Chapter 4:

5.6K 148 5
                                    

PAALALA: baguhan lang po ako. Enjoy :)

Prys Cybrine's POV

Hi sa inyo. As you know, isa ako sa mga kaibigan ni Lois Lane. Kilala nyo naman na ako so okay na y'un.

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng salamin ngayon at tinutuyo ng kabilang kamay ko ang buhok ko, habang ang isa naman ay hawak ang cellphone. At makalipas nga ang ilang ring ay sinagot na nya ang tawag ko.

"hello, beh?" -Lois

"hi, beh, haha. Nagulat ka ba sa tawag ko?"

"hmm, medyo. Hindi ko kasi inaasahan tawag mo eh." natatawa niyang sagot. "Pero kung tungkol 'yan sa birthday ni Nate ay huwag kang mag-alala, beh. Pupunta ako hahaha."

Natawa ako sa sinabi niya. "Gaga! Hindi naman yun ang dahilan kung ba't ako napatawag, pft. Aayain sana kita lumabas."

"Ha? Eh magkikita naman tayo bukas, 'di ba?" gulat niyang tanong.

"Oo nga, pero iba pa rin 'yung lalabas tayo ngayon, hahaha. Namiss kasi kita, beh, tsaka isa pa gusto ko makita inaanak ko!" nakangiti kong sagot sa kanya.

"AYSUS! Haha, sige na nga. Saan ba tayo magkikita? Tamang tama din at bibili ako ng ireregalo ko para kay Nate."

"Ayos 'yan, beh, para medyo matagal tayo magkakachikahan, haha."

Natawa siya sa kabilang linya. "Ganyan mo ba ako namiss, beh? Pft." tudyo niya sa'kin.

"Oo, beh! Baliw ka kasi ayaw mo sabihin sa'kin kung saang lupalop ba kayo naglagi ni Gab dati, edi sana napasyalan ko kayo dun, hmp!" Kunwari nagtatampo kong sagot sa kanya.

"Hehe, sorry na, beh, eto nga 'di ba babawi ako sa 'yo." Aniya.

"OO NA OO NA! Kung hindi lang talaga kita mahal, beh, nakuuuuu!" Kunwaring nanggigigil kong sagot sa kanya.

"HAHAHA, LOVE YOU, BEH! Saan ba tayo magkikita? Sa labas na lang din tayo mag lunch nila Gab."

"Sa mall tayo, beh. Oo sakto hindi pa din ako nag la-lunch eh. Sa may SM **** mag bibihis na ako then pag katapos alis na ako dito."

"Sige, beh, kita kits na lang. Bibihis lang din kami ni Gab tapos alis na din kami n'un. Text text na lang tayo."

"Sige, beh. Ingat kayo ni Gab. See you later."

"Okay, beh. Ingat din, bye."

Pagkalapag  ko ng cellphone ko sa tokador ay madali akong tumayo at nagpunta sa cabinet ko para mamili ng damit na susuotin ko.

---

Nate's POV

Yo! Syempre hindi pwedeng walang POV ang gwapong ako. Pero bago 'yan ay papakilala muna ako.

I'm Natel Rein Fernandez, at your service beautiful ladies. *wink* isa din ako sa mga kaibigan nila Erik at Lois. At bukas nga ay mag ce-celebrate ako ng kaarawan ko. Excited na ako para bukas, WOOOAH!

May alam ako sa kanila na hindi niyo alam. Syempre pa, gwapo ako kaya alam ko ang kwento. Gusto mo ba malaman, babe? Halika kwento ko sa'yo sa kama ko, PFT! Biro lang. Pero pwede din naman kung gusto mo.

My Daughter's Father (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon