Chapter 3: How they met..

6.2K 145 2
                                    


Lois Lane's POV

Nakauwi na kami sa bahay, halos hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko siya! GAAAAD! Gusto ko siyang lapitan at yakapin, pero naisip ko para saan at bakit? Mabuti na lamang at hindi niya kami nakita kanina dahil busy siya sa pakikipag-usap sa mga kapatid niya.

Nasa kwarto kami ni Gab ngayon. She was staring at me. Hinaplos ko ang buhok niya.

"You know what, baby," paninimula ko sa kaniya. "You look much like your dad."

Tumingin siya sa akin na para bang handa ng makinig sa mga susunod na sasabihin ko. "Really, mommy? Can you tell me more about dad? How you and him met.."

Sumandal ako sa head ng kama at hinila siya palapit sa akin para isandal sa 'kin. "sure, baby, we met in a Coffee shop.."

FLASH BACK (8 years ago)

Pumasok ako sa paborito kong Coffee shop. Tambayan na namin ito pag uwian. Madalas kong kasama sila Prys dito pero busy sila ngayon kaya ako lang mag isa.

Pumunta ako sa counter para umorder.

"One espresso, please," saad ko sa babae na kumuha ng order ko.

"One espresso, that cost 175 peso, ma'am."

Nag abot ako ng two hundred peso at binigay naman niya ang sukli ko. Umatras ako ng kaunti sa counter para makapag order na ang mga nasa likuran ko.

Ilang minuto lang ay sumigaw yung cashier na, "ESPRESSO COFFEE!" lumapit ako sa counter para sana kunin ang order ko pero kasabay ng paghawak ko sa order ko ay may isa pang kamay na humawak doon.

Tinignan ko siya ng may pagtataka at mukhang na gets naman niya.

"That's mine, miss. Nauna akong umorder sa'yo," nakangiti niyang saad sa 'kin. Tinignan ko lang siya ng diretso na walang emosyon.

"Ah, sorry." Sabay bitaw ko sa kape na hawak hawak pa rin naming dalawa. Ibinaling ko ang paningin ko sa iniaabot pa na isang espresso kinuha ko 'yun at nagtungo sa lagi naming inuupuan ng mga kaibigan ko.

Nakaupo na ako at kinuha ang cellphone ko. May mga text sila Prys kaya binasa ko ito. Nirereplyan ko ang mga mensahe sa akin ng maramdaman ko na parang may tumititig sa akin. Nag-angat ako ng paningin at nakita ko sa may katapat na table ko 'yung lalaking nakasabayan ko sa pagkuha ng inorder kanina. Bigla siyang nag-iwas ng tingin kaya napakunot-noo ako at napailing tsaka ko muling itinutok ang paningin ko sa cellphone.

---

Erik's POV

May nakasabayan ako na chix sa counter kanina at nahawakan ko ang kamay niya ng sabay naming kunin ang order ko na nagkataong kapareho ng order niya. Ang lambot ng kamay niya pero kingina lang pre kakaiba. Nginitian ko siya pero diretso lang siyang tumingin sa akin na para bang walang epekto ang napaka gwapo kong mukha at pamatay na ngiti sa mga babae, pffft!

Naupo ako sa katapat ng table niya. Mag-isa lang siya at busy siya sa pagkalikot ng cellphone niya. Pero mukhang naramdaman niyang may nakatitig sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin.

'Kingina! Mukhang nahuli ata ako.'

Ibinaling ko na lang sa iba ang paningin ko. Tambayan naming mag uutol tong Coffee shop na 'to pero kingina lang iniwanan ako kanina ng mga gago at dinate mga pugo nila. Tuloy mag-isa lang ang gwapo dito. Inubos ko na ang kape na inorder ko tsaka tumayo at sumibat na.

-- KINABUKASAN --

Lois Lane's POV

As usual pauwi na naman galing school pero tatambay muna kami sa Coffee shop. Kung kahapon mag-isa ako, p'wes ngayon kasama ko ang TKG. Ano ang TKG? Tropang Kape Girls. I know right ang lame ng pangalan namin, but who cares.

My Daughter's Father (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon