Yexel's POVHi there readers. I bet my lil sister already introduced me to you guys. Kaya edad ko na lang ang sasabihin ko. 29 years old. Soon-to-be-married sa babaeng mahal na mahal ko.
"I love you, hani." Malambing kong bulong sa tenga ng fiancée ko. Nandito kami ngayon sa sala ng bahay na iniwan sa amin ng magulang namin ni Lois.
"I love you too, hani." Sabay pisil niya sa ilong ko. Hinuli ko ang kanyang kamay at sinimulan ko siyang halikan sa pisngi papunta sa labi niya na agad naman niyang sinuklian. Nakaupo kami sa sofa. Kami lang dalawa. Kasalukuyan na nagluluto yung kasam-bahay sa may kusina, magtatanghali na kasi.
Napatigil kami sa paghahalikan ni Linein ng may marinig kaming napasinghap sa may hindi kalayuan sa amin. At nakita ko ang nag-iisa kong kapatid na nakatakip ang mata gamit ang kaniyang kamay. At ang isang kamay niya ay nakatakip naman sa pamangkin ko na si Gabrielle. Natawa ako sa itsura nila.
"Haha, kung maka react ka naman, bunso, akala mo hindi mo pa naranasan ang mahalikan." Sabay tayo ko at nilapitan silang dalawa para yakapin at halikan sa noo.
Si hani? Ayun nagtakip ng mukha paniguradong nahihiya dahil nakita kami ng kapatid ko, pfft. Pustahan kamatis na mukha niyan sa sobrang pula.
Pinandilatan ako ng mata ni Lois. "Mind you, kuya, wala pang nakakahalik sa akin!" Nakasimangot na sagot nito. Napataas ako ng kilay at ngumisi.
"Wala pang nakahalik? Talaga, bunso? Eh tingin ko nga mas sobra pa sa halik ang naranasan mo eh, hahaha," pang iinis ko sa kapatid ko habang paupo na kami sa sofa.
Nakita kong pumula ang mukha niya. Sarap talaga inisin ng mga babae. "W-wala akong malay at wala akong natatandaan, kuya, ng m-mangyari 'yon!" Masungit at utal na sagot niya sa'kin habang pulang pula pa rin ang mukha niya. Gusto ko pa sana asarin kaso baka masabunutan na ko dito.
"Hi?" Alanganing bati ni Linein sa dalawa.
"H-hello, ate." Alanganin din na sagot ni Lois. Nahiya siguro sa nakita niya, pfft. Ayan kasi storbo eh.
"Hello, tita." Sagot naman ni Gabby na nakaupo sa tabi ng mommy niya.
"Kumain na ba kayo, bunso?" Tanong ko kay Lois.
"Hindi pa, kuya. Dito kami mananganghalian. Tinext kita pero hindi ka naman sumagot, hmp!" Masungit na sagot niya sabay irap sa'kin.
Napakamot naman ako sa ulo at tinignan ang cellphone ko na may text nga niya. "Alam mo naman na pag kasama ko na itong ate mo hindi ko na tinitignan pa phone ko. Baka magselos eh, haha." Biglang napatingin sa akin si Linein at kinurot ako sa tagiliran ko. Napa aww tuloy ako. "Hani, naman eh," saad ko habang hinahawakan ang kamay niya.
Napailing ito at tumayo. "Check ko muna sila manang sa kusina kung luto na ba 'yung pagkain. Gab, wanna come?" Aya nito kay Gabby ng nakangiti.
"Sure po." Sagot ni Gab at sumama kay Linein.
Napatingin ako sa bunso kong kapatid. "Kumusta yung party?"
Bumuntong hininga ito bago sumagot. "Naging okay naman, kuya. H-hindi ko nasabi sa kanya eh. Tsaka mukhang hindi naman niya nahalata."
"Bunso?" Tawag ko sa kanya at mabilis naman siyang nag angat ng tingin sa'kin. Napakunot noo ako. "Huwag mong sabihin sa'kin ngayon na nagbago na ang isipan mo tungkol sa pagpapakilala mo kay Gabrielle dahil lang sa hindi nahalata ng ama niya?"
BINABASA MO ANG
My Daughter's Father (Slow Update)
RomanceWalong taon na ang nakalipas at ngayon, handa na akong harapin siyang muli..