[A/N: medyo walang pumasok sa isipan ko. Medyo lame po pero sana pasok pa rin sainyo. Kung may makita po kayong mali wag kayo mahiya na i correct ako. Thank you. Dedicated po ito kay JeanilynCatagan at AnzaErna salamat po sa pagbasa at pagboto. :)PS: pakinggan niyo po yung kanta para mas ramdam.]
Lois Lane's POV
Nakaupo na kaming lahat ngayon sa malaking round table. Kakatapos lang namin kumain nila Prys at Gab. Nauna na kasing kumain kanina pa ang mga kasama namin dito. At eto nga ako ngayon, sobra sobra ang kaba ko kanina pa habang nakaupo. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig. Ramdam ko din ang lamig ng kamay ko dahil sa matinding kaba. Paano ba naman akong hindi kakabahan? Dahil bukod sa kasama ko sa table na ito ang ama ng anak ko. Nasa gitna pa namin pareho si Gab. Ganito ang pwesto namin dito sa mesa namin.
Ako katabi ko si Gab na katabi naman si Erik. Katabi ni Erik si Grae tapos si Ryu na katabi naman si Cade. Sa tabi ni Cade ay ang asawa niya na buntis na si Francine. Sa tabi ni Francine ay si Huilen na katabi naman ni Skye. Katabi ni Skye ang asawa na niya ngayon na si Abraham kalong ang two years old nilang anak. Tabi naman ni Abraham ay ang birthday celebrant na si Nate. At sa tabi ni Nate ay si Prys na katabi ko din.
"Ang laki na pala ng anak mo, Lois? She's turning eight years old, right?" Tanong ni Huilen sa'kin na mas nakadagdag sa kaba na nararamdaman ko.
"Uhm... Yup! Dito gaganapin ang birthday niya. Next month na yun so invited kayong lahat." Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon dito habang sinasagot si Huilen.
"Kasama mo ba ang asawa mo na umuwi dito?" Tanong naman ni Skye. Narinig kong napaubo si Nate at Prys. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng kilay ni Erik.
"W-wala pa akong asawa." Utal na naman na sagot ko.
"WHAT?!" Gulat na tanong ni Grae. "Ibig sabihin walang kinikilala na ama ang anak mo?" Dagdag ni Grae na binigyan ko ng tipid na ngiti.
'Huwag sana silang makahalata muna.' Taimtim na dasal ko.
"If you want, babes, I can volunteer to be Gab's dad. Hahaha," hirit ni Ryu.
"Huwag kang mang-akin ng anak, Ryu!" Biglang sabat ni Erik na nakatingin kay Ryu.
"Pfft! Chill lang, 'tol. Alam mo naman ang bunganga ng isang 'to." Tumatawang sabat ni Cade.
"Tsk. Panay kasi pambababae. Magtino ka ngang gago ka!" Inis na saad ni Erik sa kapatid niya.
"Oy oy, 'tol! Wala namang ganyanan! Haha, ano ba problema mo sa'kin ngayon? At tsaka matino na ako," sagot ni Ryu na sobrang natatawa sa itsura ni Erik. Hindi kasi maipinta ang itsura nito.
"Nasaan ang ama ng anak mo, Lois?" Biglang tanong ni Abraham sa'kin na pakiramdam ko ay nagpatigil ata sa hininga ko.
"Ah... eh..." Natatarantang sagot ko na. Lumunok muna ako bago nagpatuloy. "K-kakausapin ko muna siya about kay Gab." Pilit kong hindi tignan ang gawi ni Erik. Kanina pa kasi siya tahimik na nagmamasid sa 'kin at kay Gab.
"What do you mean? Hindi alam ng daddy ni Gab na may anak kayo?" Mapang-usisa na tanong ni Skye. Pakiramdam ko nakakatunog ang isang ito. Magsasalita na sana ako kaso..
"Mommy, I'm thirsty." Biglang salita ni Gab sa may tabi ko. Kukuha na sana ako pero biglang may iniabot na baso si Erik.
"Here, baby." Saad ni Erik habang iniaabot ang baso na puno ng tubig kay Gab. At halos managutan ako ng hininga sa pagtawag niya ng baby rito.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Father (Slow Update)
Roman d'amourWalong taon na ang nakalipas at ngayon, handa na akong harapin siyang muli..