Lois Lane's POVMaaga akong nagising kinabukasan para magluto ng agahan namin ni Gab. Nag prito ako ng ham at egg pati na rin hotdog sinamahan ko ng toasted bread. Alas siyete pa lang ng umaga. Nagkakape ako ng tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni kuya kaya sinagot ko agad.
"GOOD MORNING, KUYA!" Masayang bungad ko sa kaniya.
"Haha, good morning, bunso, kumusta ang tulog?"
"Ayos naman, kuya. Mahaba-habang tulog din." Natatawang sagot ko sa kaniya.
"Buti naman kung ganun. Siya nga pala kaya ako napatawag para sabihin na darating na maya-maya diyan si Manang na makakasama niyo."
"Hmm, okay, kuya." Tatango tango kong sagot na animo nakikita ng kausap ko.
"At ang isa pa na itinawag ko ay para sabihin na sa labas tayo manananghalian mamaya. Kasama ate Linein mo."
"Oh, okay, kuya. Pero wala pa ang sasakyan ko dito, susunduin mo ba kami?"
"Oo nga pala nandito yung sasakyan mo. Papahatid ko na lang kay Manong Larry, bunso, hindi ko kayo masusundo eh."
"Okay lang, kuya, naiintidihan ko naman. So, 'yun lang ba?"
"Yup, 'yun lang, so pa'no? Kita na lang tayo mamaya ha? Ingat, bunso." Pamamaalam niya sa kabilang linya.
"You too, kuya. See you later, bye." Pinindot ko ang end button ng tawag at saka inilapag sa mesa.
"Mommy!"
Bahagya pa akong nagulat ng mag salita si Gabby na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala. "Oh hi, baby, good morning." Sabay hila ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
"Good morning, too, mommy." Aniya habang kinukusot kusot pa ng bahagya ang kaniyang mata. Napangiti ako.
Pinaupo ko siya sa tabi ko at hinainan ng pagkain sa kaniyang plato.
"Baby, your tito just called before saying that we will have our lunch outside together with your tita Linein. Okay lang ba yun, baby?" Tanong ko habang kumakain kami.
"Yes, mommy, that's fine with me, but, mom, ahm.."
"What is it, baby?" Nakangiti kong tanong habang nakatingin sa kanya.
"When I will meet my dad, mom?" Tanong niya na ikinatigil ko. "Is he there too?" Dagdag pa niya.
"Ahm, hmm.. your dad is probably busy, baby, so he can't meet us later. Don't worry, ahm, I'll tell him that you want to meet him, baby." Kinakabahan kong sagot kay Gab.
"YEAY! THANKS, MOM!" She giggled. I can feel the excitement in her voice. I bit my lower lip.
Damn it! Bigla akong na guilty sa isipin na nagsisinungaling ako sa anak ko. Na hindi ko alam kung saang lupalop ang kaniyang ama ngayon. Napabuntong-hininga ako ng malalim.
Mabilis naming natapos ang agahan namin. Dumating na din 'yung tinutukoy ni kuya na makakasama namin dito. Tinuro ko lang kay manang ang mga dapat gawin at pagkatapos ay nagtungo na kami ni Gab sa kwarto para paliguan at ayusan siya.
Nakaligo na din ako at paalis na kami ni Gab. Sumakay kami sa kotse at ako ang nagmaneho. Sanay ako dahil nung nasa ibang bansa kami ni Gab ay nagmamaneho din ako.
Tinignan ko ang anak ko na nasa passenger seat. Naka red light kaya nakatigil kami ngayon. Marunong siyang magtagalog kahit papaano pero hindi lahat naiintindihan niya. Minsan nga parang mauubusan na ako ng dugo sa batang 'to, pero ayos lang. Pag kinausap mo siya mag eenjoy ka. Yun nga lang hindi ko alam kung bakit parang hindi siya eight years old kung mag isip. Isang katangian na namana niya rin sa kanyang ama. Tumingin na ulit ako sa daan dahil nag green na ang stop light.
Inihinto ko ang sasakyan sa parking area ng restaurant kung saan kami magkikita nila kuya. Habang papasok kami sa loob ay namataan ko agad sila ni ate Linein. Kumaway sa akin si ate kaya nilapitan na namin sila agad.
"Hi, ate." Bati ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.
"Hello, Lois, and hi, little lady." Sabay halik din kay Gab. Lumapit ako kay kuya at humalik din sa pisngi, tsaka kami naupong lahat.
"Order na tayo?" Tanong ni kuya sa amin.
"Okay," kami ni ate.
Tapos na kaming mag order ng biglang mag salita si Gab at kausapin si kuya.
"Tito, you know what, I'm gonna go and meet my dad." Nakangiti niyang saad kay kuya na ikinagulat at ikinatingin ni kuya sa 'kin. Nagtatanong ang mga mata ni kuya na para bang nagsasabi na nakausap-mo-na-ba-siya? Itinikom ko ang bibig ko senyales na hindi pa at mukhang nakuha naman ni kuya.
"Is that so, Princess? Well, I am glad that you can finally meet your dad." Nakangiting ani kuya kay Gab.
"Yes, tito, but I don't know yet when is the exact day that I'll gonna meet him." Malungkot na sagot ni Gab. Parang piniga ang puso ko ng makita ang lungkot sa kaniyang mga mata.
I caress her cheek. "Don't be sad, baby. Gagawin ko lahat makita mo lang siya." Pinilit kong ngumiti upang mas makunbinsi ko siya at para maalis ang lungkot na nakabalatay sa mukha niya.
Biglang nag liwanag ang kaniyang mga mata "Really, mom?" I nodded and smile.
-----
Kasalukuyan na kaming kumakain ng may maalala ako. "Kuya, ano nga pala ang dahilan ng pag papauwi mo sa amin dito?" Sabay tingin ko sa kaniya.
"Ahh! Oo nga pala," tumikhim muna siya bago niya hinawakan ang kamay ni ate at nag salitang muli. "Ahm, bunso, ang totoo kasi niyan engaged na kami ng ate Linein mo ngayon. Tsaka pa lang gaganapin ang engagement party, haha. 'yun ang inaasikaso namin ng ate mo ngayon, at 'yun din ang dahilan kaya ko kayo pinauwi ni Gabby." Nakangiti niyang saad.
Napanganga ako kasi hindi ako makapaniwala! Sinong mag aakala na tatagal sila at ngayon ay engaged na? Eh kung mag bangayan ang dalawang 'yan eh talo pa ang aso at pusa.
"CONGRATS! Haha, hindi ako makapaniwala pero masaya ako para sa inyo kuya at ate."
"Salamat.." Ani ate Linein "Wala eh. Mahal ko talaga kuya mo. At siguro talagang natural na sa relasyon ang hindi pagkakaintindihan. Pero ang pinaka importante talaga.. 'wag takbuhan ang problema at sabay niyong harapin ito," nakangiting saad ni ate sabay tingin kay kuya. Grabeee! I'm so happy for my kuya and for ate Linein.
Masaya naming ipinagpatuloy ang pagkain at pag kwe-kwentuhan ng may mahagip ang mga mata ko na pamilyar na mukha. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ng makita ko siya! Oo siya. Siya na ama ng anak ko.
-----
Erik's POV
Nasa restaurant ako kasama mga utol ko. Ang iingay ng mga gago hindi na nahiya. Puro mga kalokohan ang pinag-uusapan at mga babae. Tsk, napailing na lang ako.
"Nanahimik ang ungas dito malamang iniisip din ang pugo niya, HAHAHA!" Cade na ang tinutukoy ay ako.
"HAHAHA!" nagsitawanan ang mga gago.
"Lul! 'wag niyo kong idamay sa mga kalokohan niyo mga gago!"
"SUS! Kunwari ka pa, 'tol, eh alam naman namin na may dinidate ka, gago!" Grae sabay ngisi ng nakakaloko.
"Tsk! 'wag ako ang pag diskitahan niyo! Eto.." sabay turo ko kay Ryu. "Eto ang pag diskitahan niyo dahil mukhang tinamaan ang loko dun sa bestfriend niya!" Saad ko sa kanila.
Napatingin ang lahat kay Ryu na tumigil sa kakatawa.
"Ako na naman nakita niyo!" -Ryu sabay kamot sa ulo.
"Malamang, 'tol, eh may mga mata kami, pfft!" Sagot ni Cade. Gago talaga isang ito.
"Oh, eh bakit ikaw, 'tol," saad ni Ryu na sa akin ang tingin. "Nasaan na ba 'yung bestfriend mo dati? Wala ka na bang balita tungkol sa kaniya?" Pag-iiba niya sa topic.
Natigilan ako at tinitigan siya ng masama. "I don't know and I don't fvcking care." Malamig at walang ganang sagot ko sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Father (Slow Update)
RomansaWalong taon na ang nakalipas at ngayon, handa na akong harapin siyang muli..