CHAPTER 6- Rumor

27 2 5
                                    

tok tok tok tok

UGH! SINO BA YANG KUMAKATOK DISTORBO TALAGA HA?!

Bumangon ako at biglang sumigaw pagka bukas ko sa pinto ng kwarto ko.

"ANO BA?!"

"E-eh m-ma'am malapit na po kasi kayong malate tapos may bisita po kayo sa baba. Classmate n-niyo d-daw." nauutal na sabi ng yaya namin.

I sighed.

Mabilis akong naligo at pagkatapos kong nagbihis, tiningnan ko muna ang lace...

Should I wear it?

So ayun, ginawa ko muna siyang headband. Maybe... I should make it up for him. Pero, kailangan ko ba talagang i-pleased siya? Wala naman din talaga akong ginawang masama tapos nagsorry na din naman ako. Ewan ko na talaga

Paglabas ko sa kwarto ko, bababa na sana ako ng may makita akong lalaki sa sala namin.

"Bakit ka nandito?" seryoso kong sabi habang pababa ako.

"Sabay na tayo sa school." sabi niya.

"Hindi ka na dapat naghintay. Mauna ka na, baka malate ka pa dahil sa akin Jheyvon." sabi ko na parang pinagtatabuyan si Jheyvon. Oo, si Jheyvon ang naghintay.

"Okay lang, kanina pa nga ako naghihintay." he giggled.

"I'm sorry. I didn't asked you to wait for me."  Sincere talaga ang pagkakasabi ko sa sorry pero yung sumunod na mga salitang nabitawan ko ay medyo bitchy.

"Ahh. Well, if you say so..Bye." yumuko siya. Tumalikod siya para umalis.

Oh no... ano bang klaseng tao ako? kung sino-sino na lang ang hindi ko pinapahalagan ang ginagawa nila para sa akin.

Bago pa siya tuluyang umalis, sinundan ko siya. Bahala na yung Dylan na yun.

"Sabay nalang ako, para makalibre akong gasolina." sabi ko and smiled at him.

Nakita kong kumunot ang noo niya pero kalaunan, ngumiti din siya sa akin.

"Napakuripot mo din noh?" tawa niya at pumunta na kami sa kotse niya.

---------------

"Hoooyyy babaeeeee!!!!" Sigaw ni Ally ng magtagpo kami sa hallway. Pero nung makita niyang kasama ko si Jheyvon, bigla siyang natahimik.

Bakit daw?

"Bakit?" tanong ko. Siya naman, nakatingin lang kay Jheyvon tapos si Jheyvon nakangiti lang sa kanya.

"Ally, may problema ba sa mukha ni Jheyvon?" tanong ko kasi hindi na talaga maalis ang mga mata niya kay Jheyvon eh.

"Is he a living God or a fallen angel?" sabi niya habang nakatitig pa rin kay Jheyvon. Para talaga siyang tanga tingnan. Sobrang amazed siya sa mukha ni Jheyvon.

Nagkatinginan kami ni Jheyvon habang nanlalaki ang mata tapos sabay kaming natawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Naiiyak na talaga kami sa katatawa. Feeling ko ang mga blue naming mga mata ay magiging black na sa sobrang epic ni Ally.

Si Ally kasi CE din siya katulad ni Dylan pero ewan ko ba bakit hindi sila gaanong magkakilala ni Dylan.

"No, I'm just a normal person ally. I'm Jheyvon." sabi ni Jheyvon nang makarecover na kami sa katatawa at inabot ang kamay kay Ally. Pero si Ally, tanga pa rin kaya nabatukan ko siya.

Kitams? Nagising sa katotohan ang bruha at inabot ang kamay kay Jheyvon.

"Y-you Know m-me?" nauutal na sabi niya.

"Well, syempre a while ago... Charlotte said your name." sabi ni Jheyvon habang nakangiti.

"Hoy! mauuna na kami ni Jheyvon bakla at baka malate pa kami dahil sa iyo. Bakit ka ba nasa building namin?" tanong ko. Eh diba nga malayo ang building ng CE sa BSA? Dumadayo lang siya pag breaktime.

"Eh, may sasabihin sana ako sa iyo tungkol kay Dylan pero nakalimutan ko eh."

Ang bruha, nakita lang si Jheyvon nagka-amnesia na. HAHAHAHA. Tiningnan ko silang dalawa at halatang na we-weirdohan na si Jheyvon sa kanya. Hawak pa rin kasi ni Ally ang kamay niya pero I didn't mind reminding her. HAHAHAHA

"Ahh sige byeeeee~" at tinalikuran ko na silang dalawa.

narinig ko pang sinabi ni Jheyvon...

"Ahh... Ally, my hand."

tapos sumunod din si Jheyvon sa akin.

"Bakit hindi mo ako hinintay?" sabi niya. Tiningnan ko siya at nakapout pa siya.

"Paki mo? Akala ko gusto mo dun." sabi ko and I giggled.

"Hindi no... Mas gusto ko kasama ka." Bigla talaga akong napatingin sa kanya at napahinto ng marinig ko iyon. Nakatingin lang siya ng seryoso sa akin at huminto din sa paglalakad pero kalaunan, bumuhos ang malalakas na tawa mula sa kanya at dahil sa nainis ako, nasipa ko ang paa niya.

"HAHHAHA--pfft-- HAHAHA-sorry" sabi niya between his laugh.

Iniwanan ko talaga siya pero, nakasunod pa rin siya.

"WHY ARE YOU FOLLOWING ME?!" sigaw ko sa kanya. GALING NIYANG MANTRIP!

"Ahh...kasi po classmate tayo?" Sabi niya na parang innocent.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makapasok na kami sa classroom, all eyes were on us.

"Sila ba?"

"Bagay din naman sila. Parehong blue eyes."

"Pero diba may boyfriend na siyang CE?"

"Baka nagbreak. May nakita din kasi akong ibang kasama yung CE na babae."

Napukaw ang attention ko sa huli kong narinig. May ibang babaeng kasama si Dylan? Well, I shouldn't be jealous kasi the fact na wala naman talaga akong feelings sa kanya.

Nagulat ako when Jheyvon hold my hand.

"Wag mo silang pansinin." Sabi niya at naglakad kami papunta sa upuan namin. Tinabihan din ako ni Jheyvon.

Natapos lamang ang bulungan nang dumating na ang prof namin. In the middle of discussion, may binigay na note si Jheyvon.

Your smile is the most sweetest thing I've seen. You're my friend and I don't like seeing you sad because of rumors that isn't true. Don't let others ruin you.

Napatingin ako sa kanya at napasmile. Mabuti nalang at naging kaibigan ko si Jheyvon.

I shouldn't be affected.

Actually, never pa ako naging affected. Ngayon lang...

Ako si Charlotte na hindi basta-bastang naniniwala sa sinasabi ng iba pero nung marinig kong may iba siyang kasamang babae, nainis ako.

Sabi niya seloso siya, bakit naririnig ko na lang may iba siyang kasamang babae? Dahil lang kinausap ko si Jheyvon? wala na? tapos na?

Biglang nagvibrate ang phone ko.

Ally sent me a picture.

It's Dylan kissing another girl.

Rumor lang ba to o totoo na?

Tanga! may picture na nga!

My jaw dropped when I saw it and something inside me felt pain. I don't know why I'm feeling like this. I should be happy because my iba na siya at he wouldn't annoy me na. Pero bakit ata kabaliktaran ang nararamdaman ko.

What about the game? what about the freaking game? WILL IT END NOW?

------------

A/N: Pinaiksi ko po ang game. Imbis na 100 days ay 30 days nalang po kasi, may plano po kasi ako sa next chapters tapos baka matagalan kasi ang tagal ng 100 days.

P.S. Thank you for reading it! ^_^ I hope you'll enjoy and I hope you'll keep on trusting me until the story will be finished. Thank you. :*

Twisted(On-going)Where stories live. Discover now