Chapter 16: Part 1

4.5K 98 15
                                    



Lois Lane's POV

Alas sais akong nagising kinaumagahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alas sais akong nagising kinaumagahan. Dinama ko ang sarili ko, hindi ko alam pero ang bilis ng pag galing ko. Pagkatapos kong masiguro na ayos na pakiramdam ko ay nag-unat ako ng kaunti at nag warm up. Pag tapos ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos ng mukha at mag tooth brush.

Matapos maghilamos ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto upang hindi magising si Prys. Dumiretso agad ako sa may kusina upang maghanda ng agahan. Since alam kong hindi heavy eater ang mga kasama ko. Napag-isipan ko na ham, bacon, egg at toasted bread na lang ang ihanda ko. Kung titignan kasi ang mga kasama naming lalake. Mahahalata mo na alaga sa gym ang mga pangangatawan ng mga ito. Pero yung hindi sobra na parang bato ang katawan. Tama lang sa ehersisyo.

"Good morning."

"Ay talangka!" Gulat kong reaction ng may biglang magsalita sa may likuran ko. Mabuti na lamang at tapos na akong maghugas nun ng ginamit kong pangluto kanina.

Humarap ako at nakita ko ang nagpipigil ng tawa na si Erik. Gusto ko siyang kutusan ngayon, promise.

"Ang aga naman ng talangka. Yun ba ulam natin? Pfft!"

Nang-aasar ang tono ng pananalita niya. Naitikom ko ang bibig ko dahil masyadong maaga para mainis ako sa mokong na ito.

"Magtigil ka d'yan." Saad ko bago kumuha ng mga plato para ilapag sa mesa.

"Ako na," prisinta niya at kinuha ang mga plato sa mga kamay ko, at siya na rin ang nag-ayos sa mesa. "Magaling ka na ba? Kumusta pakiramdam mo?" Tanong nito.

Tumingin ako sa kaniya pero natigilan ako ng makita siya na nakasandal ang likuran sa upuan at nakapamulsa sa magkabilang side ng suot niyang jogging pants. Sando ang pang-itaas niya. Sobrang gwapo at ang angas niya tignan.

Napalunok ako bago sumagot. "O-oo, okay na ako." Sagot ko sabay talikod para kumuha ng dalawang tasa. "Ahm.. gusto mo ng kape?" Tanong ko sa kaniya ng nakatalikod pa rin.

"Ganun ba? Sayang naman," Saad niya na nasa boses ang paghihinayang.

Napakunot-noo ako sabay lumingon sa kaniya. "Huh?"

'Ano ang sayang?' Tanong ko sa isipan ko.

"Sabi ko oo. Gusto ko ng kape, Lois." Sagot niya bigla. Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape.

"Good morning, guys!" Maingay na bati ni Nate ng makarating ito sa kusina.

"Good morning." Saad ni Ryu na humihikab habang hinihila ang upuan sa mesa.

Kasunod din nila si Grae na naupo na rin. "Morning." Bati rin nito.

"Good morning," bati ko sa kanila habang iniaabot ang kape kay Erik na nakasandal pa rin sa may upuan.

My Daughter's Father (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon