Lois Lane's POVNAKARATING kami sa building ng condo namin. Karga karga ni Erik si Gabby dahil nakatulog ito sa sasakyan at ayaw niya ito gisingin. Nasa loob kami ngayon ng elevator at malapit na sa floor kung saan naroon ang tinitirahan namin.
Bumukas ang elevator at agad akong lumabas at mabilis na naglakad, kasunod ko si Erik. Hawak hawak ko na ang susi at binuksan agad ang pintuan. Dumiretso kami sa kwarto para maihiga na roon si Gabby.
Pagkapasok namin ay maingat na inilapag ni Erik si Gabby sa kama. Balak ko sana na tanggalin ang sapatos ni Gab, ngunit ng mailapag na niya ito ay dumiretso ang mga kamay ni Erik sa sapatos na suot-suot ni Gab at marahan na tinanggal ang mga ito. Hinayaan ko na lamang. Marahil sabik siya na gawin ang lahat para kay Gab, kahit pa ang mga simpleng bagay tulad nito.
Tinitigan ko siya, "Ahm.. uuwi ka na ba? O... gusto mo munang mag kape?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin ito sa akin. "Hmm.." tango nito, "gusto ko muna magpahinga at uminom ng timpla mong kape," nakangiting sagot niya.
"Okay. Ah.. tara sa labas?" Anyaya ko rito at nauna na akong lumabas ng kwarto.
Narinig kong marahan niyang sinara ang pintuan. Lumingon ako saglit sa kanya. "Mauna ka na sa veranda, sunod na lang ako." Tumango ito at tumuloy sa veranda, habang ako ay dumiretso na sa kusina.
Kumuha ako ng dalawang tasa at pumunta sa water dispenser. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang bitbit ko na dalawang tasa at pagkatapos ay sinimulan kong timplahin ang mga ito.
Kumuha ako ng tray at nilagay na ang mga ito doon. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang maglakad patungo sa veranda. Nadatnan ko siyang nakaupo sa isa sa mga silya ng round table. Mukhang malalim ang iniisip niya. Nakatukod ang mga siko sa magkabilang side ng inuupuan niya. Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa kaniyang baba at nilalaro ang pang-ilalim na labi.
Tumikhim ako at naglakad palapit sa kaniya. Napadiretso ito ng upo. Naagaw ko ang atensyon niya mula sa malalim na pag iisip. Inilapag ko ang tray sa mesa at inilagay ang tasa sa may harapan niya at ganoon din sa 'kin.
Naupo ako sa isang upuan na nakaharap sa kaniya. Sa mag kabilang side namin ay tig-isang bakante na upuan. Lihim akong napalunok. Hindi ko alam kung ano o pano ko ba uumpisahan ang mga bagay bagay na gusto kong sabihin sa kanya.
"Salamat," napapitlag ako sa biglaan na pagsasalita niya. Nakakunot noo akong napatitig sa kaniya. Bakas ang pagtataka sa mukha ko. "Salamat sa pagbibigay mo ng oras na makasama ko si Gab kanina. At tsaka . ." Pigil ko ang hininga ko habang hinihintay ang sasabihin pa niya.. "salamat at bumalik ka na dito kasama ang anak natin." May kislap sa mga mata niya. Halata din ang kagalakan sa boses niya.
Bigla ay parang umurong ang dila ko. Nagdiriwang ang puso ko sa narinig ko mula sa kaniya. "Anak natin". Napapikit ako. "W-wala ka bang itatanong? Ahm . . Kung bakit ako umalis noon?" Sinalubong ko ang titig niya kahit pa sobra ng kumakabog ang dibdib ko.
Nakita kong humigpit ang kaniyang panga. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba, ngunit sa ilang segundo parang nakita ko ang galit sa mga mata niya.
Tumikhim ito bago nagsalita. "Sasagutin mo ba kung sakaling magtanong ako?" May diin sa kaniyang pananalita. Napalunok ako.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Father (Slow Update)
RomanceWalong taon na ang nakalipas at ngayon, handa na akong harapin siyang muli..