[A/N: mabagal po talaga pag update ko sorry. Pero pag may naiisip po ako nag uupdate po ako agad. Salamat :)
Erik's POV
NAGISING akong banas na banas pa din dahil sa nangyari kagabi. Gusto ko silang habulin pero hindi ko na ginawa. Nang makaalis sila kagabi ay agad kong kinompronta si Trixie sa ginawa niya.
FLASHBACK
Nakakuyom ang mga kamay ko ngayon habang minamasdan na lumayo ang mag ina ko.
"Babe? May problema ba?"
Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin bago ko ibinaling ang paningin ko kay Trixie. Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya.
"Bakit mo ginawa 'yun?" nakakunot noo kong tanong sa kaniya. Pinipigilan kong mailabas ang galit ko ngayon.
"Huh? Ang alin?" natatawa niyang tanong sa 'kin.
"Damn it! That kiss! Why did you kiss me?" iritado kong tanong sa kaniya.
"Hahaha, why? We've already kissed before in public places. So what's the matter now babe? That was just a smack."
Muli akong huminga ng malalim bago nag salita. "Sit. We need to talk," saad ko sa kaniya bago naupo. Naupo siya sa tapat ko.
"What is it? Bakit parang napaka seryoso mo ata?" Pagtataka ang nakarehistro sa mukha niya ngayon. Tinitigan ko siya at muling humugot ng malalim na hininga.
"Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. That girl before, she is Lois Lane.. My bestfriend. Siya yung babae na naikwento ko dati sa 'yo. Yung babaeng mahal na mahal ko pero biglang nawala na parang bula." nagbago ang expression sa mukha niya.
"Oh, I see.. That's the reason why you are mad. She saw me kissing you on the lips." may kasamang pagtango na saad niya.
"Yes." tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "At bago ka dumating ay may pinag-uusapan kaming importanteng bagay."
Napataas siya ng kilay at tumingin din ng diretso sa mga mata ko. "And what is it?"
"Nakita mo yung batang kasama niya kanina?" Nakita ko siyang tumango. "Si Gabriel 'yun..." umupo ako ng diretso ng hindi hinihiwalay ang tingin ko sa kanya saka nagpatuloy. "Anak namin ni Lois. Pero... hindi pa inaamin ni Lois sa 'kin. Sadyang malakas lang talaga ang kutob ko. Una dahil sa edad ni Gab. Pangalawa, hindi maipagkakaila na ako talaga ang ama dahil mag kamukhang mag kamukha kami."
Nakita kong unti unting nanlaki ang mata niya at napatuptop siya sa kaniyang bibig. "Oh my gosh! I'm sorry, babe."
"Ayos lang. Trix?" tawag ko sa kaniya. "Hindi naman tayo hindi ba? Pero gusto ko na sanang putulin kung ano man ang namamagitan sa ating dalawa. Gusto ko kasing buuin ang pamilya ko." Buo ang boses ko pero naroon ang paghingi ko ng pang-unawa sa kaniya.
"Ah... uhm... S-sure." sagot niya. "Okay lang naman eh," dagdag niya na may kasamang pekeng tawa. "Pero... mag kaibigan pa rin tayo, huh?" Nakangiti niyang tanong sa'kin ngayon. Nakahinga ako ng maluwag.
"Yun lang pala, haha, walang problema." Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong na ngayon sa mesa. "Salamat. Salamat kasi naiintindihan mo. Hindi ko alam kung naging mabuti ba ako sa 'yo, pero.. Salamat talaga at patawad. Nasisiguro ko na may darating din na lalaki para sa 'yo. 'Yung hindi gago na katulad ko." Natawa ako sa huling sinabi ko kaya natawa na din siya.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Father (Slow Update)
RomantiekWalong taon na ang nakalipas at ngayon, handa na akong harapin siyang muli..