala naman gaanong nangyari bukod sa busy ako sa pagpapalaki kay Gab. Siya, hmm, mukhang may naaamoy ako sa kanila ni ano pero secret muna. Malalaman nyo din naman eh.

Matapos akong mag timpla ng kape ay naupo ako sa dining table bitbit ang tasa ng kape ko. Pang animan ang upuan ng mesa. Habang nakaupo ako ay hindi ko maiwasan isipin ang party na dadaluhan namin mamaya ng anak ko. Napabuntong hininga ako ng maisip ang posibilidad na makita roon ang tatay ng anak ko. Ayoko sana pero alam kong hindi ito maiiwasan. Oras na din siguro para maipakilala si Gabrielle sa kaniyang ama.

Malapit ng matapos magluto si manang kaya tumayo ako upang ilagay doon ang mga pagkain na naluto na at naglapag ng tatlong pinggan at mga kubyertos. Saktong matapos ako ay natapos na din si manang.

"Manang, silipin ko lang po si Gab sa kwarto." Magalang na paalam ko rito.

"Sige, hija, ng makakain na din tayo." Sagot nito habang inililigpit ang kalat sa kusina.

Nag umpisa na akong maglakad patungo sa kwarto namin. Dahan dahan kong binuksan ang kwarto at sinilip kung gising na ba ito. Lumapit ako sa kama at marahan na naupo. Tulog pa din ito. Muli akong nagpakawala ng buntong hininga sa isipin na makikilala na siya ng lahat ng kaibigan namin mamaya.

"Baby.." Masuyong tawag ko dito habang binibigyan ko ito ng mga mumunting halik sa mukha.

"Hmm.. mommy?" Paos na tawag nito habang binubuksan ang mga mata niya. Napangiti ako at umayos ng upo. Naupo rin ito at binigyan ako ng matamis na halik.

My Daughter's Father (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon