Chapter 18

2.8K 55 23
                                    



Lois Lane's POV

Kinaumagahan, nagising ako na sobrang maganda ang pakiramdam ko. Kagabi nung sinundo namin si Gab at ihatid kami pauwi ni Erik, puro tawanan ang nangyari at pagbibiruan. Medyo nagtagal sila ni Nate kagabi at medyo late ng umuwi. Pinagpipilitan pa nung dalawa na dito matulog dahil puro daw kami mga babae dito pero itinulak namin sila palabas ni Prys para umuwi. Walang paglagyan 'yung kaligayahan na nararamdaman ko ngayon.

Nakapagluto na ako ng agahan at kasalukuyan na hinihigop ang kape sa tasa ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa may gilid ng lababo. Nag soundtrip kasi ako kanina habang nagluluto. You know, dagdag pampagana. At aminin niyo gawain din ng iba 'yan panigurado.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko at sumandal sa lababo. Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ang tumatawag. Basta sinagot ko na lang ito agad.

"Hello," bungad ko.

"Good morning," malambing na bati ng nasa kabilang linya at napadiretso ako ng tayo.

"E-erik? Uhm, ah, good morning din," taranta kong sagot dito.

God, ba't ba kasi kailangan makaramdam ng nerbiyos kapag kausap mo 'yung taong mahal mo? Hays!

"Kumusta tulog mo?" Tanong nito.

"A-ayon ayos lang. Uhm... ikaw ba?"

"Sobrang ayos din lalo na boses mo narinig ko bago ako matulog kagabi."

Hindi ko man siya nakikita pero alam kong nakangiti siya dahil bakas sa boses niya habang nagsasalita siya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Hmm, kumain ka na ng almusal?" Tanong ko habang pinipigilan ko ang mapangiti.

"Hindi pa. Kakagising ko lang at boses mo agad ang gusto kong marinig," malambing na sagot nito.

Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil hindi ko malaman kung paano susupilin ang ngiti na pilit na kumakawala sa labi ko.

'Langya naman! Daig ko pa teenager ngayon! Bulong ko sa isipan ko habang hindi pa rin maalis alis ang ngiti sa labi ko.

Ibinalik ko sa tenga ko ang cellphone tsaka sinabing, "tumayo ka na at kumain."

"Opo, boss, kumain na din kayo ni Gab. Pupunta ako pagkatapos kong maligo."

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

"Sige, hintayin ka namin. Mag-ingat ka sa pagdrive."

"Masusunod, boss. Sige na, ibaba mo na 'yung tawag," saad nito. "I love you."

"Hmm," may pagtangong sagot ko. "Bye." tsaka ko pinindot ang end button ng tawag.

Hawak-hawak ko pa rin ang cellphone habang nakangiti nang marinig ko si Prys na magsalita.

"Naks! Hindi naman halatang kinikilig ka d'yan, beh?"

Nakangiting turan nito habang hawak sa kanang kamay si Gab at naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Napangiti ako. Hinalikan ko agad ang pisngi ni Gab ng makalapit siya sa akin.

My Daughter's Father (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon